Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ang Alamat ng Single

alamat ng single

Noong unang panahon, may apat na magkakapatid na babae. Sila ay sina Single, Complicated, Taken at Broken. Ang panganay sa kanila ay si Single.

Ulila na ang magkakapatid. Bata pa lamang sila ay wala na silang mga magulang. Namatay ang tatay at nanay nila sa Labanan sa Pasong Tirad.

Bilang panganay, si Single ang tumayong magulang ng kanyang mga kapatid. Trabaho dito, trabaho doon. Walang sawang pagtatrabaho para lang matustusan ang pang-araw-araw na pagkain at iba pang pangangailangan ng magkakapatid.

Malayo ang agwat ni Single sa edad ng sumunod sa kanya na si Complicated. Nagtatrabaho na din si Complicated, pero nag-aaral din. Kumplikado masyado ang pag-aaral niya. Pangatlong kurso na ang kinukuha niya ngayon dahil hindi niya nagugustuhan ang dalawang nauna niyang napiling kurso. Kapag ayaw na niya, lilipat na. Katulad ng ginagawa niya sa kanyang mga naging kasintahan.

Ang sumunod naman ay si Taken. Mataba siyang dalaga. Lumaki siya sa kusina. Parating walang laman ang refrigerator nila dahil kay Taken. Ubos lagi. Paborito niya ang lechon at chocolate cake. Kapag naghahanap ng makakain ang bunso nilang kapatid na si Broken, lagi na lang ‘The food is taken.’

Dahil bunso nga si Broken, siya ang pinakamaluho sa magkakapatid. Laging ibinibigay ni Single ang luho ni Broken maliban sa boyfriend. Dahil naniniwala si Single na ‘You cannot give what you do not have.’

Naging pabaya si Broken sa kanyang buhay. Isang gabi, lasing siyang umuwi. Nakipag-inuman siya sa mga kabarkada niya. Dahil paborito niya ang damit at pantalong itim, hindi siya napansin ng isang rumaragasang sasakyan na may takbong 143 kph. Nabundol siya sa gitna ng kalsada. Buti na lang may nakakita at dinala agad siya sa hospital. Broken legs siya ngayon. Gaya ng puso niya – broken. Dahil ipinagpalit siya ng boyfriend niya sa isang lalaki. Oo, lalaki. Kaya pala nagpakalasing si Broken.

Nalaman iyon ni Single. Sobrang nalilito na si Single sa kanyang buhay. Hanggang kailan ba siya mag-iiisip ng problema ng kanyang mga kapatid? Naglakad-lakad si Single sa isang parke. Madami siyang nakitang mga magkasintahan na magkahawak kamay. Biglang, inatake sa puso si Single.

Dead on arrival sa hospital…

Naglamay…

Inilibing…

Dahil malaki ang nagastos kay Broken, naubos lahat ng perang inipon ni Single. Hindi maayos na naipalibing ng magkakapatid ang kanilang ate. Inilibing lang ito sa bakuran.

Pagkalipas ng pitong taon, may halamang tumubo sa mismong lugar kung saan nakalibing si Single. Tumubo ang isang puno ng saging.

Makalipas ang ilang buwan, bumunga ito. Nakita ng magkakapatid na sa dulo ng bunga ng saging ay may puso, naalala nila ang kanilang ate. Ang sakripisyo at pagmamahal ng kanilang ate.

Simula noon, pinangalanan nila ang puno ng saging na… “Single”.

Dahil ang mga single, may puso din.

puso ng saging

***

Ang alamat na ito ay iniaalay ko sa lahat ng mga single na nagsakripisyo para sa kanilang pamilya. “Pamilya bago pag-ibig” ang pinanghawakan nilang prinsipyo sa buhay.

Maaaring nagtrabaho sila nang husto para makapagpadala ng pera sa pamilya. Maaaring hindi nila maiwan ang maysakit nilang magulang. Maaaring nagpaubaya sila na ang pansariling kasiyahan ay ipagpaliban. Saludo po ako sa inyo! Kayo ang tunay na bayani ng ating bayan! Mabuhay ang mga single! Mabuhay!

Lagi ninyong tandaan ang sinabi ni Tito Paul, “But those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.” Samakatuwid, spared na kayo sa madaming problema sa buhay. #SinglePaMore

***

Noong nakaraang buwan, nagsimula ako ng #SundaySeries sa aking blog – That Thing Called. Ngayong buwan ng Agosto, ang napili kong title ng series na ito ay Single Empowerment. Sa bawat Linggo ngayon Agosto, patungkol sa mga Single ang aking blogs. Gusto ko silang suportahan. Kaya samahan niyo ulit ako sa susunod na Linggo.

Kung SINGLE ka at may mga katanungan ka sa pagiging single, huwag kang mahihiyang magtanong sa akin. Sino pa ba ang magdadamayan, kundi tayo-tayo din.LOL! #SingleProblems

Photo Credit (1, 2)

Advertisements

86 comments on “Ang Alamat ng Single

  1. Jace Suico
    January 3, 2016

    Hahaha kulet … Hindi ako panganay pero #TeamSingle … salute sa mga nagtratrabaho para sa pamilya!

    Jace | http://www.laagpamore.net

    Liked by 1 person

  2. simplygracelyn
    January 3, 2016

    Hahaha. Ang saya laya lang. You’re so creative and imaginative! 😀

    Liked by 1 person

  3. AkoSiRC
    November 2, 2015

    ang kulit naman ng story… 🙂

    Liked by 1 person

  4. tala bells
    November 1, 2015

    Ang lungkot ng ending ni Single enebeyen. Kailangan magpursigi para di maging saging! Haha! Nauna ko na yung pagtaba ni Taken, so konting push na lang hahaha!

    Liked by 1 person

  5. hoshi
    October 12, 2015

    ahahaha okay ito… kung twitter party dapat may single party rin. mabuhay!

    makapag-isip isip nga ng maitatanong.

    Liked by 2 people

  6. Kimberly
    October 11, 2015

    That “pamilya bago pag-ibig” part… bull’s eye. 😀

    Liked by 1 person

  7. sapritil
    September 29, 2015

    Ngayon ko lang po ito nabasa. Pero wasak! Tatawa tatay ko rito. 40 na siya nag asawa kaya isa lang naging bunga. Kinapos daw siya sir. Kinapos ng hangin.

    Liked by 2 people

  8. weerdiffident
    September 28, 2015

    Oh Paul, “But those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.” Gift of celibacy. Hahahaha. God bless po Doc 🙂

    Liked by 2 people

  9. Runner Rocky
    September 27, 2015

    Hello Fellow Blogger,

    This is Runner Rocky, a blogger-runner. I’m also joining the Top 10 Emerging Influential Blogs 2015, Hope you can include my blog http://www.runnerrocky.com in your list. It’s all about sports, fitness, marathons, and fun runs.

    Thanks and more power! 🙂

    Like

  10. The Lost Wanderer
    September 26, 2015

    Nakakatuwa naman na nakakalungkot yung kwento mo. dami sigurong nakarelate hehe 🙂

    Liked by 1 person

  11. maaliwkristina@yahoo.com
    September 13, 2015

    Obviously, im not single anymore. I just love what you write. Marami akong single friends. Lalo na dito sa abroad, mostly mga singles, yung mga walang pagod na nagtatrabaho at tumutulong sa family nila. Bilib ako sa kanila.

    Liked by 1 person

  12. mardabaw
    September 12, 2015

    nakalungkot isipin ang ganyan ng kwento. Pero nagpapasalamat ako dahil nung nabasa ko ito eh may natutunan na leksyon. Makabuluhan talaga ang kwento sa bawat isa sa atin dito sa mundo

    Liked by 1 person

  13. Maria Mataray
    September 8, 2015

    ngayon ko lang pala to nabasa.. nakakatats naman oh, relate kung relate. hahaha “Pamilya bago pag-ibig”.. #SinglePaMore

    Liked by 1 person

  14. gracycute@yahoo.com
    September 6, 2015

    DoctorEngineerWriter, dami mong karir ha! bakit ganun, pag taken mataba tlga? (curious lang).

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      September 6, 2015

      Thanks po! Usually ng mga kilala kong taken kasi.. healthy. Haha pero I’m not generalizing naman.haha

      Like

  15. Lux
    August 11, 2015

    I think I laughed more than I should. Haha. Winner to. Galing!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 12, 2015

      Thanks Ms. Lux! 🙂 Kasama kaba namin sa Philippines Single Association? LOL!

      Like

  16. IamJohn
    August 4, 2015

    lol. kala ko ampalaya yung magiging bunga. #bitter

    Liked by 1 person

  17. mulasawala
    August 3, 2015

    Pero at least namatay si Single na na-extend nya yung love nya sa mga kapatid niya. ayos na rin! Selflessness is the greatest achievement. 🙌🙌

    Liked by 1 person

  18. Clauie Belle
    August 3, 2015

    Grabe naman yung nangyari kay Single. Hahaha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      August 3, 2015

      Wala kasing nag-invite sa kanya sa CrossOver eh di sana hindi ganoon ang sinapit niya. Invite mo ang mga kapatid niya!haha

      Liked by 1 person

  19. Elora Amour
    August 3, 2015

    relate much.. 🙂

    Liked by 1 person

  20. Cassiopeia
    August 2, 2015

    “Laging ibinibigay ni Single ang luho ni Broken maliban sa boyfriend. Dahil naniniwala si Single na ‘You cannot give what you do not have.” lol

    Salamat sa suporta, Doc! HAHAHA

    August is #SingleAwarenessMonth HAHAHA

    Liked by 1 person

  21. RheaAngeline
    August 2, 2015

    #SClub

    Liked by 1 person

  22. Anchor Man
    August 2, 2015

    Haha ang galing! Mabuhay ang mga single! 😀

    Liked by 2 people

  23. mmvillancio
    August 2, 2015

    “Dahil ang mga single may puso din”

    niiice 😀 haha

    Liked by 1 person

  24. sewmybrokenheart
    August 2, 2015

    Yes naman. Mabuhay ang mga single… 🎉🎊🍺

    Liked by 2 people

  25. SheryL♥
    August 2, 2015

    Creative! 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: