Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Lover’s Block

Ganito kasi iyon. Akala ko kung anong nangyari sa akin dahil hirap talaga akong gumawa ng blog for the past few months. As in. Hindi lang halata. Haha! Darating ka pala sa season na ang dati mong gustong-gustong gawin, suddenly it will fade. Ganoon din ba sa pag-ibig? Haha! Anyway, akala ko maarte lang ang mga writers at bloggers na nakilala ko online dahil nababanggit nila itong term na “writer’s block”. Pero totoo pala na mayroong ganoon. Hindi mo alam kung ano ang isusulat mo. Hindi mo alam kung saan magsisimula. Hindi mo alam kung paano bumalik sa pagsusulat. Hindi mo alam kasi wala kang alam! LOL! Srsly, this is reality. Kaya pala may mga blogger friends ako na almost a year na ay hindi na nila nasundan ang mga blogs nila. Sad. Pero kung mahal mo, ipaglalaban mo diba? Kung gusto mo, kakayanin mo ang sakit diba?Ā Saan galing ‘yun? Haha!

writer's block

Dahil ang blogsite na ito ay patungkol sa pag-ibig, huwag kang magtaka kung bakit ganyan ang title ng article ko. May mga ilang articles na nabasa ako about relationship. Actually about married life. Sabi doon, “it’s easy to fall in love but it’s hard to stay in love.” Totoo ba iyon guys? Sumagot kayo! Hindi ko alam ito. LOL! Well, ayoko namang magtanong sa mga couples about this. Hindi sa ayokong manghimasok sa buhay nila pero wala lang sa lugar na magtanong ng basta ganoon na lang. Maybe kapag may mga ipapa-consult na ako sa kanila, I can ask such questions. But for now, mostly mga singles ang natatanong ko. Nagugulat na nga lang ako kasi ang daming alam ng mga singles sa usapang pag-ibig. Hindi lang halata pero try asking them. Haha!

What’s the point of writing this? Wala naman. Just to exercise my fingers on typing these words directly at my laptop. LOL!

Sabi sa nabasa ko sa WikiHow, you should give each other space. It is important to spend time away from your partner in order to have time for your own interests and goals. Spending too much time together can cause problems in a relationship. If you spend every waking moment with your partner, then you may not appreciate the time that you have together as much. Make sure to plan activities apart and retain your independence as you continue your relationship.

Dahil single tayo, hindi applicable iyan sa atin. Haha! Pero pwede nating gamitin ang principle na ito para sa ibang mga bagay. Halimbawa, itong sa blogging. Minsan you must give blogging a space. Huwag mo itong palaging bigyan ng oras. Try to do some other things na gusto mo ding gawin. Huwag mong itali ang sarili mo sa isang bagay. Have fun! Try to talk and spend time with your family and friends. Pwede din naman na just make a schedule sa blogging mo. Like once a week you will dedicate some hours to write.

Going back to Lover’s Block, kung ang problema mo naman ay nahihirapan kang magmahal ng mga tao (friends, family, others), siguro you need you to take some internalization. Try to meditate this verse (1 John 4:10):

This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning sacrifice for our sins.

Baka naman nahihirapan kang magmamahal dahil minsan ka nang nasaktan at ayaw mo nang maulit ito. To love is a choice. Pero ayun nga, we cannot give love if we haven’t experienced it. And I pray that you will experience the greatest love of all – Father’s love. Magsimba ka din friend! Baka you need to hear a preacher’s message. šŸ˜‰

Bye for now!

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on September 12, 2016 by in Blogging.
%d bloggers like this: