Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

BLOgUEST 101: Nanginginig na Paninindigan

Kailan ka huling nanindigan? Kailan ka huling naging malakas at matapang na magpatuloy sa iyong nais panindigan?

Kailan mo huling pinanindigan ang isang desisyong ikaw mismo ang gumawa at pumili para sa sarili mo? Kailan mo huling pinanindigan ang isang bagay na sa tingin mo ay magdudulot ng kasiyahan sa puso mo?

Kailan mo huling pinanindigan ang mga katagang, “I will never fall in love again” o “I will never love this way again?” Kailan mo huling pinanindigan ang deklarasyong, “I will always be happy no matter what happens.”

Kailan mo huling pinanindigan ang pangakong hindi ka na magpapaloko sa mga taong walang ibang hangad kundi ang pansariling kasiyahan? Kailan mo huling pinanindigan ang pinaniniwalaan mong tama kahit alam mong masasaktan mo ang mga taong nagmamahal sa iyo?

Kailan mo huling pinanindigan ang pagpapakatotoo sa sarili mo kahit alam mong aani ka ng lungkot at pighati? Kailan mo huling pinanindigan ang sinasabi mong hindi ka na magpapaalipin sa nararamdaman mo dahil paulit-ulit ka lang masasaktan?

Kailan mo huling pinanindigan na sulit ang sakripisyong inilaan mo sa ngalan ng pangarap, pagkakaibigan, o pag-ibig?

Kailan mo huling pinanindigan ang mga dapat mong panindigan? Kailan mo huling pinanindigan na mali ang pinili mong panindigan? O wala ka nang pinaninindigan?

Anong uri ng paninindigan ang mayroon ka ngayon?

Paninindigang nanginginig sa tawag ng tukso? Paninindigang sumusuko sa harap ng pagsubok? Paninindigang nanliliit sa panghuhusga ng ibang tao? Paninindigang umaayon sa gusto ng nakararami? Paninindigang pinili ng ibang tao para sa iyo? Paninindigang hindi mawari ang papanigan kapag nagtalo ang damdamin at isipan?

Ito ang mga tanong ko sa isang kaluluwang tila nakalimot na sa kanyang paninindigan. Paano nga ba ang manindigan? Ano at sino nga ba ang karapat-dapat na panindigan? Bakit tila mas mahirap ang mabuhay araw-araw kung ikaw ay nakatali sa iyong paninindigan?

Ilang beses ka na bang nagtangkang manindigan? Ilang porsiyento nito ang nagtagumpay, ilan ang nabigo, at ilan ang paulit-ulit na naghihintay ng katugunan? Anong klase ng kasalukuyan ang iyong isinasabuhay? Anong hinaharap ang naghihintay sa isang nilalang na napagod nang manindigan?

Kailan ka magigising sa iyong pagtutulug-tulugan? Kailan mo ididilat ang iyong mga matang nagbubulag-bulagan? Kailan makikinig ang iyong mga taingang nagbibingi-bingihan? Kailan mo seryosong hihilumin ang puso mong nasugatan? Kailan mo palalayain ang isip mo mula sa nakaraan? Kailan mo itutuwid ang mga kamaliang paulit-ulit na sumisira sa iyong buhay?

Kailan ka magsisimula ng bagong buhay na may matatag at tamang paninindigan?

Ikaw, ano ang pinaninindigan mo? Bakit at para kanino? Hanggang kailan mo kayang manindigan?


About the Author: Jayson Santos is a spiritual seeker, broken human, dreamer, humanist, volunteer, marathoner, swimmer and nature lover. He continues to hone his passion for writing by telling his stories, adventures, and insights on his blog The Dreamer Writes. He hopes to spread the good news of salvation one blog at a time. Visit his site at jaysonsantos.com.

Link of Archives of BLOgUEST 101

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Register at bit.ly/LikhaSeries

 

Anong masasabi mo?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Information

This entry was posted on July 27, 2017 by in Love & Relationship and tagged , .
Follow Doctor Eamer on WordPress.com