Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Payo para sa mga Single Noon, Ngayon at Magpakailanman

payo sa mga single

Ang bongga lang ng title ko diba? Siyempre kailangan nating maiparating ang mensaheng ito sa lahat ng mga single from all walks of life and from different time and seasons. Ano daw?!

Let’s get the payo started!

Single Noon

Sila ang mga taong minsan ay umiyak na din sa pagdarasal tuwing 1:43 AM ng madaling araw. Ano nga ba ang ipinagdarasal nila? Siyempre ang magkaroon ng kasama sa buhay – magkaroon ng lovelife. Gustong gusto nila ang verse na Ecclesiastes 4:9 – “Two are better than one.” Kung may kaibigan kang nagigising ng mga ganitong oras, baka taimtim siyang nanalangin.

Congratulations sa lahat ng mga single noon pero hindi na ngayon. Kayo ang inspirasyon para sa aming mga single ngayon. Patuloy lang po ninyong Β tuparin ang mga pangarap ninyo sa buhay.

Ang payo ko lang ay maging committed kayo sa kung anumang buhay ang pinasok ninyo. Maging responsable sa lahat ng bagay. Huwag mangangaliwa! Magpatuloy lamang sa tuwid na daan.

Be thankful for every challenges because it will teach you to grow and increase your faith in God.

Single Ngayon

Sila (kami) ang bumubuo sa malaking populasyon sa Pilipinas ngayon. Sa madaling salita, ang daming mga single! Naglipana sa buong 7,107 na pulo sa Pilipinas. Kailan ba ang Nationwide Single Conference? Balita ko kulang daw ang space ng Philippine Arena. πŸ™‚

Para sa mga taong gustong sumali sa aming asosasyon, feel free to like and share our Facebook pageΒ (www.facebook.com/pages/Philippine-Single-Association).Β Makisagot din sa araw-araw na katanungan na inilalagay namin doon. Single Question of the Day.

philippine single association

Nagpapasalamat din ako sa bumubuo bilang opisyales ng samahan naming ito:

President:Β Rhea Angeline (Exhibit A)

Vice President: Clauie Belle (Pen’s Heart)

Secretary: MarielliΒ (Idiosyncratic)

Treasurer: Kayla (That Fat Lady)

Internal Affairs Head: Mel (Musings of Signorina) – Tumiwalag na

Internal Affairs Head: ShieΒ (Weerdiffident) – Tumiwalag na

Internal Affairs Head:Β Nicole (Cold Chicken Soup)

External Affairs Head: Crisel (Ako si Babae)

Special Project Relation Officer: Ladymel (Cassiopeia)

Private-Public Partnership Officer: Gen (AteKaking)

Tourism Officer: Laarni (Project G)

Official Tagapagmasid of PSA: Athina (Tala Bells)

Encouragement Officer: Martz (AIDE-MÉMOIRE)

Official Confidant of PSA: Jhai (JRLZN)

The Future Pediatrician of PSA: Precious Jem (Bon Voyage, Doc!)

International Communication Officer: Kim (My Sacred Words)

Ambassador of Fun: Fatima (Leya’s Chamber)

Legal Officer: Angelica (Punjetry)

Marketing Executive: Jen (The Beautitudes)

Ang inyong lingkod po ang nag-iisang BOD. I’m the Single Board of Director ng PSA.

Sila ang mga taong sumali sa asosyong gusto nilang tiwalagan. Kung nais mong maging aktibo sa grupo, join us at our Chat Room (Click the link and don’t hesitate to comment).

So ano nga ba ang maipapayo ko sa mga single ngayon? Tatlong puntos lang. Tatlong M.

1. Maghintay
Huwag namang atat. Hindi mo kailangang ipagkalandakan ang flawful (flawless) mong legs para lang makabingwit ng lalaki. Kung ikaw naman ay lalaki, magpakalalaki ka! Be a man/woman worth waiting for. Ikaw din, baka after sometime, sasabihin ng kasintahan mo na you are a man/woman worth leaving for. Huwag naman sana. Kaya magpakatino.

2. Maging kontento
Ipinanganak ka ngang walang kung anong dala sa mundo so maging kontento ka kahit single ka.

Being single doesn’t make you a lesser person. Basahin mo ang mga blogs ko about Single Empowerment (Click the link if you want to be empowered).

3. Magpasalamat
Madami ngang iba after makapag-asawa or manganak, they wish they were single. So totoo talaga ang pangaral ni Tito Paul na β€œBut those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.”

Magpasalamat ka dahil hindi ikaw ang isa sa mga batang walang makain, walang masilungan, at walang mga magulang.

Magpasalamat ka dahil hindi ka kabilang sa mga pamilyang naapektuhan ni Yolanda sa Tacloban.

Magpasalamat ka dahil hindi ikaw ang isa sa mga paseherong sakay ng mga eroplanong bumagsak sa himpapawid noong mga nakaraang buwan.

Magpasalamat ka dahil hindi ka kasama sa mga taong nakaratay sa ospital dahil sa malubhang karamdaman.

There are so many things worth thanking for. Kaya nga nagpapasalamat ako kay God dahil nakilala kita.Β Asus!

Single Magpakailanman

Sila ay sila. Huwag natin silang husgahan. Maaaring pinili o talagang itinadhana sila na maging single magpakailanman.

May mga kilala akong nasa ganitong kategorya pero definitely happy naman sila. Single lang, walang personalan.

Ang tanging maipapayo ko sa kanila ay… MABUHAY!

That is a gift from God. Check ninyo sa Google ang ‘gift of celibacy‘. Isa iyan sa mga gift na bihirang matanggap kaya mapalad ka kung natanggap mo iyan. Kung hindi pa, ask mo si God na ibigay sa iyo this December as a Christmas gift. πŸ™‚

Srsly speaking, there is more to life than being in a relationship.

Iyon na lang muna ang mga sasabihin ko guys, makikipagkuwentuhan pa ako sa mga friends ko dito sa Isabela. Salamat sa pagsubaybay sa aking #SundaySeries. Ito pala ang finale ng #SingleEmpowerment. Abangan ang susunod na series ngayong Setyembre. πŸ™‚

Photo Credit (here)

Advertisements

37 comments on “Payo para sa mga Single Noon, Ngayon at Magpakailanman

  1. Dok, hindi na ako maka-relate. hehe Pero magandang basahin, nakaka-miss maging single! Huwag na kayo mag-asawa. Pramis. πŸ˜€

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      February 3, 2016

      LOL!!!!! Sasabihin ko yan sa mga members ng PSA. Haha! Well, for now, I’m happy being single. hehe Kamusta ate! namiss kitang kausap sa blogosphere. Hehe Malapit nang lumabas ang book ko na may ISBN na πŸ™‚ This Feb 14 ang launching ko ulit. If may friends ka na bibili, let me know. hehe

      Like

      • Weee! Praise God for that and congrats sa’yo sa ISBN. You are now officially an author. naks. πŸ˜‰

        Oo bro, isa sa disadvantages ng pag-aasawa ang nawawala sa blogosphere. LOL Lam na, #WifeDuties. Ay meron bro, si Nadja ang pinsan ko and ‘yung isa kong sis na ka-bible study group ko. πŸ™‚

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 3, 2016

        Alright! I’ll contact you na lang sa FB ate! Hehe Enjoy the #WifeDuties Haha! God bless sa masteral mo din. πŸ™‚

        Like

  2. Pingback: 31 Facts About Rhea Angeline | Exhibit A

  3. Queenie Resmundo
    September 14, 2015

    Hayup na title yan hahahaha.

    Liked by 1 person

  4. sapritil
    September 8, 2015

    Sa tingin ko lang, dapat ito ‘yung binabasa ng mga highschool at college students. Hindi ko lang maisip, bakit mas gusto nilang ipasa ‘yung gf/bf nila imbis ipasa ‘yung prelim grades nila. Mukhang madalas yata mangati ‘yung mga estudyante ngayon.

    Ang hirap kasi sir kapag ang katabi natin ay wattpad. Punit!

    Sir Eamer. Naniniwala ako. Mamatay tayong masaya. Single man o hindi. Hahaha.

    Liked by 1 person

  5. thatfatlady2992
    September 1, 2015

    restaurants para sa mga singles. punta tayong korea! πŸ™‚

    Liked by 1 person

  6. signorinamelrice
    August 31, 2015

    “There is more to life than being in a relationship.”

    — this just blew me away doc. Haha. And, as usual, ang galing na naman ng iyong pagkakasulat. *Slow clap with matching awed face*

    Liked by 1 person

  7. geninealyssa
    August 30, 2015

    Hahaha.. Ay baka po pwede magapply ng muse? hahaha.. joke!!! πŸ˜€

    Liked by 1 person

  8. I Am Me
    August 30, 2015

    Nice one doc… Muse at escort na lang kulang… Sino kaya ang mapipili? Abangan….

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: