Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Perks of Being Single: MORE or LESS Edition

speed dating_ok

Tingin ko ito na ang last year na magiging single ako. 🙂 Kaya naman  sasagarin ko na ang posts ko about singlehood. Ito ang ilan sa mga naisip kong benepisyo ng pagiging single. Perks as they say.

1. MORE time para sa sarili.

This is the most obvious benefit of being single. Kung single ka, definitely sa’yo lahat ng oras mo. Kung nasa relationship ka kasi, siguradong maglalaan ka ng oras para sa kanya. So kung single ka at nahihirapan ka na i-manage ang oras mo, then baka mas mahirapan ka kapag pumasok ka na sa isang relasyon.

2. LESS gastos.

Sa mga unang buwan na kayo na, for sure magastos ‘yun. Magastos nga din kung nasa courtship stage pa lang din kayo. Sa boys lang ata magastos. What do you think girls? 🙂 Siyempre bibili ka ng gifts, magpapa-load ka, tatawagan mo siya, magtetext maya’t maya, tapos i-treat mo siya ng dinner. Magastos nga ata. So kung single ka, aba mag-ipon ka na! Go gentlemen!

3. MORE bonding with friends.

Kapag nasa relationship ka, you should consider na magpaalam muna sa kanya bago pumunta sa mga reunions or gatherings ng mga old friends at barkada. Hindi naman required. Hindi nga ba? 🙂 But ethics siguro iyon sa isang relationship. Pero kung alam niya na andun yung high school crush mo sa pupuntahan mo, hindi ko sure kung papayagan ka niya. Pero mukha ka namang trustworthy. Saka malaki kana, alam mo na ang tama at mali. Dapat gawin mo ang tama or else baka magkaroon kayo ng conflict.

4. LESS puyat.

Usually kapag in-love kayo sa isa’t isa, maya’t maya ang text and updates ng daily activities na ginagawa niyo individually. Tapos aabutin pa kayo ng past 10pm na magkatext pa din. Siguro na-discuss ‘nyo na ang bawat detalye ng buong araw ng bawat isa. Ok lang magpuyat, in-love naman! Mas motivated ka sa trabaho kapag madalas mo siyang kausap kahit sa phone lang. Tapos kung alam mong gagabihin siya pag-uwi galing trabaho, handa kang magpuyat just to make sure na safe siyang nakauwi. Kasi you care. So ‘yung mga labis labis ang tulog diyan, alam na! Single sila!lol!

5. MORE ipon.

Well, kahit nga single parang ang hirap pa din maka-ipon. Tama ba? Madami ka na bang ipon? Pero may mga taong disiplinado naman pagdating sa aspetong financial. Pero tingin ko mas madaming single ang may ipon kumpara sa mga nasa relationship. Sa tingin mo?

6. LESS problem.

Minsan kapag may LQ kayo, apektado lahat pati trabaho mo. Gabi gabi kang nag-iisip kung siya na ba talaga ang the one. Minsan kailangan mong mag-leave sa work para mapuntahan siya sa kanila at personal na humingi ng sorry. Pero mukhang magandang gawan ng cost benefit analysis ang topic na ito.hehe

7. MORE mingles.

Of course! Single ka eh. It’s your privilege to meet new people, makipagkilala sa friends ng mga friends mo, get new acquaintances, at pumunta sa mga speed dating events. I’ve been to speed dating! Cool! Awesome!hehe You should try it! Kami ang organizer noong event na iyon last year. Wholesome ‘yun! May inspirational message pa nga from a married couple. Nag-share sila ng mga tips sa kanilang lovelife. Saka may dinner pa! Pero siyempre may registration fee. For more inquiries and if you want to join the coming event, send your name and contact number to my email address – iamdoctoreamer@gmail.com 🙂

 

Advertisements

18 comments on “Perks of Being Single: MORE or LESS Edition

  1. Desperate Blogger
    February 18, 2015

    Wow! This made my day 🙂 such an inspiration.
    Wave tayong mga Single haha 🙂

    Liked by 1 person

  2. Vlain
    February 11, 2015

    Haha nice post sir, all the listed benefits are all true lol. Pero mahirap magipon khit single. ☺

    Liked by 1 person

  3. Pingback: Ikakasal na sila, ikaw kailan? | Doctor Eamer's Blog

  4. docpreciousjem
    January 9, 2015

    Wala. Basta kasal agad! Isasaboy ko ang Rafflesia petals!!!

    Liked by 2 people

  5. adventures ni tolits
    January 7, 2015

    Hey Doc, may similar post ako, un ung pinaka una kong blog post. Hehe. https://adventuresnitolits.wordpress.com/2014/05/29/12/

    Liked by 1 person

  6. Mia
    January 7, 2015

    This is a good list Joseph. Na excite ako dun sa announcement mo na this year is going to be the last year na maging single ka. Can’t wait to see your love life unfold at sa maswerteng babaeng mapupusuan mo, she is going to be very blessed! Anyway, I’m sure madami ka pang maisusulat base sa mae-experience mo when you get to that stage. So good luck in advance 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 7, 2015

      Sa tingin ko lang naman po yun Ms. Mia 🙂 Pero siyempre excited akong magka-girl friend.hehe Kung next year na iyon, I’ll be ready by that time 🙂 Babalitaan po kita sa progress ng lovelife ko.hehe Yes po, excited akong magsulat ng mga REAL experiences ko about love and relationship. Kung magiging co-author ko siya sa mga articles ko, that would be better.hehe

      Liked by 1 person

  7. docpreciousjem
    January 7, 2015

    Ikakasal ka na pala talaga! Tamang-tama, be fit ang goal ko ngayong 2015! Ready to be flower girl sa wedding mo! Hahahaha! Pwede bang isaboy ko yung petals? Paranf confetti?? 😄

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 7, 2015

      HA??? KASAL AGAD? Pag sinabing aalis na sa pagiging single, ikakasal agad?hehe Di ba pwedeng magkakaroon lang ng girlfriend? 😉 Try mung isaboy yung petals if kaya mo. 🙂 Go Rafflesia girl 😉

      Like

  8. docpreciousjem
    January 6, 2015

    Bakit ako kulang lagi sa tulog pero single pa rin hangggang ngayon??? Nasaan ang hustisya??? Hahahahahaha!!!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 7, 2015

      Ka-double mo ang iyong pangarap. So hindi ka single. You are engaged to your dreams. 🙂 Pwede na bang hustisya ‘yun? 🙂

      Like

  9. Lisha Li
    January 6, 2015

    speed dating talaga bro? 😀 makapag-organize nga din dito sa Makati 😀

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 6, 2015

      Yes te, speed dating yun. Last February ata namin ginawa sa LB. Hehe Cafe Antonio 🙂

      Like

      • Yen aranas
        January 29, 2015

        Wala ba d2 sa dvo? Haven’t tried. Ma explore nga ang speed dating 😉

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 2, 2015

        Hehe ang layo naman ng davao! 🙂 go explore!hehe 🙂

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 6, 2015 by in Singlehood and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: