Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

“Putang” Ina: A Mother’s Day Tribute

“Si Maria ba yan? Siya ba yung anak ni Aling Aya? Yung bayarang babae?”

“Ilang lalaki na kaya ang gumamit sa nanay ni Maria?”

“Sino kaya ang ama ni Maria?”

“Kaya pala may bagong bag at sapatos si Maria. Siguro mayaman yung nagbayad sa nanay niya.”

“Maria! Magkano ba ang rate ng nanay mo? Pinapatanong ng tiyuhin ko.”

Ito ang ilan sa mga laman ng usap-usapan sa aming paaralan noong ako ay elementarya. Ilang taon ko ring tiniis ang mga masasakit na salita mula sa ilan sa aking mga kaklase at kanilang mga magulang, gayundin ang ilang mga guro.

Solo lang akong anak at hindi ko kilala ang aking ama. Noong bata pa lamang ako, iba’t ibang lalaki ang ipinapakilaka sa akin ng inay. Akala ko noong una ay isa doon ang aking ama. Dalawang beses sa isang buwan ay may lalaki siyang dinadala sa aming bahay. Dahil bata pa lamang ako, akala ko ay normal lang iyon.

Tama sila. Bayarang babae ang nanay ko. Pokpok. Kalapating mababa ang lipad. Palipasan. Ligaya. Prosty. Escort service. Ilan lamang iyan sa mga tawag nila sa nanay ko.

Sabi ng nanay ko, mahal na mahal niya raw ang tatay ko. Edad bente siya noong nabuntis. Pinatunayan lang niya na mahal na mahal niya ang tatay ko kaya ibinigay niya ang lahat. Pero ayun, matapos malaman ng tatay ko na buntis si inay, nangibang bansa na siya at hindi na siya nagparamdam kahit isang beses. Hindi ako ipinalaglag ni inay. Kahit sinasabi nilang “na-ano” lang si inay, itinaguyod pa rin niya ako at pinalaki ng maayos.

Bakit nga ba nauwi sa ganitong trabaho si inay? Noong isang taon pa lang daw ako, nagkasakit ako ng malubha at kinailangan ng operasyon. Walang mapagkunan ng pera si inay. Nanghingi na rin siya ng tulong sa mga kamag-anak subalit wala ni isa ang nagbigay ng tulong kahit na kaunti. Nanghiram siya sa isang kaibigan ni itay na taga-kabilang bayan lang daw. Inalok si inay na hindi na niya kailangang mangutang sa isang kondisyon. Kumapit sa patalim si inay para lang matuloy ang operasyon ko.

Iyon ang naging simula. Pagkatapos noon ay ipinasok nung kaibigan ng tatay ko si inay sa isang club para raw magkaroon ng regular na kita.

Ang sulat na ito ay ang huling sulat na nabasa ng aking inay bago siya pumanaw mula sa kumplikasyon ng sakit na AIDS. Natatandaan ko pa na binabasa niya ito noong nasa St. Lukes Medical Center kami. Doon kami nagdiwang ng Mother’s Day. That was a short letter but it really means a lot to me. Kung hindi dahil sa pagmamahal at pagpapalaki sa akin ni inay, wala ako ngayon sa aking katatayuan sa buhay.



Dear mom, I love you. This for sure, I wanted to say to you first and foremost. I am someone who loves you. Given the fact that you had me unplanned, I love you. Even when I don’t know my dad, I love you. And every time I was bullied and rejected by people because of you, I love you. Sorry to say this in a piece of paper not knowing this can be the last resort to fix your broken pieces together. If only I said these before it was too late. But still, I wanted you to know. You’ve chosen that path for some reasons and I am here for you for more reasons. You’re still a pearl in my eyes. 😍

Watch this spoken word poetry dedicated to all mothers.



Hindi po ako nagmumura. That’s why I quoted the word “putang”. I am referring to an adjective. Gusto ko ring ipalam sa mga taong nagmumura ng “PI” na hindi naman nila iniinsulto ang mismong tao na minimura nila kundi ang iniinsulto nila ay yung nanay ng minumura nila. So please stop it! Walang maidudulot ang pagmumura. Lalo lang kayong hindi magkakasundo. At kung nakasanayan mo na ang expression na “PI”, you need to exert an effort para mawala sa sistema mo iyan. Imagine kung mamanahin yan ng mga anak mo in the future. Dahil kapag palagi nilang naririnig iyan sa iyo, they will think that is a cool term. Definitely not!

Ang mga Kastila talaga ang nagpasa sa atin ng kulturang ito. Actually, I myself used to be like those people who are cursing other people. “G*go ka!”, “Mamatay ka na!”, “Tan*a ka!”, “Pu*ang ina mo!” are just some of my favorites. Elementarya ko ito natutunan. Lahat ng mga kalaro ko ay marunong noon at ginagamit din nila sa akin iyon so why not use it as well. Dala-dala ko iyon hanggang high school. But thankfully, I was able to completely take it out of my system when I was in college. Hindi naman imposible talaga. Malaking bagay na inaaral mo ang word of God para matanggal mo ang hindi magandang sistema sa sarili mo. Pray for it too! Below are some verses na pwede mong pagnilayan.

“Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso.” — Mateo 15:18

‘Alisin ninyo ang mapang-abusong pananalita.’ — Efeso 4:31

“Huwag lumabas ang bulok na pananalita mula sa inyong bibig.” — Efeso 4:29

“Kind words are like honey — sweet to the soul and healthy for the body.” — Proverbs 16:24

“Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; old things have passed away; behold, all things have become new.” — 2 Corinthians 5:17

Sa susunod po, huwag po tayong maging judgmental agad. Do not judge the article solely by its title. Shout out sa mga inakalang nagmumura ako. And kung sa tunay na buhay naman, huwag din po nating husgahan ang isang tao dahil sa kanyang trabaho, pananamit, pananalita, itsura at katayuan sa buhay. Kaya huwag po nating husgahan agad si Mocha Uson. 😉

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

4 comments on ““Putang” Ina: A Mother’s Day Tribute

  1. larizzadulay
    May 15, 2017

    Mothers will always be mothers. Not just their title but their character. They are called to mother. Women are. So be thankful. Let’s spread love to all moms out there! 😍

    Liked by 1 person

  2. Rubziel Rubio
    May 15, 2017

    Ang ganda po ng mensahe ng blog na ito. ❤

    xoxo, Rubziel.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 15, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , , .
%d bloggers like this: