Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Single ka pa ba sa 2015?

selfie_ok

Selfie. Isa. Single.

Selfie. Ito ang unang selfie post ko sa blog ko. Hindi ako mahilig mag-selfie but since I am a blogger, this must be a skill to develop. Talaga? May ganoong skill? Oo. Meron. Kung may opening na trabaho na ang gagawin lang ay mag-selfie, for sure milyong mga Pilipino ang magpapasa ng resume para sa trabahong iyon! Ngayong 2015, I’ll develop this skill. πŸ™‚ Selfie pa more!

Isa. Kung malinaw ang mata mo, mapapansin mo na ang tatak ng t-shirt ko ay ISA. Ito ang International Single Association! For 24 years of my life, I’ve been part of this association. One month lang akong tumiwalag sa grupo. LOL! πŸ™‚ Seriously speaking, ang t-shirt na ito ay galing sa International Students Association sa UPLB. Maraming mga estudyante na galing sa ibang bansa at malalayong parte ng mundo ang nag-aaral dito sa UPLB para sa kanilang graduate studies. Proud to be Iskolar para sa Bayan! Hindi lang para sa bayan kundi para sa mundo! πŸ™‚ Ngayong 2015, alam kong hindi ako nag-iisa. Nandiyan ang aking mga kapamilya, kaibigan at kabarkada. Cheers for a greater 2015!

Single. Siguro maraming mga tao na ang New Year’s resolution this 2015 ay iwanan na ang single life. Siguro lang naman. Pwede din kasing kabaligtaran. Maraming tao na galing sa isang relasyon na posibleng ang New Year’s resolution ay maging single ngayon 2015. Posible lang naman. Iba’t iba naman kasi ang experiences ng mga tao pagdating sa relationship. Ikaw, ano ang kwento mo? πŸ™‚ Ngayong 2015, single ka pa ba? Let go or hold on to singleness?

Kung ano man ang status mo sa buhay – single or married, rich or poor, simple or complicated, bagito or dream dad, employed or unemployed or underemployed or employer, on-going or completed, graduate or waiting – hindi mahalaga kung single ka o hindi. Ang mahalaga ay masaya ka. Ang mahalaga ay nagagawa mo ang mga gusto mong gawin sa buhay. Bucket list. Ang mahalaga ay may mga taong gumagabay at tutulong sa iyo sa laban ng buhay. Ang mahalaga ay buo ang pananampalataya mo sa Diyos. Ang mahalaga ay may pamilya ka na maaring matawag. Biological family. Officemates. Barkada. Colleague. Ang mahalaga may purpose ka. πŸ™‚

Purpose. Just recently, I watched the talk of Ms. Sabrina Ongkiko on TEDx ADMU (Ignite the Nation). Last year pa iyon pero ngayon lang ako na-reach ng social media about that.Β The title of her talk is β€œOur Return on Investment.” For sure sa mga business people alam na alam nila ang tinatawag na ROI. Pero noong napakinggan ko si Ms. Sabrina, mas naintindihan ko na hindi lang pala sa business applicable ang ROI. Magagamit ito sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Nakakaantig ang mga binitiwan niyang mga salita. Panoorin niyo siya dito. Sana mapanood ito ng lahat ng guro at ng mga gustong maging guro. Sabi nga niya sa isa niyang talumpati, β€œIn being aware of our differences, we would know how to help others.” I really admire her passion in teaching and making a difference. Making a difference, 50 students at a time.

Be proud you are a teacher the future depends on you. I’m sure familiar kayo sa motto na ito. Lahat ata ng mga buildings sa elementary at high schools may nakasulat na ganito. I really agree with that! Malaki ang parte ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at ng bansa. πŸ™‚

Eh dito ba naniniwala ka? Be proud you are single, the future depends on you. Ang laki kaya ng tax sa sweldo ng mga single! Kung pwede lang i-declare na may sinusuportahan ako na kapatid at nagbibigay ako sa parents ko. Pero hindi parin accepted ng BIR β€˜yun. Hanggang hindi ka kasal, single ka at yung tax mo malaki. See? May purpose ang pagiging single mo. πŸ™‚ Malaki ang naiaambag mo sa pondo ng gobyerno. Mabuhay ang mga single! Mabuhay! Ang mga single ang susunod na magkakaroon ng pamilya. Pamilyang huhubog sa kanilang mga anak. Mga anak na mangangarap para sa kanilang sarili, pamilya at bayan. I’m proud being single. Single pa more!

Happy New Year to everyone! πŸ™‚ Medyo hindi ata kita β€˜yung nakalagay sa background noong selfie. Trust in the Lord with all your heart. Nawa’y maging gabay mo iyon ngayong 2015.

Dr. Eamer

Advertisements

11 comments on “Single ka pa ba sa 2015?

  1. Pingback: Single Ka Kung… | Doctor Eamer's Blog

  2. Jordana Mari
    January 6, 2015

    Yes, Im single and loving it! Haha

    Liked by 1 person

  3. Kai Seashell
    January 5, 2015

    Wala namang problema sa pagigigng single. Mas madami pa ngang masasaya na mag isa kesa sa mga kilala kong may mga jowa. Mabuhay tayo! πŸ˜†

    Liked by 1 person

  4. work@homeMillie
    January 5, 2015

    Nice!! I believe in what you said: :Trust in the Lord with all thine heart, true- one of my favorite bible verses. πŸ™‚ Agree din ako, so single pa more! πŸ™‚

    Liked by 1 person

  5. Peachy
    January 5, 2015

    It’s my first time to stumble upon your blog… and I must say, I’m loving your blog, especially this post! Nakakatuwa ka magsulat! I feel like listening to you in person. Nakakaliw, parang ang sarap kausap ng writer. More power to you and happy new year! πŸ™‚

    Liked by 1 person

  6. Mia
    January 4, 2015

    Love the new blog layout.I love your message here. Stay single as you can. Kasi pag mag-aasawa ka na, your whole world will change. Isa sa na-miss ko is the freedom to decide about something na hindi kinukonsulta yung spouse ko. Tsaka yung maraming free hours for myself. And more time to sleep, etc. etc. Thanks din sa pag share mo dun sa very inspirational na talk ni Ms. Sabrina. Saludo ako sa kanya πŸ™‚

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 4, 2015

      Thanks Ms. Mia! Gusto ko nga po matuto maggawa ng personal theme kaso di ako inclined sa graphic design.hehe Yes po, I’m enjoying my singlehood.hehe God bless pala sa winowork-out mo na website! Go for passive income! πŸ™‚

      Liked by 1 person

      • Mia
        January 5, 2015

        Thanks Joseph! Looking forward reading your next post.

        Like

  7. 3xhcch
    January 3, 2015

    I have been hearing about TeDx but I have never really attended one live. You need to be invited, right? Have you attended one? – Fred

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      January 3, 2015

      We had TEDx here in UPLB last time. It’s for free but limited slots. Usually, it’s online reservation and confirmation πŸ™‚

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 1, 2015 by in Singlehood and tagged , , , , , , , .
%d bloggers like this: