Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Asan Ka Na?

Kanina pa kita hinhintay. Kanina pa ako andito. Akala ko ba ang usapan natin ay ganitong oras? Bakit hindi ka dumating? Nagtatampo na ako sa iyo.

Sa mga panahong kailangan kita, doon ka naman wala. Paggising ko sa umaga, doon ko na lang malalaman na dumating ka pala ay madaling araw na ata. Mahal mo ba talaga ako?

Saan ka ba galing? Ano ba ang pinagkakaabalahan mo talaga? Isa lang naman ang hiling ko diba? Samahan mo akong matulog. Takot ako na hindi ka kasama. Mababaliw ako kung wala ka.

Pasensya ka na dahil noong kolehiyo tayo ay pinagtatabuyan kita. Gusto naman kita talaga pero hindi kita kailangan ng mga panahong iyon. Kailangan kong tapusin ang mga projects, assignments at thesis ko. Kailangan kong ipaglaban na hindi muna tayo magkita at magkasama.

Pero aaminin ko, sa bawat gabing dumaraan, ikaw lang naman ang laman ng aking puso at isipan. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino pa man. Walang makakatumbas sa iyo. Nag-iisa ka lamang.

Ginawa ko ang tulang ito dahil nangungulila na naman ako ngayong mga oras na ito. Hinihintay na naman kita. Ganoon ba talaga ang buhay? Kapag napagod ka na kakahintay at unti-unting ipipikit na ang mga mata, ay bigla kang darating.

Balang araw, magkakasama tayo ng panghabang buhay. Subalit hindi pa ako handa na dumating ang araw na iyon. Marami pa akong pangarap. Masaya na ako na ganito tayo. Masaya na ako na tuwing gabi ay nakakasama kita.

Ilang talata na ang naisulat ko. Salamat at dumating ka din. Hawakan mo ang mga kamay ko. Sabay tayong mangangarap. Pero bukas kailangan nating tanggapin na kailangan muna nating maghiwalay ng landas. May mga dapat akong gawin at asikasuhin. Samantalang ikaw ay pupunta sa kung saan man. Na hanggang ngayon ay hindi mo pa din sinasabi sa akin. Pero ok lang dahil alam ko namang babalikan mo ako.

PS: Salamat, Ann (Hindi niya totoong pangalan).

Time check: 2:15 AM

#GoFigure

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on September 18, 2016 by in Personal 101.
%d bloggers like this: