Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ikakasal na sila, ikaw kailan?

kasal2_ok

Kamakailan lamang ay nagpunta ako sa isang reunion ng mga kaibigan ko sa kolehiyo dahil ikakasal na din ang isa sa kanila. Ilang taon na din kaming hindi nagkikita-kita simula ng magtapos sa UPLB. Ganoon pala talaga, busy na kapag may trabaho. It was a great time catching up with one another and talking more on career path and of course lovelife. Dahil bridal shower din noong kaibigan namin na ikakasal, may mga palaro, kainan at picturan. Congrats Mei! We are so happy for you! Best wishes! 🙂

Noong isang linggo naman, isa sa aking mga barkada sa highschool ang nag-pm sa facebook. Ikasasal na din siya at abay daw ako. Dalawa na ang ikinasal sa aming magbabarkada, pangatlo siya.  Nakakailang abay na din pala ako sa kasal. 🙂 Congrats Jonas! Cheers to your wedding on July! 🙂

Nakakatuwang isipin na isa-isa ng kinakasal ang mga kaibigan at kabarkada ko. Pressured ka? Hindi ako pressured dahil alam ko sa sarili ko na may mga gusto pa akong gawin. Sabi ko nga doon sa isang blog ko, there are perks of being single.

Kahapon naman ay nakipagkuwentuhan ako sa fb sa aking ninang Rochelle at nagbigay siya ng ilang mga payo patungkol sa love and relationships:

  • When it comes to love and relationship, NEVER put a deadline or a marker in the calendar.
  • Each one of us will have our own version of our love story.
  • John and I didn’t start out as good or ideal to many, but God’s grace is sufficient.
  • Our love story unfolded in the most unique and beautiful way. It took time but I was so glad he waited.
  • But all love stories must be initiated by the man and never the woman. It is biblical.
  • Write your own love story!

Nakakatuwang makinig sa mga taong napagdaanan na ang mga bagay na pagdadaanan mo pa lamang. May kasabihan nga na “Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” Puwede din nating lagyan ng kaunting modification lalo kung mga lolo at lola na ang magbibigay sa’yo ng payo: “Manliligaw ka pa lang, may apo na ako.” Mahalaga talaga ang paghingi ng opinyon at advice mula sa ibang tao. Sabi nga ni Tito Mon, “Plans fail for lack of counsel, but with many advisers they succeed.”

Ikaw ba? Hanap ka ng mga advisers na alam mong trustworthy at magbibigay sa iyo ng payo na hindi ka mapapahamak. Buti na lang napapalibutan ako ng mga taong itinuturing kong life coaches ko sa buhay. 🙂

Kung sasagutin ko ang tanong sa title ko sa blog na ito, kailan ka ikakasal? Sigurado ako na ikakasal ako sa tamang panahon. 🙂 Safe answer.lol!

Para sa mga nais magbigay ng mga paksa (topics) na gusto mong gawan ng blog ni Doctor Eamer, puwede kang mag-iwan ng mensahe sa kanyang facebook page: www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Advertisements

11 comments on “Ikakasal na sila, ikaw kailan?

  1. Dizkarteng Noypi
    February 2, 2015

    Ako din, ikakasal na din ako…….sa tamang panahon din! lol..hahaha.. 🙂

    Liked by 2 people

  2. chieislove
    February 1, 2015

    My mom always tells me na wag munamagmadali. Time will come. Magenjoy daw muna sa buhay pagiging dalaga/binata. Dadating din yung araw na magsesettle down ka. Nice answer btw.

    Liked by 2 people

  3. Raquel
    January 30, 2015

    I’ve been in that situation before. When friends started to get married, there is this pressure from loved ones to follow suit.

    Liked by 2 people

  4. Raquel
    January 30, 2015

    What happened was beyond terrifying and horrible. But let us hold on to hope. Justice will be served. Thanks for the post.

    Liked by 2 people

  5. yvonnembertoldo
    January 29, 2015

    Dadating din tayo diyan. ^^

    Liked by 2 people

  6. Mia
    January 29, 2015

    Natawa ako sa answer mo, Joseph. Very safe nga, lol! Great post, as always!

    Liked by 2 people

  7. John Aries Tudla
    January 28, 2015

    I agree with this: When it comes to love and relationship, NEVER put a deadline or a marker in the calendar.

    Naniniwala pa din ako sa DESTINY and FOREVER 🙂 Hahaha

    #TeamForever here,
    http://www.ThePromdiBoyAdventures.com

    Liked by 2 people

  8. Jerboy Lupisan
    January 28, 2015

    Matagal na akong nakasal. Civil. My life, my rules. Walang pressure. Hehe. Actually, masaya nga ang buhay single e. Panget yung nakasal na, apos doon mapapagtantong hindi pa pala sa buhay binata/ dalaga at dun maghahanap ng gudtaym. Hehe.

    Liked by 2 people

  9. yolomoments12
    January 27, 2015

    Edi wow! Sa tamang panahon din ! HAHAHAH

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 27, 2015 by in Singlehood, Wedding & Marriage and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: