Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Spoken Word: Dear Mama,

Dear Mama,

Pahingi naman po baon.

Isang libong paalala o isang libong buntung-hininga,

Sa aking pag-alis tiyak na mamimiss kita,

At ang inyong walang hanggan na pag-aalala,

Lalo na kapag pumasok kami na hindi nag-almusal sa umaga.

Pahingi naman po baon.

Aking tatanggapin kahit limang daang sermon,

Ang inyong pagsasaway sa amin buong maghapon,

At ang paulit-ulit na pangangaral para sa amin ay ipaintindi,

Kung alin nga ba ang tama, alin nga ba ang mali.

Ma, pahingi naman po ng isang daan na lang.

Isang daang ulit mo mang sabihin na walisan ang sahig,

Linisin ang kuwarto o punasan ang natapong tubig,

At ilang ulit mang kunwari ay hindi namin naririnig,

Pinagsisilbihan mo pa rin kami ng iyong wagas na pag-ibig.

Kaya Ma, kahit man lang singkwenta–

Kahit singkwenta pesos ay iyong ipinagkakasya,

Para lamang magkaroon ng ngiting abot tenga.

Makita mo lamang na kami ay masaya.

Sabi mo ay busog ka na,

Kahit na ang totoo ay kumakalam na rin ang iyong sikmura.

Pasensya na Ma, hihingi pa rin ako ng dalawampu’t lima–

Dalawampu’t limang letra sa mga katagang,

“I love you anak, ingat ka palagi,” kahit bilangin nyo pa.

Sa aking paglalakbay sa daloy ng buhay,

Ang mga katagang ito ay sapat na.

Pero Ma,

Hayaan mong ako naman ang magsabi ng ‘mahal kita’,

Di ko man maiparating palagi sa pamamagitan ng mga salita,

Ay hayaan mong aking maihabi sa mga kilos at gawa,

Kung gaano ako nagpapasalamat na binigyan mo ako ng sampu.

Sampu ng langit at ng mga tala,

Kitang-kita nila ang iyong pagtitiyaga.

Mula pa noong ako ay ibinigay sa iyo ng Maylikha,

Iyong niyakap ang responsibilidad,

Na ikaw lamang ang makagagawa.

At mula pa noong ako ay isa pa lamang panalangin,

Ako ay minahal mo na.

Sa tuwing ako ay maysakit isang yakap mo lamang,

Lagnat ay di na alintana.

At Limang beses o higit pa na ikaw ay bumabangon,

Sa madaling araw para ako’y ihele hanggang sa maghapon.

Alam ko Ma, na napapagod ka na.

Ngunit ibinubuhos mo pa rin,

Ang iyong buong pusong pag-aalaga.

Ma, sa paglipas ng mga taon,

Salamat po sa mga alaala at pagmamahal na inyong pabaon.

Dumaan man ang mga araw at magsilaglagan ang mga dahon,

Pag-ibig mo ay mananatili sa habang panahon.

Nagmamahal,

Ang inyong anak na patuloy sa pagmamahal.


PS: Hindi po ako ang gumawa ng tulang ito. Ito ay sa panulat ni Mara. Pero astig ano?! This was presented as one of the tributes sa mga mothers sa church namin. Happy Mother’s Day po sa lahat ng mga nanay! ❤

PSS: Ako ang gumawa noong “video”. Ang ibinigay sa akin kasi ay recording. So inaral ko pa ang Windows Movie Maker. Pero in fairness, nagustuhan ko ang gumawa ng short video. Though limited lang kasi ang alam ko sa mga effects kaya sobrang simple na lang ng ginawa kong ito. Kahapon lang din naman kasi ng hapon ako nasabihan. Haha 🙂

Advertisements

3 comments on “Spoken Word: Dear Mama,

  1. Angel
    May 14, 2018

    Ang ganda po!

    Like

  2. Doctor Eamer
    May 13, 2018

    Reblogged this on P.S.A..

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 13, 2018 by in Parenting and tagged , .
%d bloggers like this: