Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

PU*ANG INA: MEEOW!

HINDI AKO NAGMUMURA. Bakit naman ako magmumura kung pwede namang magmahal lang, diba? Sa dulo ng blog post na ito, papatunayan ko sa inyo na HINDI ako nagmumura. 🙂

Kung ang pagkakabasa (pagkakaintindi) ninyo sa title ng blog ko ay isang pagmumura, wala akong magagawa. That’s how you perceived it. But I hope that you will have an open mind and read the whole article. At sa dulo ng article na ito, masisiguro ninyong hindi ako nagmumura.

Kung mababasa ninyo ang ilan sa mga blogs ko (Duterte Hugots (Part1), Ang Tinig ng Pagbabago: DU-re-mi-fa-so-la-ti-DU, Ang Pinakahihintay na Sagot: “I Du.”), you can conclude that I am for Duterte. As what many of my friends in social media say… I am Filipino and my President is Duterte. #Du30

I am Filipino and my President is Duterte

Gusto ko lang malinawan kayo sa isang isyu about the rape remarks ni Mayor Duterte. It happened during 1989. Hindi pa ako buhay that time. Pero Bakit hindi natin balikan? Diyan naman tayo magaling diba? Balikan ang nakaraan. #Hugot Seriously, grabe ang nangyari sa unang termino niya bilang Mayor. It was an act of courage. A leader must be willing to die for his people. Dapat ganyan ang isang leader! Watch this (tapusin mo!):

Kaya huwag kayo basta-basta humusga! Alamin ninyo ang buong istorya. Halimbawa..

Kapag sinabi kong.. “Patayin itong bata! Hatiin siya sa dalawa.” Sigurado akong dudumugin ako ng mga human rights advocates. Magiging viral ako sa social media. Baka pati ang mga closest friends ko, itakwil ako. Pero kung babalikan ninyo ang istorya sa Bibliya, ito ang unang pagpapamalas ng karunungan ni Haring Solomon na tinaguriang isa sa pinakamatalinong taong nabuhay sa mundo. Kung hindi mo alam ang istoryang ito, READ YOUR BIBLE.

A Wise Ruling (1 Kings 3:16-28)

16 Now two prostitutes came to the king and stood before him. 17 One of them said, “Pardon me, my lord. This woman and I live in the same house, and I had a baby while she was there with me. 18 The third day after my child was born, this woman also had a baby. We were alone; there was no one in the house but the two of us.

19 “During the night this woman’s son died because she lay on him. 20 So she got up in the middle of the night and took my son from my side while I your servant was asleep. She put him by her breast and put her dead son by my breast. 21 The next morning, I got up to nurse my son—and he was dead! But when I looked at him closely in the morning light, I saw that it wasn’t the son I had borne.”

22 The other woman said, “No! The living one is my son; the dead one is yours.”

But the first one insisted, “No! The dead one is yours; the living one is mine.” And so they argued before the king.

23 The king said, “This one says, ‘My son is alive and your son is dead,’ while that one says, ‘No! Your son is dead and mine is alive.’”

24 Then the king said, “Bring me a sword.” So they brought a sword for the king. 25 He then gave an order: “Cut the living child in two and give half to one and half to the other.”

26 The woman whose son was alive was deeply moved out of love for her son and said to the king, “Please, my lord, give her the living baby! Don’t kill him!”

But the other said, “Neither I nor you shall have him. Cut him in two!”

27 Then the king gave his ruling: “Give the living baby to the first woman. Do not kill him; she is his mother.”

28 When all Israel heard the verdict the king had given, they held the king in awe, because they saw that he had wisdom from God to administer justice.

I hope nalinawanagan ka. At alam kong hinihintay mo kung anong ibig sabihin ng title ng blog ko. Pero bago ko sabihin, basahin mo din ang ilang mga sinasabi ng mga supporters ni Mayor Duterte:

From my friend Bellie (Tubong Davao):

  1. You condemn Duterte’s admission that he was once a womanizer but you didn’t consider Erap as one, far more immoral for having multiple partners with multiple children, once a convicted plunderer and elected him to another post in your locality, feeding his family, possibly with people’s money.
  2. You condemn Duterte’s foul mouth about his rape statement but you didn’t bother to react when they released Jalosjos, a convicted rapist and continues to rule.
  3. You condemn Duterte’s way of justice which benefits the people but you are voting for Bongbong, the son of Ferdinand Marcos, the one who declared martial law – killed, tortured and raped hundreds if not thousands.
  4. You condemn Duterte’s remarks because of Pope’s arrival that caused super heavy traffic but you are listening to the sermons of priests who belong to a church painted with so much immorality.
  5. You are bothered by Duterte’s plan on supressing crime in 3-6 months but you are not even bothered by the idea that Binay’s son is in jail for graft and corruption and his whole family is enjoying the perks of the people’s money and the VP has ignored all the senate hearings.
  6. You are intellectually curious about Duterte’s economic plan but you didn’t even bother to ask ‘ what happened to the yolanda funds? and ask the then-DILG secretary about the rehabilitation of the affected areas, that once secretary, who also handled DOTC and caused so much trouble to commuters.
  7. You are questioning Duterte’s capability to run this country because he is just a ‘mayor’ while you strongly believe that Grace Poe can make a difference, the once-filipina, once-american daughter of action star FPJ, a neophyte senator whose tag line is to continue his dad’s legacy, legacy of what? Making lame action movies.
  8. You are questioning Duterte’s leadership skills while you are fine with PNOY’s lame action when the Hongkong hostage took place and a single hostage taker killed 8.
  9. You doubt Duterte’s relationship with the leftist and consider him as one but you never questioned PNOY’s insensitivite actions after the SAF44, a bloody encounter initiated by Purisima to elevate his dirty status, and the lives lost in Hacienda Luisita and Kidapawan massacre.

Moral lesson: The guy is not perfect. No one is, and even the greatest leader. But I will still vote for him because in return, he gets nothing. He is willing to risk his life not because to protect his interest but simply because he is a FILIPINO.

Her personal point of view: If he will not win as President of the Philippines IT’S FINE with me, why? I’m born and raised in Davao City so it’s not OUR LOST. So if don’t like him, then don’t vote for him. As simple as that.  #Duterte2016 #Du30 #DuCay

“They say he is a threat to democracy. Most likely. But clearly, he is a threat to the system and the established order and all its dysfunctions and illusions. He is nothing but the voice of a people sick and tired of the empty promises of the ‘existing order.’ He is the one who sends the tables flipping upside down and the great curtain ripped apart from top to bottom. In fact, he vows to destroy the Temple and replace it with a better one! He is not from the center of power, he comes from the long ignored periphery. He comes to thunder ‘Woes’ and unmask all the sophistries and hypocrisy. Is he a messiah? Perhaps. But clearly, he is an ENEMY. A dangerous revolutionary who shall surely disturb the peace. He must be crucified. He must DIE! And instead of him, the people must choose…Barabbas!” – Rants by Rei Lemuel Crizaldo

Ito naman ay mula kay Kuya Tram (Tubong Davao din):

Sabi ng Ate ko, “Baka itong testimony na ito ay hindi masyadong mabigat para sa iba kasi normal lang sa Davao ang serbisyong ito”. Sabi ko naman, “Baka naman makita din ng mga ibang tao na nakafocus lang sa mga masamang bunganga ni Mayor na may Puso din sya lalo na sa ating mahihirap”

So here is a First-hand Testimony ng Ate ko, From the words of my Sister Rea Batoto-Monteroso in Cebuano translated to Taglish Version by yours truly:

Nakagawian ng mga Duterte na buksan ang kanilang opisina para sa mga taong may problema. Sa panahong yun si Inday Sara ang Mayor at si Digong ang Vice. Tulad ni Digong na humaharap sa mga mahihirap na tao, tuwing Martes binubuksan talaga ni Mayor Sara ang opisina nya sa mga tao para makausap sya ng personal at para siya mismo ang makarinig kung anong problema ng mga mamamayan ng Davao City. Tapos noong 2010 lumapit kami sa opisina ni Mayor Inday Sara. Humingi kami ng tulong sa problema namin sa aming Housing Association dahil hindi na kayang maareglo ang issue sa Brgy. Bago Aplaya.

Ang aming problema noon ay nagkaroon ng faction sa Association na umaangkin sa lupa at ang lider o yung president ng kabilang faction ay nag-aastang magaling at nangha-harass ng side namin para mapaalis kami sa lugar. Umabot sa punto na hindi na kami papadaanin sa kalsada na dapat daanan ng lahat. So in short nahirapan ang mga residente na lumabas at pumasok doon sa lugar namin. May access ka lang kung kasama ka sa grupo nila. So kung may emergency or mga sunog or ano pa man mahihirapan ang mga tao na lumabas.

So tinulungan kami ni Inday Sara, binigyan kami ng 3 abogado hindi lang para sa alitan sa lupa kundi pati narin para sa ibang kaso kasi yung mga babae sa amin ay hinaharass ng mga lalake na kaanib ng kabilang faction. Tapos inutusan pa ni Inday Sara na ihatid kami ng driver nya sa sarili nya mismong sasakyan, galing sa opisina ng Central 911 papunta sa chief of police ng aming barangay at ang nag-assist sa amin ay Head ng 911. Tapos agad-agad sinamahan kami ng mga police at pumunta mismo sa lugar namin para buksan ang pathway na sinubukang sarhan, so naareglo ang issue. Maraming Salamat kay Inday Sara.

Dumaan ang ilang buwan hanggang isang taon, naging Ok at matiwasay ang sitwasyon sa aming association. Pero isang araw biglang bumalik yung presidente ng kabilang grupo at ibinalik na naman nya ang problema. Yung policy na kung taga sa aming grupo ka, hindi ka pwedeng dumaan sa daanan. Lumapit ulit kami sa barangay at hindi ulit maresolve ang problema kasi nagmamatigas itong lider ng kabilang grupo. So, nang mga panahong yun kay Digong kami lumapit kasi sya ang in-charge noon. Mismong kay Rody kami lumapit at nagharapan ang grupo namin at yung kabila para masolusyunan ang issue.

Doon nalaman ni Digong na itong matapang na presidente ng kabilang association ay professional squater pala at nangungolekta ng pera na galing sa mga pobre na gusto magkaroon ng sariling lupa. In short, itong taong ito ay nanlilinlang ng mga mahihirap at ginagamit ang association para mandaya. Nagtatayo sya nga mga association at inooppress nya ang mga tao at hindi lang isa hawak nya kundi marami pala. So pinapasok sya ni Digong sa isa pang opisina at pagkatapos ng usapan nila lumabas at namumutla na yung presidente. Ang sabi ng isang staff ni Digong, sinampal daw yung manlilinlang. Tapos noon pinaharap sa amin at sinabihan na humingi ng tawad sa amin at pinapa-promise na hindi na manggugulo sa nakatayo na Housing Association kasi ayaw ni Digong na inoopress ang mga mahihirap. Simula noon di na magulo sa lugar namin. Lumayas na rin yung taong yun paalis ng Davao kasi nalaman din ni Digong na marami pa pala syang panlilinlang at modus ng pandadaya.

Let Corruption Stop! Let Oppression of the Poor and of the People Stop! Let Criminality Stop!

Minsan naiinis ako sa mga haters ni Duterte kasi di nila inaalam ang buong katutuhan ng pangyayari at ito namang mga bias na media hinahighlight ang negative na sinabi ni Digong. Magbasa kaya kayo at kung hindi kayo nagbabasa panoorin nyo yung movie ni Ian Veneracion about Pugoy. Given unbecoming ang comment, for goodness sake he was narrating and also keeping himself calm, thug talk ba, binisaya especial talk during that time. Ikaw kaya sa shoes nya baka magcollapse ka sa kadaming hinostage noon. Tsaka naman people ang tagal na noon 1989, 1988 sya nagsimula maglingkod, imagine how many good things he has done for Davao until now and ungkatin lang ng isang comment at itry na gibain sya. Come on! Yes, Hindi talaga mahinahon si Mayor magsalita, tactless, di sya perpekto, pero Masaya kaming TagaDavao sa kanya kasi Galit sya sa mga Criminal at sa mga taong Nang-aalispusta, mga Magnanakaw, Corrupt at Pusher kasi nalinis nya ang Davao City, Masaya kami kasi galing sa puso at serbisyong totoo at maka-Tao na hatid ng mga Duterte at ng mga Lider namin na may malaking puso sa mamamayan, hindi lang puro ngawa ng ngawa kundi Gawa ng Gawa. Gusto nyo ba ng liderato na totoong may aksyon, Dali na palitan na natin ang gobyernong Dilaw at nga mga Corrupt!!!

My Sister Rea, My Family and I are living witnesses to Duterte’s Leadership and good governance!! Ako ay Tubong Dabaw! ako ay Lumad! ako ay Mindanaoan!, ako ay Iskolar ng Bayan! Higit sa Lahat Ako ay Pilipino at si Duterte ang aking Pangulo!!!

Anyway, masyado nang mahaba ito. Game! Ito na ang dahilan ng title ng blog ko. Ang mga kaibigan ko sa PSA ay alam na gusto ko ang pusa. Kaya, Edi Meeow!

Pusang Ina

Tama nga naman ang mga pusa… Ang pagbabago ay parating na! At dapat magsimula iyon sa ating mga sarili. Kaya.. MEeow!

So ayan na ang totoong title ng blog ko! PUSANG INA: MEEOW! Kung sakaling pagmumura ang naisip mo talaga, then I think you have to be open minded next time. Nasa atin ang tunay na pagbabago! Vote wisely sa darating na halalan. As for me and my friends, #Duterte pa din! Change is coming.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (1, 2, 3)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

love is blog by doctor eamer

Available na din ang libro ko! Click here for details. 🙂

PLACE YOUR AD HERE

place your ad hereClick here for Ads Prices
Donate Button with Credit Cards

Advertisements

One comment on “PU*ANG INA: MEEOW!

  1. penpowersong
    January 7, 2017

    Reblogged this on penpowersong.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 20, 2016 by in Promotion & Advertisement and tagged , , , .
%d bloggers like this: