Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Tips on How to Have a Godly Partner

godly partner

“Konti na lang, wala na sa kalendaryo ang edad ko. Wala pa rin akong nobyo. Nauubusan na ba ng mga matinong lalaki sa mundo?”

Narinig ko ang mga katagang iyan mula sa isang kaibigan. Sa susunod na buwan kasi ay sasapit na ang kanyang ika-tatlumpung kaarawan. Tama ang nabasa mo, wala pa syang kasintahan hanggang ngayon. Simula nang nakilala ko Siya, nagbago na ang sarili kong pananaw pagdating sa pag-ibig at relasyon.

Marahil hindi pa napapanahon para sa akin ang pag-iisip na pumasok sa isang romantic relationship ngunit napakarami ko nang nabasa mula sa mga blogs, magazines, books at kung anu-ano pa na mga tips sa paghahanap ng tamang kapareha, ng iyong tadhana ika nga. Ngunit para sa akin, hindi naman iyan palagi ang susi dahil mas maganda pa rin na base sa Word ang mga tips na susundin natin. We’ll, I’d like to offer you some tips of my own on how to find a godly partner. Oo, godly. Bakit papaya ka ban a sanggano ang makatuluyan mo o kaya walang trabaho o pangarap sa buhay? Maaari din naman, choice mo iyan.

TIP #1: Give God the Pen and Let Him Keep It

Naalala ko lang ang kanta ni Moriah Peters na Haven’t Even Kissed. May lyrics kasi doon na “I locked up my heart, gave God the key. And I have to trust Him for a while. .” Hayaan natin na si Lord ang sumulat ng ating great love story. At huwag kang mag-alinlangan sa mga gagawin at isusulat Niya, huwag ka ring mainip kung pakiramdam mo e sobrang tagal na. Alam mo ba ang kwento ni Abraham? Ipinangako sa kanya ni Lord na bibigyan sya ng anak sa kabila ng kanyang edad (Gen 17). Ikaw pa kaya ang hindi Niya gawan ng napakagandang kwento?

TIP #2: Pursue God

Ito ang katotohanan na marami sa atin ay hindi pinaniniwalaan: kung dumating na ang oras na tayo ay dapat nang ikasal, Siya ang gagawa ng ating kwentong pag-ibig. Nabasa ko ito sa isang blog article (hindi ko na nga lang maalala kung saan). I believe that all things are made beautiful in its time (Ecc 3:11), kaya habang hinihintay natin ang ating Prince Charming o si Mr. Right, better prepare yourself intimately with Him. Kaya huwag mong paikutin ang buhay mo sa paghahanap ng babae o lalake na sa tingin mo ay karapat-dapat sayo. At kung hindi ka sigurado sa Kanyang mga plano para sa iyong buhay pag-ibig, basahin mo na lamang ang verses na ito: Psalm 23:1, Psalm 107:9, and Psalm 37:4.

TIP #3: Spend Your Time Serving

Kung single ka, God has a much higher calling upon your life than spending your time trying to snag Mr. Right. Sabi nga sa 1 Cor 7:34, kung hindi ka pa kasal, mas madaling malingkod sa Panginoon ng walang distractions. Isipin mo na lang na kung single ka, mas malaya kang gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay makakatulong sa nakararami. I’ve heard a lot of testimonies about single Christian women who devoted their lives around Jesus. Sila ang mga taong dahil sa kanilang paglilingkod sa Kanya ay nakita ang mas magandang kwento ng buhay nila.

***

Ito ay isinulat ni Clauie (The Pen’s Heart). Her blog is about the things she write, read, listen to, aspirations, inspirations, adventures, and a whole lot of stuff.

Kung ako naman ang tatanungin mo… Tip? Sorry, sa waiter lang ako nagbibigay ng tip.LOL! Antok na kasi ako. Good night na muna!

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

7 comments on “Tips on How to Have a Godly Partner

  1. kathmartinez
    November 6, 2015

    Thank you sa reminder sir! 🙂 so timely 🙂

    Liked by 1 person

  2. esorenneiluj25
    October 19, 2015

    Magandang theme song ng entry na ito ay While I’m Waiting ni John Waller from the movie Fireproof. Parang tugma lang. 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 19, 2015

      tama! ganda ng song na iyon! 🙂 May ganun bang option sa wordpress? autoplay ng music?haha

      Like

      • esorenneiluj25
        October 19, 2015

        Di ko sure. Asa lang kasi ako sa pag-embed ng Youtube videos eh. Hahahaha. 🙂

        Like

  3. weerdiffident
    October 18, 2015

    Praise God Clauie! 🙂 :* While I’m waiting, I will serve Him. (Isa sa stand ko sa buhay) God bless! 🙂

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 17, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: