Naniniwala ka ba sa ‘love at first sight’? Kung tatanungin mo ako, OO ang sasabihin ko.
Noong una kitang nasilayan, nasabi ko na lang na “This is really Love!” Medyo chubby ka. Medyo curly ang buhok mo. Nakakatuwang pakinggan ang iyong boses. Kitang kita ko ang iyong kasiyahan sa mga ginagawa mo. You find purpose in what you are doing.
Itutuloy sa dulo ang kuwento. 🙂
Tatapatin na kita. Hindi patungkol sa love-at-first-sight ang blog ko ngayon. How about second sight? Lalong hindi! Hindi din ito patungkol sa isang ibon. Gaya ng isang ibong mababa ang lipad? Hindi nga sabi!
Ito ay patungkol sa isang kanta. Natuwa lang kasi ako noong mapakinggan ko ang Carpenters (click for the youtube link).
Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you.
Para ito sa taong nagbigay ng foreword sa aking libro (LOVE IS BLOG). I long to be close to you. Ang cheesy naman noon! Hindi ako sanay.LoL! ❤
Ganito kasi ang totoong nangyari. Promise, totoo na talaga ito!
Kahapon, isang Ms. Anonymous ang nagtanong sa aking ask.fm (Click the link para mapuntahan mo ang account ko). Tuwing Lunes kasi ay tumatanggap ako ng mga katanungan mula sa kahit anong topic under the sun. Pero mas mainam kung about love and relationships para mas madami akong masasabi. Kaya ang hashtag ko sa aking FB Page (www.fb.com/iamdoctoreamer) ay #AskMonday. Feel free to ask questions.
Ito ang kanyang katanungan:
I met this guy online and we’re talking for almost a week na. We’re so compatible in almost everything, even with the weird stuff we like! We communicate nonstop and we flirt with each other.But then one night we decided to exchange pics and he’s so handsome huhu as in!And I’m just average looking. I know I am not his type huhu but we still talk pa naman tho ive noticed na he is not sweet like before. What should I do? Do I still continue our communication? Will the friendship make him like me more? Kasi okay naman talaga lahat, di lang talaga ako pretty 😦
Medyo may kahabaan din ang aking kasagutan:
Padalhan mo siya ng link ng hit na kanta ni Andrew E. 😉 LOL!
Srsly, I’m not in favor of online relationships. Hindi mo lubusang makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng mga sinasabi niya sa online (chats, PM, tweets, etc.). Don’t try to flirt!!!! You are making yourself vulnerable to a wrong relationship. For me, mas ok na mamahalin ako ng isang tao kung sino talaga ako. Kung ano ang aking kabuuan hindi niya huhusgahan ang aking pagkukulang. Bagkos, tutulungan niya ako na ayusin ang aking mga kanihaan. LALIM noon ah!
Don’t invest much of your emotions sa online. Makipag-usap ka na lang kay SimSimi (Download mo ang App).
Lastly, hindi ka pangit. Read Psalm 139:14. Huwag kang magpapaloko sa mga lalaking physical appearance lang ang tinitingan. Send that guy this verse, 1 Samuel 16:7.
I know I didn’t answer your question very specific. Alam kong alam mo naman talaga ang sagot. Just do what is right. Puwede din basahin mo ang conclusion ng libro ko (LOVE IS BLOG). May article ako doon na “The Love That I Think You Deserve.”
Ikaw, ano ang maipapayo mo doon sa babaeng nagtanong?
Speaking of love-at-first-sight, maaari kong sabihin na if love suddenly appear, then it can also suddenly disappear. Minahal mo siya dahil maganda/guwapo siya? Paano kung bigla siyang magkaroon ng chicken pox at hindi na matanggal ang mga peklat niya sa mukha niya? Minahal mo siya dahil mayaman siya? Paano kung bigla na lang isang araw ay nalugi ang business niya at lumubog na siya sa utang? Kung iyong mga bagay na iyon lamang ang motibasyon niya para mahalin ka, aba ay mag-isip-isip ka na.
Kaya naman, huwag tayong magpapadala sa love-at-first-sight na iyan. Sabi nga nila, “Live by faith and not by sight”. Gawin nating “Love by faith and not by sight.”
Hindi dapat mata ang ginagamit sa pagmamahal. Dapat puso! – Doctor Eamer
Like Doctor Eamer’s Facebook Page at https://www.facebook.com/iamdoctoreamer. Click ‘Get Notifications’ if you want to be notified everytime I will post a new article. Dahil Hunyo na ngayon, abangan ninyo sa Linggo ang aking #SundaySeries 🙂 #ThatThingCalled
Pagpapatuloy ng kuwento…
Ikaw na nga! Ikaw na nga si Love. Ikaw ang nagpauso ng mga katagang “…And Everything” at “Bumbrr to Bumprr”. Hello Ms. Love Añover. 🙂 Follow her at Instagram (@loveanover).
Note: “love” in the title is in plural form. Madaming pag-ibig kasi ang biglaan na lamang sumusulpot. 😉
Photo Credit (here)
Good advice!
She’s only known him for just a week and after seeing her photo, he’s not as enthusiastic. STOP right now. He is simply not interested. Physical appearance is not the basis of loving a person.
LikeLike
Hahaha! Dami tawa ko, Joseph! Seriously, yung totoong pagmamahal, di yun bina-base lang sa hitsura. Dapat hanapin mo yung magmamahal sa’yo regardless of how you look kasi yung inner qualities like commitment, integrity, loyalty, common sense, etc. ang tutulong sayo to strengthen the relationship at mananatili yan sa tao habang buhay.
LikeLiked by 1 person
Thanks ate! And to your additional advice. 🙂
LikeLike
”love by faith and not by sight…” haha, nice doc 😉
LikeLiked by 1 person
hahaha, natuwa ako bro!
LikeLike
Thanks bro! 🙂
LikeLiked by 1 person
Puso ❤
LikeLiked by 2 people
Isip. 🙂
LikeLiked by 1 person
puso’t isip? haha
LikeLiked by 1 person
Yup. Magmahal ka gamit ang both.haha
LikeLiked by 1 person