Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

BLOgUEST 101: An NBSB’s Search for “The One”

NBSB

Patuloy pa rin ang paggawa, pagsulat, pagbahagi at maging ang paghanap sa mga kuwentong pag-ibig. Siguradong hindi mawawala ang mahiwang love at first sight, ang saved by a knight in shining armor at ang forever love of your life sentiments sa mga ito. Nakatutuwang makabasa o makapanuod ng mga ganitong eksena lalo pa’t kung ang hanap ng isa ay ang kilig na may halong kabog, at kahit pa nga kirot (sabi nga sa libro ni Ricky Lee).

Marami (maging lalaki o babae man) ang patuloy sa paglingon-lingon, pakikiramdam at paggamit pa nga ng iba’t ibang paraan para lang mahanap ang kanilang natatanging “the one.” Maging online or mobile applications pa nga ngayon ay tinuturuan na ang ilan na gamitin ang kanilang statistics or identity para makita ang perfect match.

Have you tried any of those? 🙂 Dito sa aking site, I tried to create a dating app. Read: The Best Single Dating App Ever!

Minsan may iba na nahanap na ang kanilang “the one” ng dalawa, tatlo o mahigit na beses pa nga. Ang galing! Kaso ang hapdi sa dibdib. Kung ganoon lang din pala kataas ang chances ng pagkikita ay paano naman ang search ng mga NBSB gaya ko? Ang totoo hindi ko rin sigurado. Basta sa tingin ko I am looking for that person as well, hindi nga lang overtly searching all over the place.

Matatagpuan mo rin siya sa tamang panahon. 🙂

Hindi ko sinasabi na lahat ay may ganoong tendency o vice versa. May kanya-kanya nga lang talaga tayong diskarte kumbaga. Mayroon nga rin sigurong magrereklamo na paano ba makasusulat ng tungkol sa pag-ibig ang isang NBSB kung wala pa naman itong nakikilala talagang “the one.” Well, hindi din naman ibig sabihin na ang NBSB ay hindi pa rin nagmahal o nakaramdam man ng kung ano mang gusto ng iba na sabihin. Puedeng butterflies in the stomach, floating in the air o maging really falling in love. Siguro may iba lang na pagtingin ang nangyari sa akin na gusto ko ring ibahagi.

1. Temporary love at first sight, stick with friendship

Sa edad ko ngayon, hindi ko masasabing hindi posible ang love at first sight pero natutunan ko na most likely ay di pa talaga love iyon. Initial attraction pa lang.

I have this term na crush-at-first-sight. Hindi rin ako naniniwala sa love at first sight eh.

Ito ang sudden burst of emotion na nagpapabilis ng tibok ng puso mo kasi may nakita o nakilala ka na sa tingin mo ay fit sa beauty standards mo o maging ng ideal partner mo. Ang gandang pakinggan kasi ito ang magical moment pero natutunan ko na ang pakiramdam na ito ay panandalian lang. Ayon, may crush ka, ganoon. Hindi sapat na doon lang ang attraction. Kung gusto talaga ng dalawang tao ang isa’t isa, mas mabuti na mas patatagin ang friendship between the two.

Sa pagsunod ko rito, nakakilala ako ng mabubuting kaibigan na kahit wala pa ang aking “the one” ay natututunan kong mag-appreciate at mag-maintain ng lasting relationships na magandang foundation for a future romantic relationship, di ba?

Super agree!

2. Love yourself first before you share the love

Maraming mahirap maintindihan kahit sa sarili ko pa nga lang. Lumaki ako na hindi ganoon ka-confident tapos mas nahirapan pa ako nung tumatanda na ako tapos nabibiro na bakit NBSB pa rin ako. Sa pagdaan ng taon, maraming mga tao sa paligid ko at maging sa close-knit friends mo ay may mga nauna nang nakahanap ng kanilang significant other. Hindi dapat maging dahilan ito para mas lalong bumaba ang confidence at maging self-esteem mo.

Peer pressure. Ang sa karamihan nga na tanong, Kailan ka ikakasal? I have an article related to that: Ikakasal na sila, ikaw kailan?

Habang wala pa ako sa stage ng pagkakaroon ng romantic relationship, mas napagtuunan ng pansin ang aking sarili. Dahan-dahan kong inilatag ang mga plano ko at sa ugali na gusto kong mas palaguin pa. I gradually learned to truly love myself. Nabawasan iyong takot sa mga posibleng pagkakamali (hindi naman ito kasi lubusang mawawala e). Naranasan kong mas intindihin ang mga tao sa paligid ko. Dito ko nalaman na mas magiging malapit ako sa iba kung hindi ko lalagyan ng mataas na bakod ang sarili ko.

3. Career vs Love: The never ending debate

Sa mga panahon ng paghihintay at sa mga pagkakataon ng pagkasawi sap ag-ibig o relasyon ay marami ang nagsasabi na mas mabuti pa na mag-focus na lang sa career kesa sa love. Maganda rin naman na gawain ito pero hindi ko lang gusto na nagiging second priority lang ito kapag may nangyaring di maganda sa isang relasyon. Sa tingin ko kasi na magagawa naman na mas pagbutihan pa ang career kasabay ng paglago ng isang relasyon.

I think you can learn from this Chat Interview I had before: What are your pieces of advice on how to balance lovelife and career?

Dito kasi ay mabibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na mag-explore at hasain pa ang mga abilidad na meron ka na rin dati pa. Maaari mo ring malaman na kaya mo pa pala ang ibang mga bagay na makatutulong sa iyong career growth at personal growth. Puede pa nga na ito ang maging daan para magtulungan kayo ng magiging significant other mo sa paghahanda sa buhay mag-asawa kung ganoon man. Sa ngayon, graduate studies and extra lessons for a better you muna.

4. Travel, See Different Cultures

Maraming magandang biyaya ang Diyos sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Minsan nga hindi mo na kailangang gumastos ng malaki at bumiyahe pa sa ibang bansa para lang malaman ito. Habang naghihintay ka sa panahon na may makakasama ka sa pagtuklas sa ganda ng mundo, bakit hindi mo subukang lumakad muna mag-isa o puede rin naman kasama ang mga kaibigan at pamilya mo. Dito kasi mas mabubuksan ang mga mata mo sa iba’t ibang bagay, magkakaroon ka pa ng mga kakaibang kuwentong maibabahagi sa darating na taong nanaising mas makilala ka nang lubusan.

Ilan lamang ito sa mga paraang inilalaan ko sa panahon ng paghihintay sa ngayon. May iba na magsasabi na time is running out dahil sa pagdaan ng taon ay tumatanda na rin ako. But, I think I have an entire lifetime to truly share with whoever God has destined for me. Sa ngayon, marami pa akong maaaring magawa na mas magpapabuti sa aking personality, understanding of the events in my society at sap ag-establish ng strong relationships with the people who truly matter in my life right now. NBSB man sa ngayon, marunong pa ring magmahal at magpahalaga.

Maraming salamat sa Joy sa pagpapaunlak sa aking BLOgUEST 101. Thanks for the two cents about NBSB. Cheers to singlehood! Para naman sa mga gusto pang magbasa about NBSB, you can check this articles: Mahirap bang maging NBSB? (link) and  Message to all NBSB (link).


About the author: Joy Marie Salgado is still looking for her voice. An introvert who grew out of it and gradually learned to be an ambivert who has tried her best in bringing delight to people she meets despite having a lot of quirks. Also, Matthew Gray Gubler and her cats keep her sane most of the time plus she likes having and giving out hugs. Visit her blog at yakapin.com and say hello to her!


Para sa gustong maging guest blogger sa aking site, read this: How to be part of BLOgUEST 101.

PS: Ang ganitong blockquoted na mga salita ay aking side comments lang. Hindi iyon kasama ng guest blog. 🙂

Link of Archives of BLOgUEST 101

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

3 comments on “BLOgUEST 101: An NBSB’s Search for “The One”

  1. esorenneiluj25
    April 25, 2017

    Damang dama. Hahaha 🙂

    Liked by 1 person

  2. Doctor Eamer
    April 25, 2017

    Reblogged this on P.S.A. and commented:

    Para sa mga NBSB oh. 🙂

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 25, 2017 by in Singlehood and tagged , , , .
%d bloggers like this: