Noong unang panahon, may apat na magkakapatid na babae. Sila ay sina Single, Complicated, Taken at Broken. Ang panganay sa kanila ay si Single.
Ulila na ang magkakapatid. Bata pa lamang sila ay wala na silang mga magulang. Namatay ang tatay at nanay nila sa Labanan sa Pasong Tirad.
Bilang panganay, si Single ang tumayong magulang ng kanyang mga kapatid. Trabaho dito, trabaho doon. Walang sawang pagtatrabaho para lang matustusan ang pang-araw-araw na pagkain at iba pang pangangailangan ng magkakapatid.
Malayo ang agwat ni Single sa edad ng sumunod sa kanya na si Complicated. Nagtatrabaho na din si Complicated, pero nag-aaral din. Kumplikado masyado ang pag-aaral niya. Pangatlong kurso na ang kinukuha niya ngayon dahil hindi niya nagugustuhan ang dalawang nauna niyang napiling kurso. Kapag ayaw na niya, lilipat na. Katulad ng ginagawa niya sa kanyang mga naging kasintahan.
Ang sumunod naman ay si Taken. Mataba siyang dalaga. Lumaki siya sa kusina. Parating walang laman ang refrigerator nila dahil kay Taken. Ubos lagi. Paborito niya ang lechon at chocolate cake. Kapag naghahanap ng makakain ang bunso nilang kapatid na si Broken, lagi na lang ‘The food is taken.’
Dahil bunso nga si Broken, siya ang pinakamaluho sa magkakapatid. Laging ibinibigay ni Single ang luho ni Broken maliban sa boyfriend. Dahil naniniwala si Single na ‘You cannot give what you do not have.’
Naging pabaya si Broken sa kanyang buhay. Isang gabi, lasing siyang umuwi. Nakipag-inuman siya sa mga kabarkada niya. Dahil paborito niya ang damit at pantalong itim, hindi siya napansin ng isang rumaragasang sasakyan na may takbong 143 kph. Nabundol siya sa gitna ng kalsada. Buti na lang may nakakita at dinala agad siya sa hospital. Broken legs siya ngayon. Gaya ng puso niya – broken. Dahil ipinagpalit siya ng boyfriend niya sa isang lalaki. Oo, lalaki. Kaya pala nagpakalasing si Broken.
Nalaman iyon ni Single. Sobrang nalilito na si Single sa kanyang buhay. Hanggang kailan ba siya mag-iiisip ng problema ng kanyang mga kapatid? Naglakad-lakad si Single sa isang parke. Madami siyang nakitang mga magkasintahan na magkahawak kamay. Biglang, inatake sa puso si Single.
Dead on arrival sa hospital…
Naglamay…
Inilibing…
Dahil malaki ang nagastos kay Broken, naubos lahat ng perang inipon ni Single. Hindi maayos na naipalibing ng magkakapatid ang kanilang ate. Inilibing lang ito sa bakuran.
Pagkalipas ng pitong taon, may halamang tumubo sa mismong lugar kung saan nakalibing si Single. Tumubo ang isang puno ng saging.
Makalipas ang ilang buwan, bumunga ito. Nakita ng magkakapatid na sa dulo ng bunga ng saging ay may puso, naalala nila ang kanilang ate. Ang sakripisyo at pagmamahal ng kanilang ate.
Simula noon, pinangalanan nila ang puno ng saging na… “Single”.
Dahil ang mga single, may puso din.
***
Ang alamat na ito ay iniaalay ko sa lahat ng mga single na nagsakripisyo para sa kanilang pamilya. “Pamilya bago pag-ibig” ang pinanghawakan nilang prinsipyo sa buhay.
Maaaring nagtrabaho sila nang husto para makapagpadala ng pera sa pamilya. Maaaring hindi nila maiwan ang maysakit nilang magulang. Maaaring nagpaubaya sila na ang pansariling kasiyahan ay ipagpaliban. Saludo po ako sa inyo! Kayo ang tunay na bayani ng ating bayan! Mabuhay ang mga single! Mabuhay!
Lagi ninyong tandaan ang sinabi ni Tito Paul, “But those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.” Samakatuwid, spared na kayo sa madaming problema sa buhay. #SinglePaMore
***
Noong nakaraang buwan, nagsimula ako ng #SundaySeries sa aking blog – That Thing Called. Ngayong buwan ng Agosto, ang napili kong title ng series na ito ay Single Empowerment. Sa bawat Linggo ngayon Agosto, patungkol sa mga Single ang aking blogs. Gusto ko silang suportahan. Kaya samahan niyo ulit ako sa susunod na Linggo.
Kung SINGLE ka at may mga katanungan ka sa pagiging single, huwag kang mahihiyang magtanong sa akin. Sino pa ba ang magdadamayan, kundi tayo-tayo din.LOL! #SingleProblems
Hahaha kulet … Hindi ako panganay pero #TeamSingle … salute sa mga nagtratrabaho para sa pamilya!
Jace | http://www.laagpamore.net
LikeLiked by 1 person
Mabuhay ang mga #Single! 🙂 Join us at https://philippinesingleassociation.wordpress.com/about/ 🙂
LikeLiked by 1 person
Wow… so may association talaga.. hala pa register na nga ako… 😀
Jace | http://www.laagpamore.net
LikeLiked by 1 person
Send ka ng email to princessclauie07@gmail.com (Yan si Klawi, ang Vice President namin). Siya ang mag-screen sa iyo if karapat-dapat ka bang makasali sa group. Mag-inquire ka lang sa kanya kung paano sumali. Please cc: iamdoctoreamer@gmail.com 🙂 Cheers!
LikeLiked by 1 person
Already sent an email Doc! XD
Jace | http://www.laagpamore.net
LikeLiked by 1 person
Hahaha. Ang saya laya lang. You’re so creative and imaginative! 😀
LikeLiked by 1 person
Thanks Grace! 🙂 Abangan mo ang mga susunod na alamat 🙂
LikeLiked by 1 person
I look forward to your next post 🙂
LikeLiked by 1 person
Sa #TamangPanahon ang alamat post na iyon. 🙂 I will have a post tonight. Just give me an hour to post it. Gagawin ko pa lang. Haha! Sumasagot pa kasi ako ng mga comments and follows. Hehe! 🙂 Happy New Year! 🙂
LikeLiked by 1 person
Nice. Ang dami mong fans. Haha. 😀
LikeLiked by 1 person
LOL! Basta ako, loyal sa isa. Chos! 🙂
LikeLike
Naks! #Hugotpamore. Haha. LOL
LikeLiked by 1 person
Loyal sa isa = Loyal sa sarili. Haha! #SinglePaMore 🙂
LikeLiked by 1 person
ang kulit naman ng story… 🙂
LikeLiked by 1 person
Parang pag-ibig. Minsan makulit.LOL!
LikeLiked by 2 people
Tama… sobrang kulit… 😅
LikeLiked by 1 person
Sa sobrang kulit, minsan ayaw mo nang maulit. Rhyme.LOL!
LikeLike
Ang lungkot ng ending ni Single enebeyen. Kailangan magpursigi para di maging saging! Haha! Nauna ko na yung pagtaba ni Taken, so konting push na lang hahaha!
LikeLiked by 1 person
hahaha! dahil hindi talaga lahat happy ang ending 🙂
LikeLiked by 1 person
ahahaha okay ito… kung twitter party dapat may single party rin. mabuhay!
makapag-isip isip nga ng maitatanong.
LikeLiked by 2 people
hahaha! submit ka ng questions sa https://www.facebook.com/pages/Philippine-Single-Association/163137904020024?fref=ts 🙂
LikeLike
That “pamilya bago pag-ibig” part… bull’s eye. 😀
LikeLiked by 1 person
Sapol ba?hehe
LikeLike
Ngayon ko lang po ito nabasa. Pero wasak! Tatawa tatay ko rito. 40 na siya nag asawa kaya isa lang naging bunga. Kinapos daw siya sir. Kinapos ng hangin.
LikeLiked by 2 people
Hahahaha!!! Magmamana ka ba kay Dad mo? 🙂
LikeLike
Sir anong email mo? Doon na lang natin pag kuwentuhan hahaha
LikeLiked by 1 person
LikeLiked by 1 person
Oh Paul, “But those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.” Gift of celibacy. Hahahaha. God bless po Doc 🙂
LikeLiked by 2 people
Hahaha!!!! Christmas gift.LOL!
LikeLiked by 1 person
Hahahaha. Iba ka po talaga Doc.
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Cheers! 🙂 Gusto mom exchange gift?LOL!
LikeLiked by 1 person
Ipapanalangin ko na lang po kayo 🙂 Hahahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahaha!!! Ipapanalangin din kita. Na sana’y tanggapin mo ang regalo sa pasko.haha
LikeLiked by 1 person
Hindi ko man alam kung sino o ano ang magiging regalo, pero iyon ay hihintayin ko. Hahahaha. (Ang paghihintay kay Jacob)
LikeLiked by 1 person
Hahaha!!! Sino ka ba? Si Rachel or si Lea?haha
LikeLiked by 1 person
Rachel 🙂 Hahahaha. Jacpb served 14 years for her.
LikeLiked by 1 person
Hello Mommy Rachel!haha
LikeLike
Hello Fellow Blogger,
This is Runner Rocky, a blogger-runner. I’m also joining the Top 10 Emerging Influential Blogs 2015, Hope you can include my blog http://www.runnerrocky.com in your list. It’s all about sports, fitness, marathons, and fun runs.
Thanks and more power! 🙂
LikeLike
Nakakatuwa naman na nakakalungkot yung kwento mo. dami sigurong nakarelate hehe 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Yup madami.haha
LikeLiked by 1 person
Obviously, im not single anymore. I just love what you write. Marami akong single friends. Lalo na dito sa abroad, mostly mga singles, yung mga walang pagod na nagtatrabaho at tumutulong sa family nila. Bilib ako sa kanila.
LikeLiked by 1 person
Thanks! Feel free to share it! 🙂
LikeLike
nakalungkot isipin ang ganyan ng kwento. Pero nagpapasalamat ako dahil nung nabasa ko ito eh may natutunan na leksyon. Makabuluhan talaga ang kwento sa bawat isa sa atin dito sa mundo
LikeLiked by 1 person
Salamat 🙂
LikeLiked by 1 person
ngayon ko lang pala to nabasa.. nakakatats naman oh, relate kung relate. hahaha “Pamilya bago pag-ibig”.. #SinglePaMore
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Isa ka palang alamat. 😉
LikeLiked by 1 person
pero hindi po kasama sa pangarap ko ang maging saging ha 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Mansanas na lang.haha
LikeLike
sige, aabangan ko yung gagawin mong alamat ng mansanas doc. haha
LikeLiked by 1 person
LOL! 🙂
LikeLiked by 1 person
DoctorEngineerWriter, dami mong karir ha! bakit ganun, pag taken mataba tlga? (curious lang).
LikeLiked by 1 person
Thanks po! Usually ng mga kilala kong taken kasi.. healthy. Haha pero I’m not generalizing naman.haha
LikeLike
I think I laughed more than I should. Haha. Winner to. Galing!
LikeLiked by 1 person
Thanks Ms. Lux! 🙂 Kasama kaba namin sa Philippines Single Association? LOL!
LikeLike
lol. kala ko ampalaya yung magiging bunga. #bitter
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Kapag nagreach ng age 60, baka ampalaya na.LoL!
LikeLike
Pero at least namatay si Single na na-extend nya yung love nya sa mga kapatid niya. ayos na rin! Selflessness is the greatest achievement. 🙌🙌
LikeLiked by 1 person
Haha! Siblings are worth dying for.Chos!
LikeLiked by 1 person
Grabe naman yung nangyari kay Single. Hahaha
LikeLiked by 1 person
Wala kasing nag-invite sa kanya sa CrossOver eh di sana hindi ganoon ang sinapit niya. Invite mo ang mga kapatid niya!haha
LikeLiked by 1 person
Unahin natin si Broken. 😁
LikeLiked by 1 person
Ipapray niyo na din ng healing sa broken legs. 😉
LikeLike
Yes! Hahaha ipakilala mo sya saken 😜
LikeLike
relate much.. 🙂
LikeLiked by 1 person
Welcome to the Association. LOL! 🙂
LikeLike
“Laging ibinibigay ni Single ang luho ni Broken maliban sa boyfriend. Dahil naniniwala si Single na ‘You cannot give what you do not have.” lol
Salamat sa suporta, Doc! HAHAHA
August is #SingleAwarenessMonth HAHAHA
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Next week ulit! 😉
LikeLiked by 1 person
#SClub
LikeLiked by 1 person
Join the club! 😉
LikeLike
HELLER, I BELONG!!! #AllCapsParaIntense
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Ok! Ikaw na ang Vice President.haha!
LikeLiked by 1 person
haha. ikaw ba ang presidente? sige, wag kang mawawala ha. gusto kong tumiwalag the soonest. 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha I already filed the resignation. LOL! So kung sino man ang VP, promoted agad as president.hahaah
LikeLike
Nooooooooooooooo!!!!! hahaha.
LikeLike
Haha ang galing! Mabuhay ang mga single! 😀
LikeLiked by 2 people
Thanks bro! Mabuhay sila! I mean… kami. 🙂
LikeLike
Nope, mabuhay tayo! 😀
LikeLiked by 1 person
At least may “TAYO” LOL! Mabuhay! Mabuhay si PNOY!hehe
LikeLiked by 1 person
Naks! Haha sama-sama tayo 😃
LikeLiked by 1 person
“Dahil ang mga single may puso din”
niiice 😀 haha
LikeLiked by 1 person
May puso ding nasasaktan.LOl!
LikeLiked by 1 person
ehem ehem XD kalakip daw po iyon minsan ng pagmamahal, ang masaktan. hahaha
LikeLiked by 1 person
Yes naman. Mabuhay ang mga single… 🎉🎊🍺
LikeLiked by 2 people
Mabuhay! Cheers! Hehehe
LikeLiked by 1 person
Creative! 🙂
LikeLiked by 1 person
Thanks Sheryl. 🙂
LikeLiked by 1 person