Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Looking for Answers (Dec. 28, 2015 – Jan. 3, 2016)

Google Search

1. bkit ba  may umaasa

Kasi may nagpapaasa. Katulad lang iyan noong katagang “Walang manloloko kung walang papaloko”.

2. papaano kakaharapin ang pagiging isang single mother

Harapin mo ito ng buong tapang at lakas. Huwag kang susuko. Kaya mong palakihin ang anak mo ng maayos at matiwasay. Kapit lang kay God, hindi ka Niya papabayaan.

3. dapat reaksyon pag hiningi number ko

Tumalon ka! Sa wakas! May nanghingi na din ng number mo.

4. sex sa ospital blog

Bastos! Hindi patungkol doon ang mga blogs ko. Kung medical student ka, I suggest basahin mo ang blog ng friend kong doctor-in-the-making (Doc Jem).

5. top ten na bawal na i search sa google

Lahat naman ata ay pwede mong hanapin sa google pero hindi niya kayang ibigay ang lahat ng information. Halimbawa, i-search mo si Pepito Yattyr Corazon. Wala masyadong ibibigay sa iyo ang Google. Kasi nasa libro ko iyan! Read the review of my book here. 🙂

6. paano maiiwasan ang panlalamig sa relasyon

Bili ka ng maraming kumot at jacket. LOL! Read Ano ba ang dapat ninyong gawin para hindi manlamig ang relasyon sa bawat isa?

7. sex totoo storya

Basahin mo na lang ito! They want ‘sex’. I want ‘better than sex’.

8. kasalanan ba maging tomboy

Mas naipalawanag ko ang sagot ko sa tanong mo na iyan dito sa aking article na Kasalanan ba ang maging bakla o tomboy?

9. alala 2015 tungkol sa pag-ibig

Naalala mo ang EX mo? Move on na! 2016 na! Do not dwell on the past.

10. status para sa mga paasa

Paasa. Minsan pulitiko, madalas ikaw.

11. panlalamig sa relasyon

Mag-usap kasi kayo. Ayusin ninyo ang problema. Communication is the answer sa inyong panlalamig.

12. ano ang dapat kung gawin para pumayag na makipag sex ang isang babae?

Simple lang. Ligawan mo siya. Magpropose ka sa kanya. Pakasalan mo siya. Saka mo siya yayain ng sex. In my personal view, sex must be in the context of marriage. Period.

13. pano malalaman khng may gusto sayo ang teacher mo ?

Kapag laging mataas ang grade mo kahit na alam mong hindi ka naman nag-aral sa exam mo. In short, favored ka. But this is unrighteous favor kaya kung ako sa iyo, mag-aral kang mabuti.

14. magagandang sa mga single quotes 2015

Akala ko magagandang single ang hanap mo. May mga ipapakilala sana ako sa iyo. LOL! Dito sa grupo naming sa PSA, guwapo at magandang single ang naroroon. Visit us at philippinesingleassociation.wordpress.com.

15. lines from the movie one more chance

“She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ‘yun… And you chose to break my heart.” – Popoy to Basha. Read more at One More Chance Quotes (Revisited).

16. paano mo malalaman soulmate mo

Puntahan mo itong Single Dating App na ginawa ko. LOL!

17. open letter from ms. Right

Naku wala pa akong blog kay Ms. Right. Pero kay Mr. Right, meron ako. Basahin mo ito An Open Letter to Mr. Right. Balitaan mo ako kapag natagpuan mo na ang Ms. Right mo bro! Gusto ko kayong i-feature sa blog ko. Happy Valentines Day!

blog stat

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad hereClick here for Ads Prices
Donate Button with Credit Cards

Advertisements

2 comments on “Looking for Answers (Dec. 28, 2015 – Jan. 3, 2016)

  1. aysabaw
    February 11, 2016

    #4 FTW 😛

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 11, 2016 by in Blogging and tagged , , , , .
%d bloggers like this: