Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Itanong mo kay Doctor Eamer (Part 2)

payo_ok

Nagulat ako noong Lunes kasi madaming nagbigay ng kanilang mga katanungan sa aking ask.fm. Kung gusto mong mabasa ang Part 1, pindutin mo ang link.

8. How do you express your love and desire to your special someone?

6_1_15(1)I’m still single so this is an invalid question.LOL

Srsly, if I will have my special someone (I know it’s so soon.haha), I will let her answer the Five Love Languages Test. It can be words of affirmation, acts of service, receiving gifts, quality time, or physical touch. I will consider the results of her test so that I will express my love according to her love language. Just be genuine on how do you express your love for your special someone (with respect and purity in your mind).

9. Can u give me some advice? uhm is it possible na hindi kaya ng tao mag-commit sa isang bagay? like me one day gusto ko yun, d other day sawa na ako. thats why i thought myself that im good with nothing but i want to be good at something it’s just i find it hard to commit. i dont know what to do 😦

6_1_15(2)No, I can’t.LOL

Srsly, do you believe that everything is possible? If yes, eh di possible na may mga taong hindi kaya o nahihirapan na mag-commit sa mga bagay bagay. Anyway, simple lang ang gusto kong sabihin. Nahihirapan tayong mag-commit sa isang bagay kasi hindi natin alam ang very purpose o dahilan kung bakit natin ginagawa ang mga bagay na iyon. We should have the clarity of our “WHYs”. Watch this video of Simon Sinek (Start With Why).

10. (a) Mahal ba ako ng girlfriend ko? Hindi siya pumupunta sa mga special events ko like graduation, gigs, exhibit. Tapos pag iniinvite ko siya pumunta sa amin para makilala niya family ko or kapag may lakad ang family ko at niyaya ko siya, hindi siya pumupunta, either nakalimutan niya or masama ang… (b) pakiramdam niya. Pero kapag sa mga friends niya yung event, nandon siya lagi. Sabi niya, hindi daw siya para mageffort pumunta sa mga gig at exhibit ko kasi babae siya. Ano ba dapat ang gawin ko? Kahapon ko pa siya hindi kinakausap kasi nasaktan ako. Feeling ko hindi ako mahalaga sa kanya… (c) hindi naman po ako yung tipo na hindi nageeffort para makasama siya. Parang sobrang unfair lang po kasi at napakaunreasonable. Gusto na siya makilala ng family ko pero di ko magawa kasi palagi siyang may dahilan…

6_1_15(3)Tinatanong mo ako kung mahal ka ng GF mo? Aba, malay ko! I’m not the spokesperson of your GF.LOL

Srsly, medyo kumplikado ang sitwasyon mo. Ang mapapayo ko lang, mag-usap talaga kayo ng masinsinan. Why don’t you invite her for a date sa paborito ninyong restaurant. Magsulat ka ng outline na dapat ninyong pag-usapan. Here are my suggested outline:

  1. Assess your relationship.
  2. Expectation check. Ano ba ang inexpect mo sa kanya, at siya sa iyo.
  3. Time allotment and communication.
  4. Meeting the parents or family.

Dahil ikaw ang lalaki, ikaw dapat ang mag-initiate ng mga ganitong bagay. Huwag mong hayaang magkalabuan na lang kayo at the same time nasa isang relationship pa din kayo. Make it clear. Then kayo ang bahalang magdecide kung paano niyo iimprove at papalakasin ang relationship ninyo. May mga bagay na kailangan talagang pag-usapan. Kung nahihiya ka or kinakabahan ka na gawin ito, nasa sa iyo iyon.

Pray for it. Read 1 Corinthians 13:4-13. Or bili ka din ng book ko. LOVE IS BLOG. 🙂

11. Gusto ko siya, kaso ayaw niya sakin. Anung gagawin ko po Doc? 😦

6_8_15(1)Bili ka ng isang gatang na langis na pamprito. Tapos uwi kana ulit sa bahay ninyo. Kuha ka ng baso at lagyan mo ng tubig galing sa gripo. Kalahati lang ha. Kapag ok na, ibuhos mo ang langis na binili mo doon sa baso hanggang mapuno pero ingatan huwag matapon. Ano ang napapansin mo? Ganyan kayong dalawa. Not meant to be.LOL

Srsly, may mga bagay na dapat ay huwag ipagpilitan. May mga bagay naman na dapat pursigido ka talaga. Ano ang dapat mong gawin? Isipin mo alin doon sa dalawa ang gagawin mo.

Baka naman hindi ka “worth liking for” 🙂 Try mong mag-ask sa ibang close friends mo kung ano ang mga bagay na dapat mong iimprove. Ugali. Pananamit. Character. The way you speak. The way you project. Etc.

Be a better you and for sure he/she might be attracted to you. It’s not a guarantee. But it’s a possibility.

12. Naniniwala ka ba sa age doesn’t matter? haha. panu kung mas bata ang lalaki kesa sa babae? Haha

6_8_15(2)Of course age does matter. Imagine if 25 years old ka tapos ang gusto mong pakasalan ay one year baby. Ewan ko lang if hindi ka ulanin ng batikos.LOL

Srsly, age might matter. Madaming aspeto ang puwede mong tingnan kasi. Culture. Maturity. Physical capability (in terms of giving birth). Public acceptance (minor but still may bearing ito). Madami pa!

Age might matter or not, for sure what really matters is LOVE. 🙂

13. Choosy po bang matatawag kung ang hinahanap mo sa isang guy ay yung worth it ipakilala sa magulang? hindi estado sa buhay ang issue, parang yung alam mo pong rerespetuhin yung magulang mo. coz boys these days parang puro “swag”. hirap humanap ng for keeps. old school ko po ba kaya ako single? Haha

6_8_15(3)Nakakuha kana ba ng pagsusulit sa klase na multiple choice? Apat ang pamimilian. Ang lahat ng kaklase mo ang sinagot ay A. Tapos ikaw ang sinagot mo ay C. Sinabihan ka ba nila na “choosy” ka? 🙂 If yes, that’s a big LOL.hehe

Srsly, the issue here is not being choosy. The issue is being “right”. Pagiging tama. Alin ba ang tama, magpakilala ka sa magulang mo ng isang lalaki na babastusin ang magulang mo? O ang lalaking rerespetuhin ang mga magulang mo? Alam kong alam mo ang sagot diyan.

Baka naman pressured ka lang na magkaroon ng ipapakilala. Don’t settle for a love that you don’t deserve. Sabi mo nga, “guy na worth it ipakilala”. Pray for that. Buy my book too.hehe LOVE IS BLOG. 🙂

Sabi nga doon sa book, “Sabi nila mahirap matagpuan ang totoong pag-ibig. Sabi ko naman sa kanila, maaaring mahirap pero posible. Natagpuan nga kita diba?” 🙂

14. Pwede mo bang mailabas ang naitatagong pagmamahalan ninyo sa ibang paraan? example, flirting each other.

6_8_15(7)Hindi pagmamahal ang tawag doon. Kalandian ata iyon.LOL

Srsly, bakit kailangan pang makipag-flirt? Para at the end of the game, walang uuwing talunan at broken hearted. Ang defense mechanism mo ay “Ok lang ako, hindi naman seryoso iyon. At hindi naman ako seryoso din. Flirting lang talaga.”

Sabi sa Philippians 4:8 says, “Fix your thoughts on what is true and honorable and right. Think about things that are pure and lovely and admirable. Think about things that are excellent and worthy of praise.” I think flirting is not honorable and it is not right. It is not pure, lovely nor admirable. So don’t entertain those flirting thoughts.

Bakit kailangang itago ang pagmamahalan? Usually, ang mga tago ng tago, either may kasalanan or takot.

15. Doc Eamer, may nanliligaw po sa friend ko na guy na Catholic. He has a godly character and he’s also an able man tapos gusto siya ng family ng friend ko, pero si friend, born again Christian siya. May bearing daw po ba talaga ang religion when it comes to relationship? Ano pong magandang gawin?

6_8_15(6)Ang dapat mong gawin ay manahimik. Huwag makialam sa iyong kaibigan. Buhay niya iyon. Asikasuhin mo buhay mo.LOL 😉

Srsly, alam kong concern ka sa friend mo. I appreciate that. Mas mainam na kausapin ng friend mo ang pastor niya or leader sa church. Kapag nakausap na niya, saka ako magkokomento 😉

16. Doc, panu qng isang taon mahigit ka nang d pinapansin ni girl? ibg sbhn ba nun ayaw ka na nya tlga pansinin at kausapin?

6_8_15(5)Walang ibig sabihin iyon. Wala. As in wala. LOL!

Srsly, siyempre nagpapahiwatig siya na “Please lang, manhid ka ba? Hindi kita gusto.”

Minsan may mga bagay tayong dapat tanggapin dahil alam natin na iyon ang kagustuhan ng Diyos. Halimbawa na lang ang butas ng ilong mo. Diba dalawa iyan? Tanggapin mo na dalawa iyan. Dahil hindi ata maganda na isa lang.hehe Naimagine mo ba? Hindi okey diba?

17. Is it possible to fall in love na hindi mo pa cya na meet in person? Like, we just had this common friend in social media then we chat for a while already. Both of us are Born-again Christian and we’re miles away. What’s your say to this doc? Thanks

6_8_15(4)Posible naman. Ang tawag doon ay e-love as in electronic love.LOL!

May alam akong story na ganyan. Bisitahin mo itong http://www.russianfilipinokitchen.com/about/

Kay Ate Mia iyan, magtanong ka sa kanya ng kanyang love story 🙂 Parang ganyan na ganyan.

18. Kuya, yung best friend ko gustong ligawan yung isang kasama niya sa ministry. Parehas silang dancer ng church namin. HS palang po kaming dalawa ng best friend ko and yung girl na gusto niyang ligawan grad na ng HS. Pipigilan ko po ba siya or hayaan ko nalang siyang matuto sa pagkakamali niya? Kinausap ko na po kasi siya, na kailangan niyang maghintay, ang sagot niya lang ay, “thank you sa concern.”

6_8_15(8)Pigilan mo siya. At magmakaawa ka. “Bakit siya pa! Siya na lang ba lagi? Puwede bang ako na lang?!” LOL!

Srsly, isumbong mo sa youth pastor ninyo. 🙂 Or ipabasa mo itong blog ko na “Payo para sa mga Taong Umibig, Umiibig at Iibig Pa.

***

Sa mga humabol na nagtanong, sa susunod na Lunes ko iyon sasagutin. Para sa mga gusto pang magtanong as anonymous, gamitin niyo ang http://ask.fm/Doctor_Eamer (Note: Kahit wala kayong account sa ask.fm puwede kayong magtanong doon.) Para naman sa personal at private na tanong. Kung gusto mo na hindi ko gawing public ang sagot ko, maaari kang magbigay ng mensahe sa aking email address: iamdoctoreamer@gmail.com.

Like Doctor Eamer’s Facebook Page at https://www.facebook.com/iamdoctoreamer. Click ‘Get Notifications’ if you want to be notified everytime I will post a new article. Abangan tuwing Lunes ang #AskMonday 😉

facebook page

 

Advertisements

2 comments on “Itanong mo kay Doctor Eamer (Part 2)

  1. Mia
    August 28, 2015

    OMG ang dami kong tawa sa post na ito! Ang galing mo talaga mag infuse ng humor sa mga advices mo while at the same time giving words of wisdom! Na-interest tuloy ako maggawa ng ask.fm account lol!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 28, 2015

      Uy ate!!!!! I miss your comments.haha So I guess nakita mo na ang password mo.haha Thanks ulit! 🙂 Mag-guest blog ka sa akin. I will have my blog anniversary by October.hehe nagkocollect na ako ngayon ng mga magguest blog.hehe

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on June 9, 2015 by in Advices, Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: