Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

They want ‘sex’. I want ‘better than sex’.

sex symbol

Ito ang unang pagkakataon na maglalagay ako ng ganitong topic sa aking blog.

Disclaimer: Hindi po ako sex guru. Blogger-advertiser po ako.

Sabi nila ang mga lalaki ay mahilig sa sex. Kaya kahit makita lang nila ang salitang ‘sex’ sa isang article sa newsfeed, pipindutin nila ito. Siguro kaya nababasa mo itong blog ko ngayon. Aminin! ๐Ÿ™‚

Napakahirap gawan ng blog ang topic na ito dahil ang lawak ng sakop nito. Pero tingnan natin kung ano ba ang masasabi ni Doctor Eamer patungkol sa sex.

Ano nga ba ang sex?

Bumilang ang isang bisaya kong kaibigan: wan, tu, tre, por, payb, seks (sex)… (Pasintabi po sa mga kaibigan kong Bisaya). Hindi sa dami ng bilang ng iyong sex experience nasusukat ang kapasidad mo para pumasok sa isang seryosong relasyon. Kung paramihan lang ang labanan, baka ngayon ay may AIDS kana!LOL!

Srsly, ako ay isa sa mga taong naniniwala pa din sa sex in the context of marriage. Madaming aspeto kung bakit pinaniniwalaan ko iyon. Hindi sapat ang isang blog para doon. Kaya naman huwag kang magugulat kung isa sa mga susunod kong #SundaySeries ay patungkol sa sex. Noong buwan ng Hulyo, ang aking series ay That Thing Called. Ngayong Agosto naman ay Single Empowerment. Pero tingnan natin sa Setyembre kung ang gagawin ko ay Sex Series. Madami pa kasi akong topics na nakalinya para sa mga series. Anyway, let’s go back to sex.ย I mean to the topic of sex. ๐Ÿ™‚

Ano ang masasabi mo sa kuwento ni Mareng Gigi?

Gigi: I sat in the office of a doctor and as usual, the nurse drilled me with questions. “Do you use drugs?”ย No.ย “Sex?”ย Never.ย  Stunned, the nurse replied, “What?! You’ve never had sex? How old are you?” Feeling slightly annoyed, I answered, Twenty-three. She looked at me like I had eight heads. “Don’t you ever want to have sex?” she asked, to which I replied,ย Well of course! But with my future husband. (Excerpt from the book, Nobody Told Me)

Hindi ko pa nararanasan ang tanungin ng ganyan sa ospital dahil hindi naman ako madalas sa ospital kahit doctor ako.ย Chos!ย Mabuhay ka Gigi! Mabuhay ang mga lahi ninyo! Kung may papakasalan man akong babae, sana kalahi mo. ๐Ÿ™‚

Wala akong maibibigay na statistics ngayon dahil tinatamad akong magtanong kay Prof. Google. FYI: Wala kasi akong internet connection sa apartment namin kaya hindi na ako nakapaghanap ng sex statistics.

Pero dahil si Doctor Eamer ay eksperto sa estimatistics, ito ang ilan sa kanyang naisip:

4 out of 10 Filipinos have experienced sex at the age of 20 (Malay ninyo maaga lang talaga silang nag-asawa! Huwag agad judgemental!)

1 out of 10 Filipinos goes to Thailand (Alamin kung bakit!)

3 out of 10 Filipinos are virgin when they marry (Congrats! You made it! I’m proud of you all!)

2 out of 10 Filipinos are single (Ikaw ba ang isa dito? So tayong dalawa ang tinutukoy dito.LOL!)

Ano ba ang kahalagahan ng mga estimatistics na ito? Wala naman. Pero itong sinasabi ni Dr. Robert Blood, siguradong may kahalagahan:

Sexual intimacy produces more broken relationships than strengthened ones. In a major study, more engagement were broken by couples who had premarital sex than with couples who abstained. The more frequent the intercourse, the larger the proportion of rings returned.

Nakakalungkot naman kung ganoon. Natikman mo nga ang sex, nawalan ka naman ng forever.LOL! Naniniwala ako na ang God’s word patungkol sa sex ay hindi para tanggalin ang “fun” sa buhay ng tao. Ito ay para protektahan tayo.

1 Corinthians 6:18-20 –ย Flee from sexual immorality. All other sins a person commits are outside the body, but whoever sins sexually, sins against their own body. Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; you were bought at a price. Therefore honor God with your bodies.

Hebrews 13:4 –ย Marriage should be honored by all, and the marriage bed kept pure, for God will judge the adulterer and all the sexually immoral.

Maybe they want sex. Ako gusto ko siyempre. Pero sa future wife ko lang. ๐Ÿ™‚ Tama Gigi? Kaisa mo ako sa iyong adbokasiya! Marry Now. Sex Later. (Adapted from the advocacy ‘Study Now. Pay Later.’)

Sa ngayon, mas gusto ko ang ‘better than sex’. Ano ba ito? Ito ay produkto ng Ahl’s Cake. Kapag napasyal ka sa Los Baรฑos, Laguna, puntahan mo ito. Bili ka ng BTS (Better Than Sex) cake. Kahanay ito ng Los Baรฑos Doctors Hospital. Medyo katapat din ng Centtro Mall. Ito ang cake para sa mga single and not yet married couples.LOL!

Ikaw babae, kapag sinabihan ka ng boyfriend mo na “I want sex,” sampalin mo agad! Sabay sabihin mo na “Sorry. But I want better than sex.” Pero huwag namang sobrang lakas. Medyo tama lang, kung saan mapapaisip siya na you are not the girl he is looking for. Kasi ang hanap niya atang babae ay hindi tulad ni Gigi. Sorry siya! Magkalahi kayo ni Gigi.

Pero malay mo kinabukasan ay humingi ng sorry ang boyfriend mo. Tapos may dalang peace offering. Tapos tatanungin mo siya, “Ano iyan?”. Sasabihan niya na may ngiti, “better than sex, Babe.” Kasi bumili siya ng BTS cake sa Los Baรฑos.

This post is sponsored by Ahl’s Cake. Visit and like their Facebook Page.

ahl's cake

Click the picture for a free cake.LOL!

Ito ilang impormasyong makikita ninyo sa internet kapag hinanap ninyo ang terms na Ahl’s Cake:

ahl's cake

Dahil galing ako sa Ahl’s Cake, ito ang ilan sa mga litratong kinunan ko:

ahl's cake

If you want to advertise with me, drop an email at iamdoctoreamer@gmail.com. Pag-usapan natin kung paano ang bayad. Pwede namang free products or gift certificates. ๐Ÿ™‚

PS: Happy happy birthday to one of the great man I know! Happy birthday Carl Johnjay Ayen! I’m proud mentor of yours. Keep that compassionate spirit. Huwag muna manligaw! Just keep the friendship muna. Choose to have a great and happy ‘life’. ๐Ÿ˜‰

carl ayen

Photo Credit (1, 2, 3, 4)

Advertisements

22 comments on “They want ‘sex’. I want ‘better than sex’.

  1. YOSSEF JOHN
    June 8, 2017

    Ang ganda talaga ng blog mo Doc

    Liked by 1 person

  2. Mace Loterte
    June 1, 2017

    napadaan lang po…walang magawa dito sa kuwait…Ramadan Days…TAMA ka dok…hindi batayan ng isang matibay na relasyon ang “SEX” … kung mahal ka nya makakapag-antay sya…kung hindi—hindi sya para sayo…

    Like

    • Doctor Eamer
      June 1, 2017

      Hello Mace! Samalat sa pagtambay sa blog ko! Kamusta ang buhay dyan sa Kuwait? ๐Ÿ™‚

      Like

  3. Jai
    January 20, 2016

    Parang gusto ko kumain ng Better Than Sex cake na yan now na. Nagdedeliver ba sila outside PH? Hihi ๐Ÿ˜€

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 21, 2016

      Hahaha! Bake your own cake na lang! Dito lang sa LB available eh. ๐Ÿ™‚ Pangalanan mo na “Better to Be Single” Cake. LOL!

      Liked by 1 person

  4. Cassiopeia
    August 30, 2015

    Yung BTS cake ay bagay sa ‘He Is Not Worth It’ ice cream ng Carmen’s Best.

    Liked by 1 person

  5. Cassiopeia
    August 30, 2015

    Bakit ngayon ko lang nakita at nabasa to?? ๐Ÿ˜€

    Sasali ako sa Kulto ni Gigi. Lol

    May BTS cake kaya dito sa Manila?

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 30, 2015

      Sa LB lang yun. Bakit ngayon lang? Baka not meant to be kayo last time.LOL! Baka ngayon lang talaga ang tamang panahon. ๐Ÿ™‚

      Like

  6. njgparas
    August 13, 2015

    Mukhang masarap nga iyang BTS!

    Liked by 1 person

  7. sewmybrokenheart
    August 12, 2015

    Walang kupas doc. Nice post. Mabuhay ang mga katulad ni Gigi. ๐Ÿ‘

    Liked by 2 people

  8. Elora Amour
    August 12, 2015

    ‘Pag may kasamang opposite sex at hindi mo naman sya spouse, tandaan: โ€œLet there be light,โ€.. Ge. 1:3 ‘Wag pumunta sa madidilim na lugar! AHAHA!!

    Liked by 2 people

  9. mulasawala
    August 11, 2015

    Mismo! sex is not the only way to express love… Kung pagpipilitan ni partner na makipagsex para lang masatisfy ang craving nya, mag-isip-isip ka muna. Sex, if motivated by craving or desire can produce suffering/problems. Maaaring sa health o sa relasyon nyo. Wag ka na lang makipagsex kung gusto lang magpakasaya. May iba namang paraan. Manood na lang ng comedy. โœŒ

    Liked by 1 person

  10. ilauvehim
    August 11, 2015

    Namiss ko tuloy ung Ahl’s cakes. Hahaha

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: