Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Sampung Dahilan Kung Bakit Dapat Mong Panoorin ang “Kita Kita”

(Photo grabbed from spot.ph)

Sabi nila kapag galit ka, kailangan mo raw bumilang ng isa hanggang sampu para hindi ka makasakit o makapagbitaw ng mga salitang maaari mong pagsisihan sa huli. Hindi ako galit pero magbibilang pa rin ako.

Isa. Para sa iyo ito.

Kung sa tingin mo’y ika’y pretty, funny and smart, this movie is for you. You will be able to validate na kahit gaano ka man kaganda, gaano ka man kasayang kasama, at gaano ka man katalino, ay maaari ka pa ring ipagpalit sa iba.

Wala ba talagang contentment ang mga lalaki (o babae) pagdating sa relasyon? I think one of the ingredients of true love and happiness is contentment.

Dalawa. Makakarating ka sa Japan.

Hindi pa ako nakakapunta sa Japan pero dahil ang setting ng movie ay sa Japan (particularly Sapporo City), parang nakarating na rin ako. May ilang kultura at lenggwahe ng Hapon ang malalaman mo kapag pinanood mo ang movie na ito.

Very powerful ang isang movie pagdating sa promotion ng isang lugar. Remember the “Sagada” of “That Thing Called Tadhana“? Imagine if mayroong isang lugar o tourist destination ang magiging feature ng bawat isang movie, instant advertisement and promotion iyon.

Tatlo. Pampatanggal ng stress.

According to Lea’s doctor, kaya siya nagkaroon ng temporary blindness ay dahil sa stress. Kaya kung stress ka, make sure to unwind like watching a movie. Kaya ako nanood actually. Ayokong mabulag. Haha!

Siguro nga ay bulag ka na dahil sa sobrang stressed ka na sa kahihintay mo kay “The One“. Nabulag ka na kaya hindi mo nakikita ang isang kaibigan na andyan lang sa tabi mo. Uy! Andyan ka pala! Musta?!

Apat. Gaganahan kang kumain ng repolyo.

Actually after the movie, I craved for repolyo. Haha! Ano ba kasing meron sa repolyo at sinasabi nila na nakakapagpasaya ang pagkain nito. Kaya siguro sumikat si Cabbage Man!

Lima. You are one of the two less lonely people in the world.

Talaga bang ganoon? We seek happiness with the presence of other people? I’m not saying that this is wrong. But I’m not also saying that this is right.

Sa totoo lang, if you will not deal with the root cause, it will just grow eventually no matter what pruning you will make. Ang sakit na dala-dala ng puso mo, kahit ilang panandaliang saya pa ang maranasan mo, andoon pa rin ang kirot. Identify the root cause. Face and deal with it. Then move on.

Anim. For road safety.

Dahil sa movie na ito, lagi ka nang mapapatingin sa mga sasakyang parating sa tuwing ikaw ay tatawid ng kalsada.

Saklap bes! Nabunggo si Tonyo sa pedestrian lane. Namatay agad!(?) Asan ang hustisya? Kaya kung tatawid ka sa kalsada, mag-ingat ka dahil may isang Lea sa buhay mo ang maiiwan. Effective kaya na ilagay sa Manila ay “Bawal tumawid, namatay si Tonyo dito.”?

Pito. Tatawa ka.

Definitely mapapatawa ka sa movie na ito kahit na hindi mo kalampagin ang Bell of Happiness. Hindi pilit ang mga linya upang patawanin ang mga manonood. Natural lang. Tama lang. Hindi ko lang sigurado kung iiyak ka. Pero hindi naman ako naiyak. May mga nagsabi kasi na iiyak ka sa ending ng movie. Mas naiiyak kasi ako kung “common drama of a Filipino family” ang scenes. So baka it’s me. It’s not you.

Walo. It’s now. It’s never.

Kung hindi mo ito mapapanood agad baka mawala na ito sa mga showing sa cinemas.

Hindi ito ordinaryong rom-com. I don’t know if classified ba ito sa rom-com pero hindi ito yung karaniwang mapapanood mo. Ikaw ba naman ang lumagay kay Lea. Dalawang beses naging heart broken. Magkasunod pa! Walang three-month rule. Saklap. Srsly, nice ang story. May pagkakatulad ang writing style namin nung writer ng movie. Well, more on idea. I think same wavelength kami. Haha! (Read LOVE is BLOG). No wonder sa una pa lang, nahulaan ko na si Tonyo na yung nasa park na nagsagip doon sa bata. Nahulaan ko rin na siya si Banana Man. At siya ang naglagay ng flowers sa table sa labas ng bahay ni Lea. Nahulaan ko rin na may pagtatagpiin na mga kwento. Like doon sa hinabol ni Nobu (Japanese fiancé) si Lea upang mag-sorry. Nagtaka ako kung bakit basa yung damit niya that time. 🙂

Siyam. Hindi ka bulag.

Isa sa obvious na dahilan kung bakit dapat mong panoorin ang “Kita Kita” ay dahil nakakakita ka. Logical. Ang hirap kayang manood kapag bulag! Pero mas mahirap yung magmamahal ka na bulag ang iyong puso. Hindi mo makikita sa isang tao ang tunay niyang kagandahan/kagwapuhan. This movie will definitely change your perspective on how you see other people. At sa tuwing kakain ka, maghahanap ka ng saging. Sasabihin mong kung ang saging ay may puso, ang puso mo naman ay may saging.

Sampu.

Kapag nabasa mo ito, isa kang pinagpalang nilalang! Congratulations! PM me at my Facebook so that I can give you a reward for that. Cheers! FB: facebook.com/joseph.a.pagtananan

Bulag ka kapag di mo nabasa ang nilalaman ng ikasampu. Pero malay mo darating ang tamang panahon at mababasa mo na rin iyon. At masasabi mong “Nakita ko na.”

Ashiyu samdey!

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Register at bit.ly/LikhaSeries

Advertisements

26 comments on “Sampung Dahilan Kung Bakit Dapat Mong Panoorin ang “Kita Kita”

  1. ahaha Doc Eamer, ikaw na next na gaganap sa Part 2. At itong article ang storyline. 😀 Pinanoond namin ito ni Brian tsaka Mommy nya, ‘di nagustuhan ng Mom nya ang ending. hahahaha Baguhin mo na lang bro para happy. 😀

    Liked by 1 person

  2. Clarence
    July 31, 2017

    Ahaha. ang galing, sakto pinapatugtog ‘yong song na Kita na kita.

    Like

    • Doctor Eamer
      July 31, 2017

      Napanood mo na? 🙂

      Like

      • Clarence
        August 3, 2017

        Yup. Buti nalang napanood ko na. Hindi mo man lang binalaan na maspoil kami kapag binasa tong article. Hahaha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 3, 2017

        Haha! Bakit kapag ba pinana ka ng tadhana, babalaan ka ba? LOL!

        Liked by 1 person

      • Clarence
        August 9, 2017

        Hahaha. Bakit may ganun?!

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        August 9, 2017

        Haha! Insight ko lang from the movie. 🙂

        Like

  3. pia jingco
    July 31, 2017

    Waaah hindi ko inakalang puno ng mega-spoilers ang post mo!!! Akala ko e-engganyo-hin mo lang ako e…..

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 31, 2017

      Don’t worry te. It’s not about the destination. It’s about the journey. Kaya kahit alam mo na ang ending, iba pa rin ang kilig kapag pinanood mo. 😉

      Liked by 1 person

      • pia jingco
        July 31, 2017

        Haha sige na nga! Gusto ko pa rin talagang panoorin 😉

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 31, 2017

        Gawan mo rin ng review ate. Tag mo ko. Hehe 😉

        Like

  4. spacekoto
    July 31, 2017

    Doc di ko pa napanuod pero parang napanuod ko na rin dito hahaha!

    Liked by 1 person

  5. PrinceLove
    July 30, 2017

    Dahil din sa movie, napromote din yung Sapporo Beer. Hahaha! Dami nagtatanong san ba makakabili ng Sapporo.😂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 30, 2017

      True enough! Hindi kasi ako fan ng beer. Haha! Sigurado sa Valentines may mga puso at saging na costume. haha

      Liked by 1 person

  6. Astig! Sana mapalabas din dito sa Middle East.
    Im asking permission to share po?

    Liked by 1 person

  7. Jai
    July 30, 2017

    Witty as always. Nice one doc!

    Liked by 1 person

  8. The Ranting Architect
    July 29, 2017

    Pinanood ko po tong mag-isa sa sinehan. Sobrang spigil na pigil ako sa pag-iyak, di ko alam kung dahil ba ito sa tawa o lungkot. Tuloy pag naririnig ko ang kantang ‘two less lonely people’, andun pa rin yung kirot. Sobrang ganda ng movie na ito.

    Liked by 1 person

  9. Doctor Eamer
    July 29, 2017

    Reblogged this on P.S.A..

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on July 29, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: