Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Pitong Utos sa Pagkakaroon ng Crush

pitongutos_ok

Para same page tayo, maaari mong basahin ‘yung definition ko ng “crush” (Read here).

Disclaimer: Walang karampatang parusa ang paglabag sa pitong utos na ito. Subalit hindi pananagutan ng author ang anumang maaring mangyari sa paglabag nito. If symptoms persist, consult the doctor. 🙂

1. Huwag magpahalata.

Para sa akin effective ito lalo kung ayaw mo ng mga awkward moments especially kung kaibigan, kabarkada or someone na malapit sa’yo ‘yung taong crush mo. I just admire her. Period.

 2. Huwag ipagkalat.

Nakakainis minsan ‘yung mga taong kelangan pang ipagkalandakan sa social media or sa lahat ng kaibigan niya na may crush siya sa isang tao. Ok lang naman ipagsabi pero sana protektahan naman ‘yung mismong crush niya. Bakit mo ba gustong ipagsabi? Para tuksuhin kayong dalawa ng iba niyo pang kaibigan? Tapos? Awkward moments. Tuloy sa susunod  na may mga gatherings, reunion or events kayong magbabarkada o magkakaibigan, baka hindi na siya pumunta.

3. Huwag mag-stalk.

Hindi ka niya parent or guardian na dapat alamin mo ang bawat detalye ng araw niya. Saan ang lakad niya. Anong oras siya uuwi. Sino ang kasama niya.

4. Huwag OA.

Over acting naman ata ‘pag ginagawa mo ‘yung #3. Sabi nga ilugar mo ‘yung sarili sa tama. Sana alam mo ‘yung limitasyon mo bilang kaibigan o kabarkada niya.

5. Huwag magpadala.

May mga cases naman na naging crush mo siya dahil sa tuksuhan ng mga kaibigan at kabarkada ninyo. Minsan dapat hindi tayo nagpapadala sa emosyon. Kung hindi matatag ang puso mo, bibigay ka sa tawag ng tuksuhan.

6. Huwag mag-deny.

This is not to contradict the previous commandments. Awkward siguro kung sa gitna ng tuksuhan ay tatayo ka at sasabihin na “Oo crush ko siya. May kokontra?” For sure magkakaroon ng ilang segundong katahimikan kapag ginawa mo iyon. I will admire you for that braveness. Pero wisdom is better than that braveness. You should be prepared for the consequences of that action if ever. Kaya hindi ko pinapayo na gawin mo iyon. Ang utos na ito ay sa kontekstong solo ka lang. Sana sa sarili mo sigurado ka at ‘wag mong i-deny na crush mo siya. Paano mo malalaman na crush mo siya? Ikaw lang makakapagsabi noon. For sure alam mo iyon sa sarili mo.

7. Huwag mag-expect.

Sabi ni Uncle Paul, ‘pag may tinanim, may aanihin. Pero hindi applicable ang principle na ito dito. Hindi dahil crush mo siya ay aani kana din at magiging crush ka niya. Be a person worth-crushing-for first.  Magtanim sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti o maging excellent sa trabaho. Be a person of good character. Pagdating ng panahon may aanihin ka para sa isang maganda at masaganang buhay. 🙂

Photo Credits (here)

Dr. Eamer

Related Posts: Anong Kwentong Crush-At-First-Sight Mo? and Paano Mo Malalaman Kung Crush Mo Na Siya?

Advertisements

5 comments on “Pitong Utos sa Pagkakaroon ng Crush

  1. docpreciousjem
    January 11, 2015

    The best ang #1. Ahaha. Sobrang awkward kasi talaga kapag ipinahalata! Hashtag: relate. LOL.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 12, 2015

      Pwede din naman magpahalata depende sa sitwasyon.haha 🙂

      Like

  2. Pinay Unlimited
    January 5, 2015

    Medyo na-guilty naman ako sa number 2. Haha.
    Hindi naman talaga ako palasabi ng crush, pero one time nagpost ako na ang title ay “Dear Crush.”

    Huma-high school lang. Haha. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 30, 2014 by in Crush and tagged , , , .
%d bloggers like this: