Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

5 Ways to Love Yourself Before Loving Others

lovingyourself_ok

Minsan kaya ka nasasaktan sa iyong buhay pag-ibig kasi ibinibigay mo ang lahat at wala kang itinira para sa iyong sarili. Minahal mo siya pero nakalimutan mong mahalin ang sarili mo.

Minsan naman gustong gusto mong magbigay ng pagmamahal pero hindi mo alam kung saan mo kukunin ang pagmamahal na iyon. Sabi nga ni Kuya Peter, “I’ll give you what I have.” Sabi din ng iba, “You cannot give what you do not have.

Tama nga naman. Paano mo mabibigyan ng isang libong piso ang taong nangungutang sa iyo kung limang daan pa lamang ay hirap ka nang kitain iyon? Paano mo mabibigyan ng isang oras ang gustong gusto mong gawin na hobby kung sa trabaho mo pa lang ay kulang na ang oras mo? Paano mo mabibigyan ng daang matuwid ang lugar na iyong nasasakupan kung ang iyong pamilya pa lamang ay hindi mo na mabigyan sa isang matuwid na pamumuhay? Pasintabi po sa mga pulitiko. At paano mo mabibigyan ng pagmamahal ang isang tao kung ang mismong sarili mo ay hindi mo mabigyan nito? Pasintabi po sa nagmamahal diyan. 🙂

May naisip akong ilang paraan kung paano mo mamahalin ang sarili mo. This is proven and tested by Doctor Eamer. Siya mismo ang naging kasangkapan sa pag-aaral na isinagawa para dito. Disclaimer: No approved therapeutic claim. 🙂

1. Treat yourself.

Minsan kapag nagpapalibre ang mga kaibigan mo ng cheese burger, ayos lang sa iyo kahit na wala ka nang panggastos para sa iyong dinner basta mailibre mo lang sila. Masyado ka lang bang mapagbigay o hindi ka lang makatanggi dahil crush mo ang nagpapalibre sa iyo? Pero matanong kita, kailan mo nailibre ang sarili mo? The treat that you deserve. Maaaring masarap na pagkain sa isang restaurant. Pero ako masaya na ako sa N2 ng Jollibee. Comfort food!

Maaari din namang damit, sapatos, bag at iba pang gamit. You deserve a good treat for a job well done in your exams or work. Pero ingat lang sa paggastos baka naman maubos ang pera mo sa sobrang paglibre mo sa iyong sarili. Treat yourself with wisdom.

2. Take time to travel.

Kailan ka huling nakapamasyal? Maaari mong subukan ang ilan sa mga sumusunod: Star City, Enchanted Kingdom, Mind Museum, Liliw, Sagada, Lucban, Cebu, Bicol, Bohol at iba pang mga out-of-town na gala. Puwede mong isama ang iyong mga kapatid o kabarkada. Sabi nga you live only once kaya dapat sulitin ito. Kung malapit ka naman sa Laguna, madami kang maaaring pasyalan sa aming probinsiya. Bisitahin mo ang www.biyahenglaguna.com.

3. Take care of your health.

Maliban sa huwag kang manigarilyo, maglasing at mag-adik, mayroon akong bagong nadiskubreng paraan para maalagaan mo ang iyong kalusugan. Ito ay ang pag-inom ng juice mula sa mga fresh fruits.

Alam mo ba na sa mga bagong pag-aaral ng mga eksperto, doble ang sustansyang maaari mong makuha sa green juice from a juice extractor than green smoothie from a commercial blender? Ngayon, alam mo na! Mag-juice na!

Siguro kung bitter ka sa EX mo, mainam na ampalaya ang gawin mong juice. Para lasap na lasap mo ang pait. Pero tandaan mo, gamot ang ampalaya sa diabetes. 🙂

May nakapagsabi din sa akin na may dalawang uri ng lalaki pagdating sa pag-ibig. Isang mabagal at isang mabilis. Mabagal kasi kahit alam niya na mataas ang chance niya kay girl, ayaw pa din niyang mag-the moves. Siguro gusto niya lang talaga na slowly but surely. Mabilis kasi baka naman ayaw na niya talagang pakawalan pa ang babaeng bumihag sa puso niya. Go lang kuya! Push mo ‘yan!

Speaking of two types, may dalawang uri din ng juicer. Ang FAST juicer at SLOW juicer. Mas mainam na ang bilhin mo ay ang fast juicer. Bakit? Basahin mo dito sa www.juicingscience.com.

Gusto mo bang bumili ng fast juicer? Puntahan mo lang ang www.breville.com.ph. Maganda iyang regalo sa 1st anniversary ninyo ng girlfriend mo. Pero kung single ka, magandang investment iyan para sa iyong future family. Pero kung Single Level 7 ka at wala ka talagang balak mag-asawa, magandang gamit iyan sa juicing program na gusto mong gawin sa mga bahay ampunan o sa mga mababang paaralan na malapit sa inyo. Oo, juicing program! Iyan ang magiging uso sa mga susunod na panahon. Tatalunin niyan ang mga feeding program ng mga pulitiko. Mga pulitikong dapat ang tinutularan ay si Lee Kuan Yew. Mga pulitikong dapat ay mas madaming gawa kaysa salita. Pasintabi lang po sa mga pulitiko.

Dapat kapag nasa isang relasyon ka, malinaw ang mga bawat bagay. Mahirap ang magkaroon ng MU (MisUnderstanding). Linawin ninyo kung ano ba talaga kayo. Friends? More than friends but less than lovers? Or Lovers?

Kaya kung malabo pa ang mga impormasyong nabanggit ko ukol sa paksang “juicing“, puntahan at i-like ang dalawang FB page na ito: www.facebook.com/brevillephilippines at www.facebook.com/JuiceOnPhilippines.

Minsan ang pag-ibig parang fresh fruit juice. Hindi mo malalaman ang benepisiyo kung hindi mo susubukan. Ano daw?

4. Take some rest.

Napagod ka na bang magmahal at masaktan? Baka kailangan mo ding magpahinga. Minsan sa mga oras na nagpapahinga tayo, mas nakakapagdesisyon tayo ng maayos at malinaw. Ilang oras ba ang tulog mo sa isang araw? Sabi ng mga doktor7-8 hours na tulog sa isang araw ang dapat nating gawin.

Kapag gusto kong magpahinga sa isang stressful na linggo, nanood ako ng movie. Napanood mo na ba ang Facing the Giants o ang Fireproof? Panoodin mo iyon! Paborito ko din ang mga Indian movies tulad ng Three Idiots at Every Child is Special. Mahilig din ako sa mga anime kagaya ng Detective Conan, Prince of Tennis, Slam Dunk at Hunter x Hunter.

5. Take your faith to the next level.

Naniniwala ako na isa sa mga aspeto ng ating buhay na dapat bigyan natin ng pagpapahalaga ay ang ating spiritual life. Kailan ka huling nagsimba? Baka naman tuwing mahal na araw ka lang sumisimba. Sabi nga “Man does not live by bread alone but from every word that comes from God.” Subukan mo ding dumalo sa mga bible studies kapag may nag-imbita sa iyo. Wala namang masama kung susubukan mo.

Sabi din ng mga researchersang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay mas nakakatulong sa pagtanggal ng stress. Baka naman kasi stressed ka na sa iyong buhay pag-ibig. 🙂

Ilan lamang ang limang paraan na aking nabanggit kung paano mo mamahalin ang sarili mo. Madami pang ibang mga paraan. Maaari kang mag-iwan ng iyong komento sa ibaba para madagdagan pa ang mga nabanggit ko.

Mahalin mo muna ang sarili mo bago mo mahalin ang iba. ‘I love me’ bago ang ‘I love you’. Naintidihan mo o nalabuan ka?

Kagaya ng sabi ko sa #3 kailangan natin alagaan ang ating kalusugan at mainam na uminom tayo ng juice. Pero mas kailangan natin ng Diyos kaysa sa juice. Medyo rhyme!

Extra Juice, Extra Joss o Extra Diyos? Sana hindi lang extra si Lord sa buhay mo. Sana siya ang maging bida ng buhay mo.

An apple a day keeps the doctor away. But pray everyday and your life will be okay. Medyo rhyme ulit! Huwag makakalimot magdasal araw-araw!

Photo Credit (here)

For more details, visit www.breville.com.ph

11086882_10153117827099014_450028149_o

Advertisements

20 comments on “5 Ways to Love Yourself Before Loving Others

  1. signorinamelrice
    March 26, 2016

    🙂

    Liked by 1 person

  2. mulasawala
    July 25, 2015

    Yep! You cannot give what you do not have 👍👍👍

    Liked by 1 person

  3. Adrenaline Romance
    June 28, 2015

    We definitely agree on No. 2. 🙂

    Liked by 1 person

  4. yvonnembertoldo
    April 6, 2015

    Ang kulit naisingit pa ung Breville.haha Pero I agree, treat yourself once in a while and TRAVEL! Nkkamiss magbakasyon sa mgandang lugar/beach. (Di ko nagawa ito kahit kktpos lng ng holy week. hehe)

    Liked by 1 person

  5. Jing 징 (@jingdalagan)
    March 30, 2015

    Awang-awa na ko minsan sa ampalaya na lagi na lang nagagamit as example for bitterness. But I like the point raised here. The best way for a person to get rid of the bitterness ay yung maumay siya. Thanks for this funny and informative post. Shared on Facebook, Twitter and wherever 😀

    Liked by 1 person

  6. Mommy Maye
    March 30, 2015

    We must really love our self first before we love others. Because we can not love truly when we can not even love our self. Love this.

    Like

  7. stretchyourpesomom
    March 30, 2015

    Put God first and everything else in your life will fall into place. Health is wealth, bawal ang stress haha. Thanks for this post. 🙂

    Liked by 1 person

  8. Migs&Alaine Alejandrino
    March 30, 2015

    Nice read. I totally agree – one must learn to love him/herself first.

    Liked by 1 person

  9. Jackie Park
    March 29, 2015

    Super fun basahin ng posts mo haha. Nagulat nga lang ako sa visit Breville link haha 🙂 but doesn’t make your post any less fun to read.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      March 30, 2015

      Sponsored post kasi iyan. Hahaha one of my friend asked me promote it. Hehe 🙂 Thanks for reading Jackie! 🙂

      Liked by 1 person

  10. Nice tips.hehe. The best asset na meron tayo ay ang ating sarili. Kaya mahalin natin ang sarili natin bago ang iba. Ika nga, Health is Wealth!. Makapag-juicing na nga rin! kailangan ko ito. hehe. Thanks! =)

    Like

  11. Dominique Goh
    March 27, 2015

    Those are really good tips. If one is able to take care of himself then he will be able to love others too. Having time to nurture and care for self is certainly important.

    Like

  12. JessDC
    March 27, 2015

    Sa unang tingin pa lang ng larawan ang nasabi ko agad… Sarap parang fresh juice to ah… Beet juice. 😀 😀
    Love the list. 🙂

    Liked by 1 person

  13. Mia
    March 25, 2015

    Hahaha natawa ako doon sa juicing ampalaya! This is a great list, Joseph. True, we can’t give what we do not have. Sa maraming bagay sa buhay, lalo na sa pag-ibig. Congrats on the sponsored post, pala. I am so happy your blog is gaining wider audience. God is truly at work in you!

    Like

  14. verabear
    March 25, 2015

    Napakagandang message nito, to love yourself. Totoo talaga yun, Mahirap magmahal ng iba kung hindi mo pa mahal ang iyong sarili. Hindi rin madaling tumanggap ng pagmamahal

    Like

  15. yolomoments12
    March 25, 2015

    wow Sponsored Post!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      March 25, 2015

      I have a friend na nag-ask to blog about their products and website. In return, she will buy certain number of my book on May. It’s a deal advertisement. 🙂

      Liked by 1 person

      • yolomoments12
        March 25, 2015

        Congrats !

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: