Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ang Lalaki sa Likod ng mga Komiks

Manix Abrera Kiko Machine

Okay. Let’s be honest. Iyon naman ang kailangan sa isang relasyon para tumagal diba? Hindi ako ganoong kahilig magbasa ng komiks. Pero naririnig ko na ang tinatawag nilang “Kiko Machine“. Somewhere along the way, nakabasa naman ako ng komiks na iyon sa isang dyaryo. Iba pala ang feeling na mapanood mo ang isang theater play na hango mula sa komiks. Nakakatuwa! Nakakabilib! Kaya pala ganito ang title ng article ko ngayon ay dahil, literal na nasa likod kami ng taong sumulat (sumusulat) ng Kiko Machine Komix na si Manix Abrera. Privilege seat Bes!

Kahapon nga ay nanood kami ng Sorrowful, Sorrowful Mysteries sa Makiling Ballroom Hall, Student Union Bldg., UPLB. May ilang personal na dahilan kung bakit ako natuloy na manood. Una, media partner ang isang start-up website na kinabibilangan ko – Los Baños Bytes. Special mention dito sina Marc, Aldrin, Pat, Keilah, and Francinn. Astig kayo guys! So much skills and talents! Buti na lang talented din ako. Talent ko ang maghintay. Haha! Para sa mga readers ng blogs ko, baka pwedeng pabisita ang aming website at bigyan ninyo kami ng feedback sa looks and sa user-experience ninyo. Thanks in advance!

Los Banos Bytes

losbanosbytes.com

Pangalawa, ang isa sa scriptwriter noon ay si Francinn. Siyempre, proud teammate naman kami kaya sinuportahan talaga namin siya. We are so proud of you! Galing! Keep writing for the glory of God. I know that you will make a positive impact and influence in the media (arts and entertainment) industry. More plays to come!

From L-R: (Dalawang accidental photobomber), (Dalawang intentional photobomber), Keilah, Pat, Manix Aberra (say Ahhhh!), ako (bandang likod, sanay kasi akong magparaya), Francinn, Marc (likod para di raw kita ang chubby-ness) at si Aldrin. The LBB Team with Sir Manix 🙂

Ang play ay hango sa ika-pitong serye ng Kiko Machine Komix na naglalaman ng tatlong one (1) act plays.

“Langit, Lupa, Impyerno.” Ito ay kwento ni Casper, a transwoman ghost. Ipinakita sa play ang kanyang journey towards redemption, revenge, and acceptance. Para sa mga kagaya ni Casper, alam kong lagi ninyong tinatanong kung pupunta ba kayo sa langit kapag namatay kayo. Mayroon nga bang puwang ang langit para sa mga kagaya ninyo? Mahal ba ng Diyos ang mga kagaya ninyo? Hindi naman totally nasagot sa play ang mga katanungang iyon pero sigurado akong napaisip din ang karamihan. I will tackle next time ang patungkol sa LGBT dito sa aking blogsite. Maghahanap lang ako ng ilang resource persons na maaaring magbigay ng kanilang mga testimony. For the mean time you may read this: Kasalanan bang maging bakla o tomboy?

“Meanwhile sa Alternate Universe.” Ito naman ay kwento ng isang barkada na may kumplikadong relasyon. In fairness, it can happen naman talaga. Kung magkakaroon ng alternate universe, ano ba sa tingin mo ang magiging buhay mo doon? Para sa akin naman, bakit mo pa hihintayin na magkaroon ng alternate universe para lamang mahanap mo ang kasiyahan na ninanais mo? Bakit hindi mo simulan ngayon? Bakit hindi mo simulan kung ano ang katayuan mo sa buhay ngayon? Define your happiness. I hope you will find that happiness from within.

Take delight in the Lord, and he will give you the desires of your heart. (Psalm 37:4)

“It Never Ends.” Ito talaga ang pinakanagustuhan ko. Simple lang kasi pero matindi ang mensahe. Parang ikaw. Simple pero matindi. 😉 Actually, ito ang sinulat na play ni Francinn. Although very short time ko pa lang nakilala si Francinn sa team, mukhang siya talaga ang sumulat noong istorya. Kuhang-kuha kasi ang mga jargons niya. Haha! Astig! Hindi nga maka-get over agad ang mga friends kong nanood. May hang-over pa. Ito ay istorya ni Melay at isang naging kaibigan niya sa isang CR sa paaralan. Parang blogosphere lang actually. Hindi mo sila kilala personally pero naging kaibigan mo sila. Kakwentuhan. Parang ang aming samahan sa PSA. 🙂

Pangatlo, matagal na din akong hindi nakakapanood ng ganitong play. Maraming salamat sa Tabsing Kolektib dahil patuloy kayong gumagawa ng dekalidad na theater play! Para sa lahat ng mga gusto pang manood, meron pa hanggang bukas (April 27). For ticket reservations and sponsorship, you may contact Kristen at 0926-454-4099. For more information about the play, you can read this: Kikomachine Komix raks UPLB.

Panghuli, isa sa WordPress blogs na pina-follow ko ay ang Kalyo sa Kanang Palasinsingan. Gustong-gusto ko ang mga tula na sinusulat niya sa tagalog. Astig ang lalim! Tagos sa puso. Ang may-ari ng blog na iyon ay si Eljay Castro Deldoc na siyang director noong buong play. Astig diba? Pero mas astig ka. Tatlong taon na ang nakalipas, di pa rin naka-move on! Astig! LOL!

Pero guys, seryoso. Nood kayo! Ganda! Parang ikaw. ❤

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

9 comments on “Ang Lalaki sa Likod ng mga Komiks

  1. purildecena
    May 19, 2017

    Masyado pong malulupit yung mga blog posts niyo ❤

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: