Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Hugot Pa More!

 

hugot_ok

Minsan talaga ang paghihintay madaming benepisyo. Minsan. πŸ™‚ Dahil sa paghihintay ko sa aking flight going back to Manila, nagkaroon ako ng time gumawa ng blog. Mga ilang hugot mula sa aking isipan pero hindi sa aking nakaraan. Rhyme! Para clear. πŸ™‚ Ikaw, naghihintay ka ba? πŸ™‚ Be productive.

1. Buti pa ang ballpen…Β  Nahahawakan ang kamay mo.
2. Buti pa ang loading stations…Β  Hinihintay mo ang text.
3. Buti pa ang anino… Kahit saan kasama ka.
4. Buti pa ang tricycle driver… Naihahatid ka sa bahay niyo.
5. Buti pa ang stethoscope… Alam na alam ang tibok ng puso mo.
6. Buti pa ang camera, lagi mong nginingitian.
7. Buti pa ang mga kasali sa tagu-taguan… Hinahanap.
8. Buti pa ang sweldo… Inaabangan.
9. Buti pa ang pet… Inaalagaan.
10. Buti pa ang pagtawag sa cellphone… Namimiss.
11. Buti pa ang Leron Leron… May sinta.
12. Buti pa sina Yeng at Yan…Β  May “Ikaw“.
13. Buti pa ang mga business corporations… May partners.
14. Buti pa ang housing loans… May PAGIBIG.
15. Buti pa ang awards sa mga youth organizations…Β  May TAYO.

Ayan ka na naman. Laging bukang bibig mo ang mga salitang “Buti pa ang…” Parang kinukumpara mo kasi ang sarili mo sa ibang bagay, pangyayari o tao. Buti pa sila mayaman ang pamilya. Buti pa ang mga pinsan ko nabibili ang mga gusto nila. Buti pa sila nakapasa sa UPCAT.

Mas maganda siguro kung mag-move on ka na sa mga salitang iyon at gumawa ng aksyon para makamit mo ang mga ninanais mo sa buhay. You are created uniquely. You have specific purpose in life. Sabi nga noong nabasa ko, you are born original, do not die a copy.

Kung hugot lang din naman ang gusto mo, hugot ka kay God πŸ™‚ Hugot ka sa Kanya ng inspirasyon, motibasyon, at lakas para harapin ang iyong buhay. πŸ™‚

Advertisements

15 comments on “Hugot Pa More!

  1. Nathan
    February 10, 2015

    Buti pa nga ang Tender, may Care! #Hugotpamore

    Liked by 1 person

  2. chengboiser
    January 26, 2015

    hahah ang kulit.. sige #hugot pa more πŸ˜‰

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 26, 2015

      nag-back read ka ng blogs ko ah.hehe mukhang ralate na relate ka Cheng ;-P

      Like

      • chengboiser
        January 29, 2015

        ang kulit at maganda ang mga naisulat mo. mabuti’t nakita ko ang blog mo
        hugot pa more πŸ˜‰

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        January 29, 2015

        hahaha! makulit din kasi ang author πŸ™‚ thanks for the appreciation ng mga blogs ko! yeah! hugot pa more please! lol! πŸ˜‰

        Like

  3. littleapolita
    January 20, 2015

    Buti pa yung title may ka-pair.. lol πŸ˜›

    Liked by 1 person

  4. yolomoments12
    January 15, 2015

    Buti pa ang TV Station my abs πŸ˜€

    Liked by 1 person

  5. bettercurly
    January 13, 2015

    hugot pa more!!!.. mula kay Lord πŸ˜‰ ayos na ayos!

    Liked by 1 person

  6. Pinay Unlimited
    January 13, 2015

    Natawa ko nang mabasa ko yung title. Binalak ko rin last year magsulat ng tungkol diyan sa “Hugot Pa More,” pero di ko na naasikaso. Haha.

    Buti pa si Lord lagi akong inaasikaso. Hehe πŸ™‚

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 14, 2015

      Naman! πŸ™‚ Kapag may naisip pa ako, eh di “Hugot Pa More ++” Parang programming language lang!lol! πŸ™‚

      Liked by 1 person

  7. Mia
    January 13, 2015

    Nice one! πŸ™‚

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 13, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , .
%d bloggers like this: