Sabi ko naman sa inyo na hindi ako masyadong busy kaya madami pa akong oras para sa iba na namang mga gawain tulad nitong seminar workshop na inorganisa namin. Kaya raw ako single kasi busy. Busy ka rin ba? #AlamNa
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Bakit pa ba natin papatagalin kung sa simbahan din ang tuloy? Hala saan ko nakuha iyon! Basta may parang ganyan na kasabihan ata. Kung malapit ka lang naman sa Los Baños at gusto mong matuto ng basics of photography and blogging, punta na!
Ang speakers namin sa topics on photography ay sina Nico and Rara. Si Nico ang owner ng Biyaheng Juan-Sided. and you can check his portfolio at Juan-side Images. Si Rara naman ay speaker na rin ng mga photography workshops sa ilang local government units, you can check her portfolio at Raragram and National Geographic. Para sa writing essentials naman, si Rizza ang speaker namin. Graduate siya ng BS and MS Development Communication. Journalism and writing talaga ang passion niya. For sure marami kayong matutunan. Mas makikilala niyo pa sila sa mga susunod kong articles. Siyempre sa blogging, ako ang magbabahagi ng mga natutunan ko. True to life experience mga bes!
Register na sa form sa ibaba o sa bit.ly/LikhaSeries
Major Sponsors:
Collaborators:
UPLB Graduate School Student Council
Media Partner
Reblogged this on P.S.A. and commented:
🙂
LikeLike