Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ganito Pala ang Magmahal

ganitopala_ok

Madami na akong pinaiyak na tao.
May magagawa ba ako kung sila naman mismo ang pumili sa akin?
Subalit ako mismo ay umiyak na din noong ako ay ‘nagmahal‘.
Nagmahal’ ako kahit hindi ko naman talaga ginusto.

Hindi lahat sila ay pinahalagahan ako.
May ibang hinahayaan lang ako sa isang tabi at nag-iisa.
Masakit pero wala akong magawa kundi ito ay tanggapin.
Tanggapin na wala siyang pakialam sa akin.

Pero may ilan namang sobrang minahal ako.
Sa isang munting bahay-kubo lang ako nakatira.
Pero binigyan niya ako ng pagkakataong makarating sa iba’t ibang lugar.
Lugar na mayayaman lamang ang nakakapunta.

Espesyal ang pagtrato niya sa akin.
Gustong gusto niya ang natural na halimuyak na aking taglay.
Naging masaya ako sa piling niya kahit alam kong madami kami sa kanyang buhay.
Buhay na nagsimula sa kanyang kusina.

May iba naman na sobrang sakim sa salapi.
Ginawa nila akong isang negosyo.
Manggagamit sila!
Sila na aking ibinoto!

Patago nila akong dinala sa isang lugar.
Nakilala ko ang ilan sa kanila – mga kilalang tao sa gobyerno.
Sa harap ng maraming tao ay nagpapanggap lang pala sila.
Sila ang mga makabagong unyango!

Isang araw ay natagpuan ko ang aking sarili sa tambakan ng basura.
Nasa isang tabi ako ng napakaruming palengke.
Halos mamatay ako sa baho ng amoy.
Amoy na hinding hindi mo gustong langhapin.

Nang biglang may isang lalaki ang umakay sa akin.
Hindi niya ako pinandirihan o hinusgahan
Wala siyang pakialam kung ang buhay ko ay isang patapon.
Patapon pero umaasa pa din.

Nakita niya ang dahilan kung bakit ako isinilang sa mundong ibabaw.
Siya lamang ang nagparamdam nito sa akin.
Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal.
Pagmamahal ng isang Dakilang Lumikha.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Matagal na din noong huling umiyak ako ng ganito
Hinawakan ko ang kanyang palad.
Palad na may bakas ng mga sugat ng kahapon.

Handa akong magbago.
Handa akong bigyan ang aking sarili ng isa pang pagkakataon.
Handa akong harapin ang bukas na may dalang pag-asa.
Pag-asa na siya mismo ang nagbigay.

Ako ay ‘nagmahal’ at nabigo.
Pero may isang tao pa din pala ang handang magmahal sa akin.
Alam ko na kahit ayaw ng nakararami, patuloy akong ‘magmamahal‘.
Magmamahal’ ako dahil ang lahat naman ay ‘magmamahal’ habang tumatagal.

Nakikilala mo na ba ako?
Siguradong nagkita na tayo.
Ang buo kong pangalan ko ay Bu Yas.
Ako nga ito.
AKO SI BU YAS.

Note: Inspired by the story of the woman caught in adultery (John 8).



ADVERTISEMENT

Nagpapasalamat si Doctor Eamer sa lahat ng kanyang mga masugid na mambabasa. Nakakataba ito ng puso niya (Sana nga tumaba na din siya). Madami siyang natatanggap na magagandang mensahe at feedbacks sa kanyang mga sinusulat kaya naman inihahandog niya ang kanyang unang libro para sa lahat ng sumusubaybay sa kanyang mga blogs.

Mangyari lamang na mag-iwan ng mensahe sa iamdoctoreamer@gmail.com kung gusto mong magpa-reserve ng kopya ng kanyang libro. First-email-first-reserve-basis po kasi dahil limitado lamang ang kopyang kanyang ipapalimbag. Pag-usapan na lang natin kung paano mo maibibigay ang bayad at paano ko maipapadala ang libro sa iyong kinaroroonan. 🙂

Love is Blog Cover Ver2

UPDATES (As of February 22, 2016): Available na ang 2nd printing ng aking book! Check this link for details.

Advertisements

52 comments on “Ganito Pala ang Magmahal

  1. JAP
    November 21, 2015

    Ako Na Mansi Ba Wang

    Liked by 1 person

  2. Cassiopeia
    July 7, 2015

    “Foreword by: ‘The Future Wife’ ”
    Yiieeehhhh .. *kiligs*
    Ikaw na, Doc.

    Liked by 1 person

  3. Cassiopeia
    July 7, 2015

    Hala?? totoo yung libro, Doc? Saan ako makakabili niyan????

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 7, 2015

      Sa akin lang. 200 pesos. Then shipping fee of 120 pesos kapag Visayas/Mindanao, 100 pesos kapag within Luzon. 🙂

      Like

      • Cassiopeia
        July 7, 2015

        Ayyy … bakit sayo lang.
        Pero, sa QC lang naman ako. This is noted. Ilang pages? lol. Ayoko kasing natatapos agad yung binabasa kong libro. HAHAHA

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 7, 2015

        It ends at page 378. 🙂

        Liked by 1 person

      • Cassiopeia
        July 7, 2015

        Woah .. *like like like* Wait for me Libro!
        I’ll contact you about the book kapag bibili na talaga ko, pag may time naa kong makipag-transact.

        Liked by 1 person

  4. Mizpah Faith Valmoria
    June 11, 2015

    I wish i could write in tagalog that well 😦 Great job on this btw Joseph

    Liked by 1 person

  5. Mia
    June 9, 2015

    Ang galing! I read it three times to really digest the message.Pero natawa din ako at napahanga! Keep up the great work!

    Liked by 1 person

  6. JanzCrystalz/January
    May 10, 2015

    Galing naman! May talento ka! 🙂 hehe

    Like

  7. 94elly
    April 27, 2015

    galing!

    Liked by 1 person

  8. Nadine Madarang
    April 13, 2015

    Deeeep!!! Love is a risk talaga, ano?

    Liked by 1 person

  9. Maria
    April 13, 2015

    So creative.. Congrats and keep up the good work!

    Liked by 1 person

  10. Ruby Caberte
    April 13, 2015

    Sana may giveaway para madaming love! Hehehe…

    Join kaagad ako! Yay!

    Liked by 1 person

  11. Analyn
    April 10, 2015

    Very nice! I admire your creativitiy!

    Liked by 1 person

  12. theresa
    April 9, 2015

    Nice to read. Wala bang pagiveaway ng book dyan. Hehe 🙂

    Liked by 1 person

  13. Allan
    April 9, 2015

    Nice one…Keep on loving in every single day.

    Like

  14. Aby
    April 9, 2015

    Lalim ng #whogoat mo sir! Keep it up! Hehe 🙂

    Liked by 2 people

  15. Grown-Ups For A Day!
    April 8, 2015

    I love how you write – you’ve made great deals.

    Liked by 1 person

  16. Melgie
    April 8, 2015

    Super galing! love every word of it Dr. Elmer- ikaw na talaga!:)
    http://www.sweetcuisinera.com

    Liked by 1 person

  17. nelsonRN
    April 8, 2015

    Galing nyo po sumulat!

    Liked by 1 person

  18. Sarah Tan
    April 8, 2015

    Read it using a translator. Very interesting. What a sad life.

    Liked by 1 person

  19. linnor
    April 7, 2015

    ang galing naman! hindi madali and bihira lang ang nagiging published author! congrats!

    Liked by 1 person

  20. Mommy Maye
    April 7, 2015

    I like the way you write. You deserve to have your book. We’ll watch out for it. Congratulations!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 7, 2015

      Hi Mommy Maye. 🙂 Limited edition lang talaga ang book ko, you won’t find it sa mga bookstore pa.hehe But soon. Maybe, I can send it to a publishing companies. 🙂 Thanks for the compliment. 😉

      Like

  21. mayen
    April 7, 2015

    Wow magkakalibro ka? Galing! keep up the good work. 🙂

    Liked by 1 person

  22. Interesting thoughts. Congrads on your book 🙂

    Liked by 1 person

  23. verabear
    April 6, 2015

    Patuloy lang sa pag mahal. 🙂

    Congratulations on your book!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 6, 2015

      Hehe thanks po! It is just a “self-fulfillment” on my part. Gusto ko lang talaga magkalibro on my bday 🙂

      Like

  24. Nice, may talent ka talaga.

    Agree ako dito “Alam ko na kahit ayaw ng nakararami, patuloy akong ‘magmamahal‘. ‘Magmamahal’ ako dahil ang lahat naman ay ‘magmamahal’ habang tumatagal”. Wag sana mapagod magmahal kahit nasaktan minsan.

    Liked by 1 person

  25. docpreciousjem
    April 6, 2015

    Yung foreword! Ikaw na talaga, Kuya! :p

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 6, 2015

      Nahirapan nga akong iconvince ‘siya’ na mag-foreword.LOL! 🙂 I’ll reserve you a copy 🙂 kung gusto mo din bilhan mga LGmates mo, sabihin mo lang para makasama sila sa 1st printing. 🙂

      Liked by 1 person

  26. len
    April 5, 2015

    nice! keep writing post like this!

    Liked by 1 person

  27. len
    April 5, 2015

    wow very nice! keep writing post like this!

    Liked by 1 person

  28. JessDC
    April 5, 2015

    Very nice! Galing!

    Liked by 1 person

  29. kababayan01
    April 5, 2015

    Wow! galing mo po talaga

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 5, 2015

      Thanks kababayan! If interested ka sa upcoming book ko, sabihin mo lang 🙂 I’ll prioritize my blog readers 🙂 Limited copies lang kasi. 🙂

      Like

  30. Hadassah ♥
    April 1, 2015

    Aw. Ang galing po nito, kuya.
    Ang multi-faceted ni Dr. Eamer! 🙂
    Napasulat din po tuloy ako. Haha.

    Unang saknong pa lang, nakilala na kita
    Si Bu Yas. Ikaw nga. O, ako’y masaya!
    Sapagkat ang Dakila mong Maylikha
    Ako ay binago din Niya. Oo, binago Niya!

    Kaya heto’t nagmamahal, nagiging ding makata…
    Hahahaha. #JustLovingOutLoud

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on March 31, 2015 by in Love & Relationship, Promotion & Advertisement and tagged , , , , , , , .
%d bloggers like this: