Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

7 Steps to Moving On

steps to moving on

Kapag may relationship hindi maiiwasan ang pag-aaway. Pag nag-away lalong hindi maiiwasan ang breakup. Pag nag-break, hindi pwedeng hindi mag move on. May mga bagay talaga na wala tayong control, mga bagay na hindi para sa atin at dapat nating tanggapin na parte ito ng buhay.

Been there, done that. Totoo nga namang mahirap mag move on, lalo na kung ayaw mo pa talaga. Minsan uutakan mo lang talaga ang puso mo, mind over matter ba. So kung nasa moving on phase ka pa eto ang ilang practical na #TipsNiTiff to kickstart your goal.

1. Maligo

Oo, maligo as in shower, hot bath, sabon, shampoo, hilod, MALIGO. Bakit? Dahil malamang pag katapos mo malaman na break na kayo ni Juan/Juana eh nag-emote at nag self pity ka na ng bongga. Sa mga babae, malamang hulas na ang yong make up kakaiyak o kaya naman humaba na ang balbas ng mga lalaki dahil hindi mo trip mag shave. Dapat confident ka sa sarili mo. Therefore, maligo ka, mag pagupit o magkulay buhok (ginawa ko iyan), change of wardrobe, mag paganda at mag papogi. Tandaan, hindi ito para magsisi si Ex or mag-attract ng future Juan/Juana, ginagawa mo ito para sa sarili mo and so that you’ll feel good about yourself. Kapag maaliwalas ang pakiramdam ng isang tao, maaliwalas din ang utak nya.

2. Keep your self busy

Sabi sakin ng isang kaibigan, maganda daw na gumawa ng checklist ng mga bagay na gusto mo ma-accomplish. Iba ang high na naidudulot pag nakikita mong may check na yung checklist mo. Lalong lalo na kung naging buhay mo  na si Juan/Juana, malamang may mga goals ka na hindi mo  na-achieve. Para sa karagdagang kaartehan, bumili ka na din ng magagandang ballpen at notebook para bagay sa checklist mo.

3. Pwede ka din namang mag-travel

Magbyahe ka mag-isa, mag soul searching ka. Sabi nga sa Psalms 119:29 Barricade the road that goes Nowhere; grace me with your clear revelation. I choose the true road to somewhere”. Be adventurous, i-challenge mo yung sarili mo to reach greater heights. I-shut off mo yung mga distractions sa sarili mo and then you can define your goals.

4. Spend time with family and friends.

Sa lahat ng tao na dapat makakaalam ng pinagdadaanan mo, yun ay ang pamilya at mga kaibigan mo. So, spend time with them. Hindi necessary na pag-usapan nyo pa yung mga bagay sa nakaraan. (“Forget about what’s happened; don’t keep going over old history.” – Psalms 43:18) Instead talk about things that are current. Live in the now! Huwag mag-dwell sa past. Makakatulong ito sa healing ng puso mo. Minsan, okay din naman pag-usapan  ang mga nangyare, pero dapat wag naman palagi! Torture yun sayo at sa mga tao sa paligid mo. Kung ito’y mapapag-usapan make sure na you “eat the meat and leave the bones”.

5. Listen to good music

Huwag mo nang balik balikan ang love song nyo ni ex, sakit lang yan sa ulo at sa mata. Instead humanap ka ng song na nakaka-empower. Yung mala-Beyonce o Alicia Keys, yung mapaparampa ka sa tugtog. O kaya naman mga inspirational songs yung tipong nakakaheal ng puso.

6. Do the irreversible.

Alam naman nating lahat na meron tayong mga love momentos na nakatago at naitatabi pa. Ilabas na lahat yan at itapon. Stop thinking na saying ang mga bagay nay un. Yes, bagay lang yun pero may kasama silang sentimental value na nakaka-drag sa moving forward mo.

7.

Ilan lamang yan sa mga practical tips na pwede kong maipayo sayo. Sa totoo lang, napakarami pa nyan, kailangan mo lang malaman kung ano ang mag-fit sa case mo.

Totoong masakit ang ma-heart broken at mahirap mag move on, but its possible.  Kung gaano tayo ka-unique mula sa isa’t isa ganoon din ka-unique ang situation/case ng mga na-broken hearted. No two cases are alike. Kailangan mo lang din talaga mag-come up sa decision that you want to move on and start a new journey. Taking the first step is not always easy. For sure, may family and friends ka to support you and ofcourse si Lord. Sabi nga “If your heart is broken, you’ll find God right there.” – Psalm 34:18. Amazing right!

Kung decided ka na to move on, I pray na sooner or later matatapos din ang phase nay an sa buhay mo. I hope that you’ll find your happiness in life and that people will find happiness in you. God bless your road to freedom!

“Minsan talaga may mga taong darating sa buhay natin hindi para mag-stay kundi para iwan ka, para may matutunan ka, para patayin ka lang. Pero nasa sa ‘yo yun kung hahayaan mo lang na patayin niya lahat ng masaya sa ‘yo.” -Trixie (The Breakup Playlist)

***

Ito ay isinulat ni Tiffany (dancing with no shoes, smiling with no blues…)  Bisitahin mo ang kanyang blogsite dito. 🙂

PS: Ikaw na lang ang magdagdag ng pang-pito 😉

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

 

Advertisements

15 comments on “7 Steps to Moving On

  1. RheaAngeline
    October 20, 2015

    Naligo ako, yes. I kept myself busy, yes. I actually enrolled in a driving class. I did boxing. I involved myself in blogging, running, charity and social works. I met people, well, I surrounded myself with crowds to be specific. I spent time with family and friends. I listened to music but more of praise and worship songs. No to love songs, especially Someday by Nina and Muli by Bugoy Drilon. HAHAHA. Never traveled alone. ‘Yung magcommute o mag-taxi nga lang mag-isa ‘di ko magawa. HAHAHA. Lastly, yes, I let go of the things that seem valuable to “us” – pero wala na ngang “us” ‘diba? Kaya let go na. 🙂

    For #7, I surrendered everything to Him. He’s the only one who will never leave me, forsake me and betray me. He’s the author of my love story. He has plans for me, greater than my plans for myself. He knows what’s best for me. Even though I cannot fathom how He works, I just need to trust Him. Even though His ways are not my ways, I just need to obey Him. He loves me unconditionally. He is powerful. He is sovereign. Siyang-siya na! Choosy pa ba ako kung isusurrender ang lahat sa Kanya? 😀

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 20, 2015

      Choosy ka pa ba kapag niregaluhan ka ni Lord ng gift?… of celibacy? 😉 Haba ng comment! Isang blog na!hehe but thanks! Malaking tulong iyan sa makakabasa at makakarelate about moving on 🙂

      Liked by 1 person

  2. RheaAngeline
    October 20, 2015

    Doc, kaya ba ito 7 dahil 7 ang favorite number mo? Ikaw talaga oh…

    Liked by 1 person

  3. unjellanera
    October 20, 2015

    Agree with everything! Ganyan talaga dapat ang ginagawa. Stay merry, be merry kaya Merry Christmas!

    Liked by 1 person

  4. Nicole Alexandra Chua
    October 19, 2015

    7.) Acceptance
    – Wag nang umasa na si Juan ay gagawa ng romantic gesture para magkabalikan kayo or si Juana na biglang susulpot sa school or office mo at makikipagbalikan sayo. In order for you to really move on you have to accept the fact that wala na talaga. Tapos na ang Chapter niya sa buhay mo. Hintay hintay ka nalang muna. Enjoy being single, and God will provide 😀

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 19, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , .
%d bloggers like this: