Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

They searched these on Google. Seriously???!!!

google_ok

Wala pang isang taon ang aking WordPress blog na ito (Doctor Eamer’s Blog). Hindi naman ganoong kadami ang mga readers ko. Tagalog ang mga blogs ko kaya mga Pinoy ang lahat ng kalimitang nagbabasa ng aking mga sinusulat. Kung gusto mong makatanggap ng notification sa iyong email address kapag may bagong blog post ako, mangyari lamang na ilagay mo sa ibabang parisukat ang iyong email address. (Sa totoo lang mahirap ang purong tagalog.hehe)

Naaalala ko pa noong elementarya ako, kapag may takdang aralin kami at gusto namin na mag-search, pupunta kami sa library o sa bahay ng kaklase namin na may Encyclopedia. Mayaman lang ang mayroon noon. Siguro ay natatandaan mo pa iyon kung kasing edad kita. 😉 Nauso nga ang pagbebenta ng Encyclopedia dati. Ang mga nagbebenta noon ay kagalang-galang. Nakasuot ng long sleeves at slacks. Minsan may kurbata pa.

Ngayon, kahit anong assignments ata ay puwede mong gamitin ang Google para hanapin ang kasagutan. Sobrang daming impormasyon ang puwede mong mahanap dito. Grabe ang nagawa ng internet sa buhay ng tao!!! As in. Facebook pa lang, talagang nabago na ang kultura at lifestyle ng tao.

Anyway, hindi naman patungkol sa internet ang gusto kong ibahagi. Nagpapasalamat ako sa WordPress kasi sobrang user-friendly niya pagdating sa blogging experiences ko. Mayroon itong STATS feature kung saan may “Search Engine Terms.” These are the terms, words, and phrases people use, through various search engines (i.e. Google, Yahoo, Bing), to find posts and pages on your WordPress.com blog.

Sa madaling salita, makikita mo kung ano ang mga salita o phrases na hinahanap ng mga tao sa Google (or other searching sites). Tiningnan ko ang mahabang listahan ng mga salita o phrases kung paano nakita ng mga tao ang blogsite ko. Ito ang top 20 searches. Ibig sabihin, kung sakaling itype mo iyan sa Google, lilitaw ang blogsite ko. Madami dito ay natagpuan nila ang blogsite ko dahil sa Definitely Filipino. Credits to DF 🙂

What’s the catch with this? Wala naman. Natuwa ako at natawa. Natuwa, kasi ibig sabihin mataas ang Search Engine Optimization (SEO) ng mga posts ko. That’s an IT term that I really do not know at first! Aaralin ko ito soon. Natawa, kasi may mga taong naghahanap talaga ng ganito?!!! Oo, meron talaga. Verbatim ang ginawa ko dito. Wala akong binago sa mga phrases. May kaunting komento ako pagkatapos ng bawat number.

1. anong gagawin mo kapag kinuha ng crush ko ang number ko?

Siguro babae ang nag-type nito. Baka may kaklase siya na crush niya tapos kinuha ang number niya. Dahil hindi niya alam ang gagawin, tinanong niya si Prof. Google. Ikaw ate, huwag makipag-textmate ha! Ayusin mabuti ang pag-aaral.

2. hugot blog

Lalaki siguro ang nag-type nito. Baka wala siyang maisip na status sa Facebook kaya naghahanap siya ng mga “hugot” quotes sa internet.

3. comment sa buhay single

Malamang isang single ang nag-type nito. Feeling ko babae ito. Ate, okey lang yan! Hindi ka nag-iisa, madami tayo sa mundo!

4. anong ibig sabihin kapag humingi ng number si crush?

Same comment as Number 1.

5. ang crush ko blog

Siguro naghahanap siya ng mga kuwento patungkol sa pagkakaroon ng crush.

6. mga payo para sa paghihintay ng isang girl

Malalim ang pinagdadaanan ng taong nag-type nito. Pero Bro, tama iyan. Hintay hintay lang. 🙂 Suportanta kita.

7. payo sa umiibig sa lalaking kasal na

Complicated ito. Ikaw babae, huwag mo nang ituloy ang balak mo. Kasal na si lalaki. Iyan ang number one na dahilan kaya nagkakawatak-watak ang isang pamilya. Please, magmahal ka na lang ng iba. Magmahal ka ng single. Iyong walang pananagutan sa iba. Hindi iyan kalugod-lugod.

8. mga payo sa tungkol sa umibig ng dalawa

Wow! Ikaw na! Ikaw na ang may dalawang iniibig! Nalilito ka siguro noh? Pero kailangan mong mamili. Isa lang ang puso mo.

9. babae umibig sa janitor lang

Huwag mo naman sabihing “lang” ang pagiging janitor. Pero go lang ate! Walang pinipiling antas ng buhay ang pag-ibig.

10. bf message to gf dahil magrereview para makapasa sa board exam

Hahahaha! Feeling ko nag-usap kayong dalawa na wala munang communication habang ang isa ay nag-aaral para sa board exam. Mukhang miss na miss niyo na ang isa’t isa. God bless sa board exam!

11. ang aking resolution ngayong 2015

Kamusta kaya so far ang 2015 ng taong nagtanong nito?

12. kung magboboyfriend ka dapat yung

Siyempre babae ang nag-type nito. Mukhang nasa season na siya ng pag-ibig. Parehas tayo.LOL!

13. hugot sa mga matutulog na funny

Ha? Ano kaya ang gustong hugot ng taong ito?hehe

14. hugot tungkol sa pamilya

Malalim. Go lang!

15. hugot sa ballpen

Estudyante siguro ito. Aral mabuti!

17. pahalata quotes para sa crush mo

Natawa naman ako dito. Ito ang The Moves 101. 🙂

18. hugot lines ng namimiss

Mukhang galing sa Long Distance Relationship itong taong to. Miss mo na siya noh?

19. bakit ako naging pogi

Wow! Wow lang ha! Talagang problema mo iyan? Ganyan talaga. Pogi lang, walang personalan.

20. xandrino mangunay

Hello bro! May nag-type ng name mo. Mukhang may crush sa iyo. Stalker mo siguro. 🙂

Hanggang dito na lang muna mga mambabasa. Maaaring Google knows it all pero ang katotohanang alam ko ay God knows it all. 🙂

Ito ang verse para sa mga searchers: Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened.

Maybe you are always searching for something on Google. But don’t you know that God is also searching? Sabi sa 2 Chronicles 16:9 “The eyes of the Lord search the whole earth in order to strengthen those whose hearts are fully committed to him.”

Sana makita ka Niya.

Advertisements

55 comments on “They searched these on Google. Seriously???!!!

  1. kathleenfaith
    October 14, 2015

    Nakatutuwa naman ito. Sounds interesting! 🙂
    Ma-try nga.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 14, 2015

      Check it out! 🙂

      Like

      • kathleenfaith
        October 14, 2015

        How? Bago lang ako dito sa Wotdpress (nagdelete kasi ako ng old blogs. Hahaha. Nagpaliwanag?)

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 14, 2015

        Are you using laptop/pc or mobile phone?

        Like

      • kathleenfaith
        October 14, 2015

        Both. 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 14, 2015

        Ok. Using laptop, punta ka sa dashboard. Click Site Stats. Scroll down. May makikita kang Search Engine Terms. Click Summaries. Pwede kang mamili if 7 days, 30 days, quarter or year.

        Like

      • kathleenfaith
        October 14, 2015

        Salamat, Dr. Eamer! 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 14, 2015

        Welcome! You can guest blog for my blog anniv celebration. Para mas madaming blogger din ang makakilala sa iyo. Send mo lang ang email add mo, then send ko mechanics. 🙂

        Like

      • kathleenfaith
        October 14, 2015

        Wow! It’s a privelege na makasama diyan. 🙂 By the way, I admire how you create blogs. 🙂

        Here’s my email: kthlnfaith@gmail.com

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 14, 2015

        Email sent kathleen! Thanks for the compliment comment. God bless! 🙂 Cheers to blogging!

        Like

  2. esorenneiluj25
    September 15, 2015

    Haha… Para kong baliw na tumatawa dito sa office. Ayan tuloy, tinignan ko naman yung Search Engine Terms ko. 🙂

    Liked by 1 person

  3. Cassiopeia
    July 6, 2015

    Bakit ko ba to binasa at 12 midnight? Mukha tuloy akong balliw, tumatawa mag-isa sa hating-gabi. >.<

    Liked by 1 person

  4. marichu
    June 24, 2015

    wow, sa blogger kaya, makikita ko yung mga keywords din?

    http://www.chubs10182014.blogspot.com

    Liked by 1 person

  5. Maria Seg
    June 24, 2015

    Kulit ng sine search. Do you have the answer for no. 15? Malamang bored na sya when the person searched for this.

    Liked by 1 person

  6. Adrian Pantonial
    June 24, 2015

    Interesting post! At swak din ang verse for searchers ah. Good job! 🙂

    Liked by 1 person

  7. Allan
    June 22, 2015

    Nice post again Dr. Eamer. Nasa blogging world ako two years ako pero di ko sure kunganu ang ranking ko. Hintay ko din yung post ni sir mark regarding SEO.

    Liked by 1 person

  8. abyssbrain
    June 19, 2015

    Nakakatawa talaga yung ibang mga search terms. Ni hindi ko minsan maintindihan kung paano nila nahahanap yung aking blog ko using those weird terms…

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 19, 2015

      Oo nga eh.haha I love your blog! College student ka ba? Henyo ka siguro as Math noh? 😉

      Liked by 1 person

      • abyssbrain
        June 19, 2015

        Thank you 🙂

        Tapos na ako, average lang naman ako sa math haha.

        Liked by 1 person

  9. AsilandtheKeyboard
    June 19, 2015

    Hahahaha! Napatawa ako sa sinearch nila.
    Buti ka pa, nakakakita ka sa mga search terms. Sa stats ko, and palagi kong nakikita ay Unknown Search Terms. 😦

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 19, 2015

      Madami ka kasing ka-compete since English ang karamihan ng posts mo. Sa akin kasi Tagalog kaya specific search.hehe Tingin ko lang naman. Aaralin ko pa ang SEO. 🙂

      Liked by 1 person

  10. Melgie
    June 19, 2015

    I think that your blog is fun, unique and interesting. Kaya I’m not surprised for this awesome news. Congrats!
    http://www.sweetcuisinera.com

    Liked by 1 person

  11. Nakaktuwa naman ang mga keywords na ginagamit nila sa search!

    Liked by 1 person

  12. Mommy Maye
    June 18, 2015

    Most of us Pinoys loves hugot lines so I am not surprised you will have a lot of visitors. Not only your blog is fun to read Doc Eamer. So keep it up and more posts to come.

    Liked by 1 person

  13. Lai Gamboa (@laigamboa8)
    June 18, 2015

    hahaha hugot blog, sa panahon ngayon maraming nag seasearch nyan 🙂

    Liked by 1 person

  14. ronleyba (@ronley_ph)
    June 17, 2015

    Bakit ako naging pogi cranks me up. haha. Awesome post though, keep em coming!

    Liked by 1 person

  15. Nilyn Matugas
    June 17, 2015

    habang abala ako sa pagbabasa ng nakangiti, nabasa ko to: “bakit ako naging pogi” – wow! di kita reach koya! hahaha.

    Like

  16. Marissa Bautista-Bulatao
    June 16, 2015

    no. 19, really? hehe

    Liked by 1 person

  17. theresa
    June 15, 2015

    How about ‘Bakit ako maganda?’ Or ‘Ano ang lunas bat ang ganda ganda ko?’ .. Hahaha.. Funny searches.

    Like

  18. I’m one of of those people na nabuhay sa encyclopedia pag may assign and project. Now, kay google na rin lahat. Natawa naman ko sa mga sinearch.

    Like

  19. aysabaw
    June 9, 2015

    haller? kamusta naman yung question no. 19?

    Baka pwede mo ding sagutin yung search term na nakita ko ngayon lang “ano ang silbi ni cupido sa mundo?” kasi hindi ko alam yan eh ha ha at di ko gets bakit nasa search term ko yan ha ha

    Liked by 1 person

  20. yolomoments12
    June 9, 2015

    Congrats! Parang gusto ko magbigay ng tips kung paano pataasin ang SEO rankings natin. Nag OJT din ako diyan eh!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 9, 2015

      Wow. PM mo ako bro re tips. Please!!! 🙂 Or send links na puwede kong basahin.hehe Madami kasi sa net pero parang di naman totoo. At least alam ko na totoo kapag ikaw ang nagbigay. 😉

      Liked by 1 person

      • yolomoments12
        June 9, 2015

        Wala ako links bro eh pero alam ko yung basics at para ma indexed ne google and blog natin. Useful kasi ang SEO. Cge gagagawa nalang ako ng bersyon ko sa blog ko.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        June 9, 2015

        Tag mo ko ha. 🙂 Thanks!

        Liked by 1 person

      • yolomoments12
        June 9, 2015

        Cge!

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: