Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

BLOgUEST 101: Tips on How to Save Money (High School Edition)

Okay. I want to introduce myself first. I’m a 17 year old senior highschool student. Yes guys! I’m a Filipino highschool student! Bilang isang highschool student na nag-aaral lang at umaasa sa magulang para sa baon, aminin natin, mahirap mag-ipon. Lalo na kapag yang bibig mo at tiyan mo nag join force. Yari na. Kaya naman, bilang isang kapwa highschooler na dumaranas ng same struggle, nandito ako para tulungan kayo… more like, matulungan natin ang isa’t isa para makaipon ng pera para naman may magamit tayo sa future natin.

Uunahan ko na kayo, mahaba itong magiging usapan natin PERO kung talagang willing kayong mag-ipon, I promise, hindi masasayang ang ilang minuto ng buhay niyo sa pagbabasa.

1. Magsimula tayo sa pinakatuktok. Oo, tuktok. Like utak! Baguhin natin ang mindset natin pagdating sa pagiipon at paggastos ng pera.

Ganito kasi yan mga bes. Once na hindi natin mapigilan ang utak natin na gumastos, hindi talaga tayo makakaipon kahit piso. Ganito, kapag nakakita ka ng isang bagay na parang gusto mong paggastuhan, tanungin mo muna sarili mo, kailangan mo ba talaga yan o sadyang gusto mo lang talaga. Example, nakita mo yung cap sa *insert mamahaling store* tapos gustong-gusto mo siya bilhin para alam mo na, pang fashion-fashion mo at pang instagram. Tapos ito pa ang pamatay, nung tinignan mo yung pricetag, aba! Akalain mong nasa 300 lang siya oh! Kating-kati na kamay mo maglabas ng pera tapos nakita mo si wallet, may isang libo! Naks! Siyempre, sunod na tatakbo sa utak mo yung ganitong usapan…

“May isang libo ako! Pag binili ko to, may 700 pa ako panggastos ng iba.”

“Sure ka bang kasya yang 700 mo panggastos mo sa school? Sure kang di ka kakapusin?”

“Uhm… Hindi yan! Bibilhin ko na to! Kaya yan! Magtitipid ako! Di ako kakain sa school!”

AYAN NA! Kinuha mo na! Binili mo! May pamorma ka na sa mga galaan mo. Pagdating ng pasukan, hala ka. Ayaw tumigil ni tiyan sa pagkulo dahil sa gutom. Sumabay pa tong mga friendship mong panay ang yaya sa canteen. Wala kang choice, napapabili ka tuloy ng pagkain. Hanggang sa dumating yung point na ubos na baon mo at next week ka pa bibigyan ni Nanay ng baon. Edi ilang araw ka tuloy gutom na gutom sa school. Fun fact, SOBRANG WRONG NG GANYAN! Minsan sinabi sa akin ni Mama na dibaleng huwag kong mabili yung mga gusto ko, wag lang daw akong magugutom. Dibaleng magastos ko daw pera ko sa pagkain, atleast hindi sa luho. Which is TRUE! So kung ako sa’yo, bago mo bilhin yang gusto mo, unahin mo muna yung talagang kailangan mo kasi I SWEAR at the end? Sobrang magsisisi ka.

Eh pano yan? Gustong-gusto ko talaga yung cap?

Madali lang yan! The first thing you need to do is list down ALL THE THINGS YOU WANT TO BUY! Yes, mapamuro o mapamahal. Libro man yan o mamahaling cellphone! Ilista mo! At iyong listahan na yun ang gawin mong motivation para mag-ipon. Sa totoo lang ah, hindi nagwoworkout sa akin yung mga jar jar na yan eh. Yung lalabelan mo tapos lalagyan mo pera isa-isa? Hindi siya good sa akin. Kasi hanggat nakikita ko yung pera? Kukunin at kukunin ko yun at gagastusin ko.

2. Isa pa yun sa mga problema, kapag nanjan ang pera, kapag nakikita ang pera, wala kang magagawa kundi gastusin iyon ng gastusin.

Proven and tested by yours truly pero sure akong may psychological explanation diyan. Nag ipon ka sige, given yon! Pero nilagay at sinuksok mo lahat sa wallet mo. Kahit pa sabihin mong tinago mo siya sa kasingit-singitan ng wallet mo. Still, concious at aware ka na may perang nakatago doon kaya kapag may gusto kang gastusin, dudukutin mo yung pera at viola nawala na si pera dahil nga babalik tayo sa una, mali ang mindset na meron ka.

Kung gusto mo iwasan yung ganung problema, mas maganda kung itatago mo ang pera mo somewhere na hindi mo madalas napupuntahan or nalalapitan. Ang happenings kasi sa akin, may journal ako pagkatapos bumili ako ng maliliit na envelope na pwedeng paglagyan ng pera. Nilalagay ko lahat ng sobrang pera ko sa envelope sabay ipit sa journal ko gamit ang clip. Although yung journal na iyon ay lagi kong gamit, iniiwan ko siya sa sa bahay sa tuwing papasok ako sa trabaho at papasok sa school.

Hindi ka ba natatakot na baka mawala pera mo doon?

No! Kasi walang ibang tao sa bahay kundi aso ko lang. At isa pa, yung journal na iyon ay nakatago sa kasuloksulukan ng bahay namin dahil sa mismong journal na iyon, maraming sikretong nakatago.

Pwede niyo siyang gawin! Sa ibang paraang nga lang. Bumili kayo ng envelope o kaya wallet para sa isang lugar niyo hahanapin lahat ng pera niyo. Kaya naman kasi envelope sa akin kasi kinsenas lang ako nagkakapera. Sa ibang nakikita ko, iniiipit nila sa mga libro-libro yung pera nila. O kaya minsan sa lagayan ng mga underwear nila. Wala nga naman hahalungkat doon. Basta, make sure na ilayo niyo siya sa presensya niyo LALO na sa mga panahong alam niyong gagastos kayo.

3. Kadugtong ng pangalawa. Kapag pupunta kayong mga lugar na alam niyong gagastos kayo, like school, gala, mall etc. siguraduhin niyong limited lang yung perang dadalhin.

WAG NA WAG NA WAG NA WAG NIYONG DADALHIN LAHAT NG PERA NIYO NAGMAMAKAAWA AKO SA INYO. Kasi babalik tayo sa mindset na binanggit ko sa una. Alam mong may pera ka? Wala kang pake! Gagastos ka! For example, pupunta kang school, isang linggo yung allowance na binigay sayo. Let’s sey 600 per week dahil 120 ang baon. Or 2000 dahil 200 per day and rich kid ka. LINGGO PA LANG! Pabaryahan mo na yang pera mo at araw-araw, ang dalhin mo ay sakto lang sa kung magkano talaga ang baon mo for a day. In that case, maiiwasan mo talagang gumastos at gastusin lahat ng pera mo. Ang mas maganda pa diyan, yung matitirang pera mo sa isang araw, kahit sabihin mong limang piso o 20 pesos o 50 o kung talagang legend ka at hindi mo ginastos pera mo at nagawa mong maglakad simula school hanggang bahay niyo, PWEDE MO SIYANG ITAGO SA SECRET TABIHAN MO which is yung inexplain ko nga sa number two. Tapos ulitin mo yung gawain na yun for the next day and another following day hanggang sa maging habit mo na siya! Magugulat ka na lang ang dami mo ng ipon.

4. Which will take us to 4. Guys, importante din na iwasan niyong magbilang ng pera MAYA’T MAYA!

Wag mong iisipin kung magkano na ba ang naiipon mo. Kung konti pa lang ba o kung marami na kasi parehong may epekto sa mindset mo kapag nalaman mo yung resulta. Kapag nalaman mong konti pa lang ipon mo, tatamarin at titigil ka na sa pagiipon at kapag madami naman, matitrigger kang gumastos nanaman ng mga walang kwentang bagay.

Eh kaya ka nga nagipon para magamit mo siya panggastos diba?

Yes yes tama yun. Ang pag iipon kasi, hindi lang yan ginagawa para mabili mo yang paborito mong cellphone o sapatos. Madalas, *not everyone* ang pagiipon ginagawa ng mga tao para may magamit sila for the future. Lalo sa mga taong hindi naman materialistic. Like me, nagiipon ako kasi I know na balang araw, may mas importanteng pwedeng paggamitan yung perang maiipon ko. Sa totoo lang, never akong nagipon para makabili ng phone, or ng sapatos or ng kung ano man dahil alam kong may mas matinong patutunguhan tong perang iniipon ko. Nasasayo naman yan kung may pinagiipunan ka ba talaga o talaga nagiipon ka lang para makatulong sa sarili mo o sa pamilya mo. Pero ito sinasabi ko sa’yo. Kapag nakita mong may malaki ka ng pera? LALO kapag pinaghirapan mo, manghihinayang kang gastusin yun at gusto mo itabi na lang siya.

5. Kung gusto mong mapabilis pera mo at huwag umasa sa baong nakukuha mo sa parents mo, maghanap ka ng part time job!

Yes! Hindi ko sinasabing mag apply ka diyan sa mga jollibee at mcdonals bilang cashier. Mayroong iba jan na nag ooffer ng madaling trabaho para sa mga katulad mo. Kahit nga mag pakyawan ka eh. Kahit ba sabihin mong makakakuha ng pera dun ng minimun lang per day? SOBRANG LAKI NA TULONG NA NUN PARA MAKAIPON KA. Kung ayaw mo naman, mag negosyo ka! Mahirap online pero kung kaya mo why not? Magaling ka mag drawing? Benta mo mga sketches mo! Masipag ka magsulat? Sulat mo ng lecture mga classmates mo tas singilin mo! (LOL legal ba to?) Well, ito naman ay para lang sa mga may gusto. Optional kumbaga. Pero bilang estudyante kasi, mahirap ang may part time tas studies tapos pagsasabayin mo. Bakasyon baka pwede pa since wala ka namang ginagawa. Pero kung talaga kailangan mo ng pera at gusto mong mag ipon o kaya wala lang trip mo lang magpagod during bakasyon, bakit hindi? Atleast may kapalit yung pagod mo diba? Wag ka lang magnanakaw.

Wala na akong maisip na pwede pang gawin. Mahirap talaga ang mag ipon pero sabi nga nila, kung ikaw wala kang pera at natutustusan mo naman lahat ng pangangailangan mo, hindi broke ang tawag dun. RESPONSIBLE. Aanhin mo naman yang mga mamahaling gamit na yan kung gutom ka naman palagi diba? Maging praktikal tayo, kailangan natin ang pera sa hirap ng buhay. Hindi pwedeng palaging sa magulang natin tayo aasa. Kahit ba simpleng panggastos lang sa school, mas okay naman siguro kung sa sariling ipon mo na kunin yun.

Marami pang pwedeng paraan para makapag ipon. Nasasayo na lang yan kung pano mo gagawin. Ikaw nakakakilala sa sarili mo. Kung alam mong matakaw ka, tipong kahit busog ka, pero gusto mo gusmastos sa isa pang burger, siguro wag na. Kahit pa pagkain yan. Sayang din 30 pesos mo. Mag buy one take one ka, dalawang burger na yun. Tipid pa.


About the author: Hi. I’m Jenny Magalona. A 17-year-old senior high school student taking Humanities and Social Sciences at the University of the East Caloocan. I’m not a professional blogger. But aside from blogging, I’m also into reading, making films and photography. I’m an introvert and struggling to what they call social anxiety and I guess, through my blog, that’s where I can only express my real identity.

Visit her blog at jenonprogress.wordpress.com and say hello to her!

Para sa gustong maging guest blogger sa aking site, read this: How to be part of BLOgUEST 101.

Link of Archives of BLOgUEST 101

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

3 comments on “BLOgUEST 101: Tips on How to Save Money (High School Edition)

  1. Riley Santos
    May 27, 2017

    this is very relatable (and helpful) 😂

    Liked by 1 person

  2. Jayson Santos
    May 26, 2017

    It’s good to know na sa ganyang edad ay may tamang mindset ka na pagdating sa paghawak ng pera. You’ll be a responsible steward of finances. You won’t suffer poverty ‘pag ganyan.

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 25, 2017 by in Advices and tagged , , .
%d bloggers like this: