Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Anong Kwentong Crush-At-First-Sight Mo?

Crush Scene 1: Tawiran

pedestrian lane_edited

Isang katanghaliang tapat iyon nang ako ay tatawid sa isang pedestrian lane. Dahil traffic sa Los Baños, ang tagal naming naghihintay bago kami senyasan ng pulis trapiko para makatawid. Isang minuto… dalawang minuto… tatlong minuto… apat na minuto… Ganoon na lamang ang aming paghihintay. Ang magkabilang dulo ng pedestrian lane ay punong-puno na ng mga taong tatawid. At pumito na si manong pulis! Prrrrrrttt! Nagmamadaling nagtawidan ang mga tao. Sa aking pagtawid ay papalapit ka sa akin at ako din sayo. Ang ating mga mata ay nagkasalubong. Di alintana ang mga taong nasa ating tabi at nagsisiksikan para makarating sa kabilang dulo. Pitong segundong nagkatitigan na para bang gusto nating tumigil sa gitna ng kalsada na parang isang pelikula kung saan tayo ang bida. Ngumiti ka sa akin na parang matagal na tayong magkakilala. Sa totoo lang, ang cute ng ngiti mo. Dahil sa dami ng taong tumatawid, hindi na kita muling nasilayan. I think it was crush-at-first-sight. 🙂

Crush Scene 2: Libro

bookstore_edited

Mahilig akong magbasa ng libro. Kung pupunta ako sa SM Calamba, siguradong dadaan ako sa National Bookstore at sa Booksale para mag-window shopping at pag may nakita akong maganda at murang libro saka lang ako bibili. Nasa loob ako ng Booksale nang araw na iyon at naghahanap ng librong akma sa aking panlasa. Hanap dito, hanap doon. Buklat dito, buklat doon. Nakita ko yung libro na “Chicken Soup for the Teenage Soul.” Maganda yung librong iyon. Mga istorya ng buhay ng kabataan na magbibigay sa atin ng aral. Nakapatong lang yung libro sa may isang tabi. Habang papalapit ang kanan kong kamay upang hawakan ang libro, hindi ko napansin na ikaw pala ay katabi ko at ang kaliwa mong kamay ay papalapit din upang kunin ang libro. Hawak natin ang libro sa magkabilang bahagi. Awkward moment ika nga. Nagkangitian na lamang tayo. Napatigil ako ng saglit at namangha sayo. Ang kulot mong buhok. Ang hikaw mong cute. Ang damit mung nakatatak na “Faith Moves Mountain.” Ang galing mong magdala ng pananamit. Nakakatuwa. Tapos parehas pa tayo ng mga libro na gustong basahin. Iniabot ko na lang sayo ang libro. Tapos ngumiti ka ulit. I think it was crush-at-first-sight. 🙂

My definition of CRUSH

Crush for me is merely appreciation. It is appreciating God-given skills, talents, character, behavior, and physical attributes of someone. Ang galing niyang mag-gitara. Astig siyang kumanta. Nakakamangha siya pagmasdan habang sumasayaw. Cool siyang manamit, so neat and fashionable. Ang sarap niyang kausap. Ang galing niyang mag-speak sa crowd. Ang bait niya! Ang ganda pa. Grabe yung insights niya sa isang bagay. Ang cute nung dimples niya. Grabe yung pinagdaanan niya sa buhay pero patuloy pa din siyang lumalaban. Ang dami niyang pangarap. Astig yung faith niya kay God. That’s it. No more. No less. If you want that crush feeling to grow and lead into a deeper attraction, it is up to you. Be sure it will not lead to lust but to love.

PS: Don’t just look at the physical appearance of a person. The outer appearance is just 3% of the total being of the person. There’s still 97% you need to know about that person. 🙂 (The percentage here is just my estimate.lol) Remember 1 Samuel 16:7, “The Lord does not look at the things people look at. People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.”

How about you? Anong kwentong crush-at-first-sight mo? 🙂

Photo Credits (1 and 2)

Advertisements

28 comments on “Anong Kwentong Crush-At-First-Sight Mo?

  1. Jet
    March 5, 2015

    Haha. Ang dami kong entry kung crush-at-first sight ang pag-uusapan Doc!! Andyan si kuya na nakaupo sa Seat 29A no’ng pumunta kami ng Cebu, si kuya na nagcover ng event namin dito, si kuya sa Greenwich…etc. Pero hindi lahat ng ‘yon may future kasi nga crush-at-first-sight lang.

    Liked by 1 person

  2. docpreciousjem
    January 11, 2015

    Real stories. Real people. I love the Crush Scene 2, but I enjoyed way better the stories commented here! Haha!!!

    Liked by 1 person

  3. Lawrence
    December 31, 2014

    Window Shopping? Haha grabe lagi naman po akong may pamasahe nakakarelate lang talaga ako sa kanta ni YengConstantino “Jepney LoveStory”

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 31, 2014

      Sige sige I’ll check that jeepney love story 🙂 baka pwedeng gawan ko ng blog.hehe Oh basta, wag masilaw sa pisikal lamang 🙂 Happy New Year bro! 🙂

      Like

      • Lawrence
        December 31, 2014

        roger that, Happy New Year 😀

        Like

  4. don jacobo
    December 31, 2014

    panu doc pag ung ugali nya masama pero tanggap mo parin. Nasa border naba ako ng love?

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 31, 2014

      hehehe anung level ng kasamaan?hehe yung tipong madalas siyang magsinungaling? magnanakaw ba siya?hehe baka naman mataray lang 🙂 mahirap sabihin dahil mahirap i-define ang border ng love and crush 🙂 hindi naman perpekto ang tao kaya mayroon at mayroon kang makikitang di maganda sa isang tao. Acceptance is a good choice. But making him/her improve that “specific character” is a better one. Tulungan naman yan as a couple. 😉

      Like

  5. Pingback: Pitong Utos sa Pagkakaroon ng Crush | Dr. Eamer's Blog

  6. Mia
    November 21, 2014

    I agree, yung term na “crush” is more of appreciation nung isang aspect ng opposite sex na nakakuha ng atensyon natin. Nung teenager palang ako, naalala ko na nagkaroon ako ng crush sa isang member ng praise and worship team sa church na madalas kong puntahan dati. Ang galing kasi niyang kumanta at napaka-maginoo pa. Pero hanggang doon lamang. Nung naging friends na kami, napapalitan yung crush na feeling ng deep respect sa talent nung person. Etong asawa ko ngayon, nag start din sa crush (na-crush ako sa bald head niya lol!), pero later on it turned out to be more of a decision to know the person at a deeper level after we became friends 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 22, 2014

      Hehehe! Basta Ms. Mia, I’ll interview you one of this time regarding your love life 🙂 Para dun sa relationship with the international citizen.hehe 🙂 I want to know and be inspired with your story din po! 🙂

      Like

      • Mia
        November 23, 2014

        Sure, no problem. I-message mo lang ako and I am more than happy to share my experience din pagdating sa ganyan 🙂

        Liked by 1 person

  7. KimberlyTheBrave
    November 6, 2014

    Pano po kung hindi pa nagkaroon ng crush at first sight? hahaha.
    awesome kuya 😛

    Like

  8. littleapolita
    November 6, 2014

    Haha this is cute

    Liked by 1 person

  9. Rowjie
    November 4, 2014

    Nice! Though it’s a reality siguro na nagsisimula lahat sa physical aspect. Though tama ka na there’s more sa isang tao and you’ll just realize later na hindi na masyadong mahalaga ang physical na kaanyuan. 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 4, 2014

      Kukulubot din naman kasi ang mga balat natin.hehe It’s the love that matter 🙂 Yun naman yung matitira in the end.hehe 🙂 God bless bro! 🙂

      Like

  10. markydorky
    November 4, 2014

    Hi Doc, recently lang naganap ang aking crush-at-first-sight. Sa MRT pauwi galing trabaho. Mula Magallanes hanggang Quezon Avenue kung saan siya bumaba, Nakakatuwa, nakakakilig. Pareho kaming nagpapakiramdaman ngunit pareho rin kaming ayaw magsalita. Hindi siya ang may “pinaka” sa mga nakita ko pero iba ang kanyang “aura” kaya siguro naging “crush” ko siya 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 4, 2014

      Hahaha! Sa MRT talaga ah! 🙂 It’s the beauty of appreciation. 🙂 Wonderfully made tayo eh. 🙂 Balitaan mu ako pag may love-at-first-sight story kana ah!lol! hehe God bless bro! 🙂

      Liked by 1 person

      • Lawrence
        December 31, 2014

        Hi Doc. I think 85% of my crush-at-first-sight sa JEEP haha and for me ang Crush ay kapag ayaw ko nang Pumara. Haha

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        December 31, 2014

        Hahaha! mukhang tingin ka ng tingin kung kanino pag nasa jeep ka ah.hehe pag ayaw mu ng pumara? pwede!haha pwede din naman dahil wala kang pamasahe talaga kaya ayaw mung bumaba 😉

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 4, 2014 by in Crush and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: