Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Sasagutin mo na ba ako sa September 20, 2015?

proposal in the forest

Ilang buwan na din pala kitang nililigawan. Ngayong araw na ito ang ika-isang daan at dalawampu’t tatlong araw ng aking panliligaw sa iyo. Samakatuwid, sa September 20 ang 143rd day.

Hindi ko alam kung sapat na ba ang aking mga ginawa para maipaalam sa iyo na mahal kita. Roses. Chocolates. Movies. Hatid. Sundo. Holidates. Meet with your parents. Travel with your friends. Lambing. Suyo. Texts. Calls. Chats. Emails. Love letters. Etcetera.

Alam ko naman na mahal mo na din ako. Pero tayo na nga ba?

Ooooooops! Sample introduction lang iyan! Hindi sa panliligaw ang blog ko ngayon. Sabi nga nila experience is the best teacher so I’ll let you know once nandoon na ako sa stage na iyon. 😉

Pero para sa mga lalaking nanliligaw, ito ang gusto kong sabihin: Hindi mo malalaman kung hindi ka magtatanong. Mahirap na mag-assume na kayo na pala tapos hindi pala. So better ask. Mahirap ang malabo. Clarity is power.

Parang sa buhay lang din ng tao. Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano talagang gusto mong mangyari sa buhay mo? Para saan ba at nabuhay ka? May nagsabi sa akin na nabuhay siya para makapag-aral. Makatapos ng kolehiyo. Magkaroon ng magandang trabaho. Mag-asawa. Magkaanak. Magkaapo. Mamatay. This is very cyclical. Is this the default purpose of our being? Try some quiet time with yourself and ask tough questions.

For sure we are all created by God for a greater purpose. May magagawa ka pa! Something better. Something bigger. Something that will help others. Something that is worth doing. According to Jeremiah 29:11, “For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Something better? Something bigger? Parang katulad din ng mga volunteers ng Let’s Do It Philippines (LDI). They are making a history. They are doing something that will contribute to a positive change in the environment and society.

Let’s Do It Philippines is a movement among creative and passionate individuals, a collaboration among different organizations coming as one with the ultimate goal to save the planet by cleaning up the Philippines starting with one’s own community.

Ang team ng LDI ay nagplano na magkaroon ng malawakang CleanUp Day sa darating na September 20, 2015. Ang target ay makiisa ang humigit kumulang sa 5% ng buong populasyon ng Pilipinas. Samakatuwid, limang milyong volunteers. May mga trainings na ginagawa ang grupo sa ibang ibang panig ng bansa.

May mga volunteers mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Kung nais mong makiisa at magtanong, kontakin mo lang ang LDI campaign manager na si Dann Diez (Click this for his Facebook account). Click here for Rappler’s article about LDI.

Kung gusto mong maging volunteer, kindly sign up here (Click for the google doc form). Puwede ka ding mag-sign up sa aking The Best Single Dating App Ever! 😉

Kung taga CALABARZON area ka naman, maaari kang dumalo sa gaganaping Eco-Leaders’ Summit sa September 5 (Sabado) sa Local Government Academy – UPLB. Ngayong sabado na iyan! Kung may tanong ka, contact Mr. Vryxon here or magcomment ka lang dito sa post ko.

Calabarzon Summit

Akala mo kung ano na ang post ko.hehe Pero pinili ko ang picture ng isang lalaking nagpopropose sa isang kagubatan kasi environmentalist ako.LOL! Sana ay maabutan pa ng next generation ang luntiang kapaligiran. May magagawa ka. May magagawa tayo! Join us on September 20.

let's do it

PS: Belated Happy Happy Birthday Sir Dann! Keep inspiring people with your passion in volunteerism. I pray for greater blessings upon your life and family. God bless!

ADVOCATE. Dann Diez pushes for a cleaner Philippines

Photo Credit (here)

Advertisements

9 comments on “Sasagutin mo na ba ako sa September 20, 2015?

  1. Pingback: Earth and Nature | Exhibit A

  2. signorinamelrice
    September 4, 2015

    Galing ng intro doc. Hahhaha. Pero ang layo ng ending noh? 😀

    Sige. Lez do diz. 😀

    Liked by 1 person

  3. Fernan
    September 3, 2015

    Let’s do it!

    Liked by 1 person

  4. Desperate Blogger
    September 3, 2015

    Wow! Nice post Doc.

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on September 1, 2015 by in Uncategorized and tagged , , , .
%d bloggers like this: