Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ikatlong Taon sa Blogosphere

Sabi nila kapag nakatagal ng tatlong taon ang inyong relasyon, masasabing matatag na ito. Like really?! Bakit may mga kakilala akong umabot na nga sa pitong taon ang kanilang relasyon pero nagkahiwalay pa rin? By the way, I’m talking about boyfriend-girlfriend relationship. Ibang usapan kasi kapag kasal na. May ibang anggulo tayong dapat tingnan doon. So bakit naghihiwalay pa rin kahit tumagal na sila ng ganoong katagal? Aba malay ko. Hindi ko pa naranasan iyon. Haha!

Sa tagal ba ng relasyon nakasasalay ang forever? Tumagal lang ba sila dahil no choice? I don’t know.

As for my experience in blogging, noong una ay ayoko talagang pasukin ito. Baka hindi para sa akin ito, Baka hindi ka para sa akin. Baka magsasayang lang ako ng oras dito. Baka ikaw pala ang magbibigay ng saysay sa mga oras ko. Baka. Pero sinubukan ko.

Nagsimula ang lahat sa isang mithiin. Sa isang layunin. I just want to be heard. I want my thoughts (through words) to somehow influence others positively. Ang unang verse na pumasok sa akin ay ang Romans 12:2, “Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is – his good, pleasing and perfect will.” Kaya noong April 2014, ipinanganak ang isang blogsite – Transformed to be Transformer. Sinimulan ko ito sa 24 Things About Me. Isa ka doon. Char!

Tandang-tanda ko pa rin ang isa sa pinakapaborito kong article na mensahe ko sa aking blog visitors: You are valuable. Gamit ang 20-peso bill. Ito pala ang itsura ng una kong blog site.

It’s a personal choice why I broke up with it. Hehe!

By October 2014, Doctor Eamer was born. You can read here my first two articles. Madami akong naging kaibigan sa blogosphere. Madaming nakilala. Madaming hindi na nagparamdam. Marami rin namang nag-stay. Iba’t ibang activities din ang aking naisakatuparan dahil sa pagmamahal ko sa iyo este sa blogging.

Purpose Driven Blogging Seminar

That Thing Called “Blogging” Seminar

And now, it’s been three years! OMG! Hindi ako nagsisisi na pumasok ako sa mundo ng blogosphere. Madami na ring naging milestone ang journey of blogging ko. I would like to thank everyone na hindi nagsasawang basahin ang “kakornihan” ko. 🙂

Ay oo nga pala. Naging isa sa Top 10 Emerging Influential Blogs of 2015 din ako. Ayiiiih!!!! Sana sa puso mo, top 1 na ako. ❤

Top 10 Emerging Influential Blogs for 2015

Dahil sa mga ginawa kong blogs, nagkaroon pa ako ng libro. Who could have thought of that? I mean, hindi man lang pumasok sa isipan ko dati na ito palang blogs ko ang magbibigay buhay sa pangarap ko noon na magkaroon ng sariling libro. It’s really a grace from the Lord. It’s not me. It’s Him. Kala mo, “It’s not me. It’s you.” Haha!

love is blog

love is blog

You want this book? Bili ka! Haha! Libre ang magmahal pero hindi ang libro ko. LOL Read the details on how to order here. Read some book reviews here. Read my heart here. Saan ka pa lingon nang lingon. I’m just here. LOL! Isipin niyo na lang tula. Rhyme. Haha!

Tapos nakikilala ko ang mga awesome bloggers na puro single! Welcome to the club! Nagkaroon kami ng photoshoot sa Pinto Art Museum. Kapag may TV program na kami, ipapalabas ang isang soap opera na may pamagat na “Single man at magaling, single pa rin.” Haha! Magkakaroon pala kami ng upcoming photoshoot sa Nasugbu. Thanks sa Project LiBro! 🙂

PSA Annual Gathering

So far, iyon ang journey ko sa tatlong taong pagsusulat ng blogs. Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal! Three hearts for three awesome years! ❤ ❤ ❤

Whatever your hand finds to do, do it with all your might, for in the realm of the dead, where you are going, there is neither working nor planning nor knowledge nor wisdom. (Ecclesiastes 9:10)

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

12 comments on “Ikatlong Taon sa Blogosphere

  1. preciousjemwrites
    May 3, 2017

    “Everyone na hindi nagsasawang basahin ang ‘kakornihan’ ko.” Sumalangit nawa. :p

    Liked by 1 person

  2. pinoytransplant
    April 28, 2017

    Congratulations on this important milestone. I have read that the average lifespan of even a top blogsite is 33.8 months. That is less than 3 years. So you’re more than average!

    Liked by 1 person

  3. Nina
    April 27, 2017

    Happy 3rd Anniversary in blogosphere! Congratulations!

    Liked by 1 person

  4. fattykathyjourneys
    April 27, 2017

    Inspiring. 🙂

    Like

  5. Doctor Eamer
    April 26, 2017

    Reblogged this on P.S.A. and commented:

    Awwww. It’s been three lovely years. ❤ ❤ ❤

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 26, 2017 by in Blogging and tagged , , , , , , , .
%d bloggers like this: