Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Bawal bang umibig ang isang accountant sa kanyang auditor?

auditor loves accountant

“Baka kaya hindi binibigay sa’yo kasi hindi makakabuti sa’yo.” – BES

Noong marinig ko ito last Sunday sa church namin, siya agad yung unang pumasok sa isip ko. Ito talaga ang buong sinabi: “Baka kaya hindi binibigay sa’yo kasi hindi makakabuti sa’yo. Kaya kung ano man yang hinihingi mo kapatid, tigilan mo na. Baka hiling ka nang hiling ng kotse, tapos hindi binibigay sa’yo kasi makakasama lang sa’yo.”

Siguro matagal ko nang alam, pero ayoko lang maniwala. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung love ba ‘to o infatuation o obsession. Pero ano man yun, kailangan ko pa ring mag-move on.

Nakilala ko si Excel* sa office. Bago palang ako noon, kaka-hire lang as auditor ng COA. Siya naman, accountant sa agency na ino-audit namin. Well, nung una, attracted lang naman ako sa kanya. Nothing serious. Sana nanatili na lang na nothing serious.

*Doctor Eamer decided to change the name for privacy reasons. Mahirap na. Baka maapektuhan ang trabaho ng mga taong involve.

And then, after a few days na na-encounter ko siya, nagkaroon ng opening of bids para sa disposal ng lumang records nila. Member siya ng Bids and Awards Committee, so nung umattend ako as COA observer, nakita ko na naman siya. Dun ko nalaman na left-handed pala siya. Fetish ko kasi yun. Wala lang. Since that moment on, I tricked my brain to believe na crush ko nga siya. As in ginawa kong official yung pagkakaroon ko ng crush sa kanya. Mali, kasi siyempre, as an auditor, dapat maging skeptic ako. Eh pano naman ako magiging skeptic kung crush ko siya, di ba? (May I just mention na sa USA, may auditor at accountant na na-suspend ang mga license dahil sa pagkakaroon ng romantic relationship). Nga pala, after ng opening of bids, habang kausap ko yung isang katrabaho niya, nakita ko siyang nakatitig sa kin. Nung una, inisip ko na imagination ko lang yun. So ayun, unconsciously, naghukay ako ng sarili kong libingan.

A few weeks after, nagpunta ako sa office nila kasi may kailangan akong i-follow up. Kailangan ko kasi ng photocopies nung documents regarding dun sa Opening of Bids para sa report ko. So habang andun ako sa room nung records staff, nagpunta din siya dun para mag-photocopy ng hindi ko alam kung ano. While waiting, umupo siya dun sa chair across me, at napansin ko na namang nakatitig siya sa kin. This time, alam kong hindi ko na ‘to imagination. Malalaman mo naman kung nakatingin sa’yo yung tao, di ba? Nung siya naman ang nagpo-photocopy at inaayos (at tinatatakan ng certified true copy) ng records staff yung mga documents na kailangan ko, tinanong ako ng records staff kung tama daw ba yung spelling ng pangalan ko. Then nagulat ako, tinanong ni Excel kung san daw galing yung pangalan ko. As in hello, kami nung records staff yung magkausap, at hindi naman kami close ni Excel (like third time palang namin nagkita), tapos bigla niya kong kinausap. Parang confirmation sa brain ko na “hey, interested din siya sa’yo!” At ayun, nakipagchikahan ako ng konti habang hindi pa tapos mag-certify yung records staff. Nung pabalik na ko sa office namin, hindi ko maiwasang ngumiti. Ikaw ba naman ang kausapin ng crush mo, hindi ka ngingiti? Tibay naman ng pagkamanhid mo.

Pagkatapos ng lahat-lahat, eto na ko, nagko-contemplate kung ia-add ko ba siya sa FB o hindi. Nagtanong pa talaga ako sa prof ko kung okay lang ba na i-add at i-chat sa FB ang accountant na ino-audit mo. Sabi niya okay lang naman daw. Nagtanong din ako sa isa ko pang friend. Sabi niya para daw akong high school. Sabi niya, just play it cool, then casually add him. So I took his advice. I added him, then nag-log out ako. Nung nag-log in ulit ako, sobrang saya ko nung nag-message siya sa kin. Sabi niya, bawal daw mag-follow up ng trabaho sa FB. Sabi ko hindi naman ako ganun. Tapos nun, buong gabi na kaming magka-chat. Yung tipong 2AM na, magka-chat pa rin kami. Pinatayan na nga lang ako ng tatay ko ng wifi, kaya hindi na ko nakareply sa kanya. The next day, magka-chat ulit kami. Alam kong dapat may limit kasi nga kailangan kong umiwas sa familiarity threat kung gusto kong manatiling skeptic. Eh wala eh. Matigas ang ulo ko eh.

Eventually, nag-decide ako na gumawa ng blogsite sa WordPress kasi blogger din siya. Matagal ko nang alam pero nun ko lang naisip mag-blog. Wala lang, para lang mang-stalk. Hindi ko na matandaan kung pano nangyari, basta one time, nai-open ko sa kanya na may crush ako at ini-stalk ko siya somewhere. Natatawa nga ako kasi tina-try niya pang hulaan kung sino. Hindi ko sinabi, pero alam niya na nasa Post Office Building lang din yung crush ko. Nai-open ko nga din sa kanya na nung grade 3 ko, mayroon akong crush na namatay. Nasabi ko rin sa kanya na hirap akong magka-crush kasi ang dami ko ngang fears. Kung saan-saan na napunta yung mga usapan namin. Until one time nga, na-curious ako dun sa favorite series niya, yung Game of Thrones. At first, kunwari lang na interested ako. Nag-offer siya na magbigay ng copy ng Game of Thrones, ilalagay niya daw sa CD. So the next day, nagkita kami sa labas ng office namin para lang iabot niya sa kin yung CD. Bad trip pa nga kasi corrupted yung episode 1. Ang dami niya pang ginawa para lang makapanuod ako ng episode 1, kung anu-anong links na yung binigay niya. Until ayun nga, natapos ko na yung season 1, tapos binigyan niya ko ng copies nung ibang season. Minsan nga, ginagawa ko na lang na reason yung Game of Thrones para lang magkausap kami. Everyday kaming magka-chat. Alam kong secret lang yung pagcha-chat namin. Walang nakakaalam sa mga officemates ko, and somehow feeling ko wala ding alam yung officemates niya. Tuwing magka-chat kami, feel ko din na masaya siyang ka-chat ako. Yung feeling na sana lagi na lang ganun.

One time, nagpost siya ng blog niya. Tapos ni-like ko naman. Bigla siyang na-chat kung ako daw ba yung *insert name of blogsite*. Napaisip tuloy ako kung pano niya nalaman. So tinanong ko siya, sabi niya siyempre daw kasi picture ko daw yun nandun eh. Ayun, cornered na ko. Napaamin tuloy ako. After a few minutes, sabi niya babasahin daw niya yung blog ko. Sabi ko wag niyang basahin. Tapos hindi na siya nag-reply. Maya-maya nag-chat siya. Sino daw yung crush ko. Sabi ko akala ko ba awat na yung topic about sa crush ko. Sabi niya, at least daw ngayon yung assumption daw niya kung sino yung crush eh naging ten times. Parang sure na sure na siya kung sino yung crush ko. Ilang araw ko din siyang hindi naka-chat. Ayoko siyang kausapin. Nahihiya ako. Tapos bigla siyang nag-message after three days. Kinakamusta niya yung pang-i-stalk ko. Ginawa ko ang lahat para lang ibahin yung topic. Sinakyan lang niya ko. After that, tuloy pa rin yung pagcha-chat namin. Usual topics, anything under the sun. Minsan, ino-open niya yung topic about sa crush ko, pero iniiba ko yung topic. Napapaisip nga ako, buti na lang nakuha ko na lahat ng episodes ng Game of Thrones kasi parang hindi ko na siya kayang kausapin after ng discovery niya ng pagkakaroon ko ng crush sa kanya.

A few days before yung birthday ko, nagpost siya ng blog. Tula nga actually. Sabi niya dun, hindi pa siya ready sa love life. Ang focus niya muna eh yung pangarap niyang magkaroon ng sariling business. I took it as a sign na na-friendzone ako. So in-unfriend ko siya sa FB. In-unfollow ko din siya sa WordPress. Ilang araw akong down nun. Nung mismong birthday ko nga, kahit year-end party namin, hindi ko magawang maging masaya. Yung hindi ko ma-enjoy yung party. Nung nag-log in ako nung gabi, madami namang bumati sa birthday ko. Pati siya, kahit hindi ko na siya friend sa FB. So in-add ko ulit siya. Nagulat nga siya. Nagtaka. Anyway, after that, nag-decide akong wag siyang i-chat ng one week. Ang dami kong pakulo. Nung December **, two days after ng birthday ko, may Christmas party sila. Invited kami. So pumunta ako, I mean, kami. Andun naman siya, pero hindi kami nag-usap. Magkalayo din naman kami ng table. Weird naman siguro kung lalapit siya sa kin. I believe walang nakakaalam na close kami. At least, online. After nun, hindi ko pa din siya china-chat. One week nga eh. Kahit nag-message siya one time. Kung anu-ano talaga trip ko eh.

Then after ng abstinence ko, nag-comment ako sa isang post niya. So that started another round of chat. Nakakatuwa lang kasi ramdam kong ayaw niyang mahinto yung usapan namin. Parang sabik na sabik siyang makausap ako. Yung feeling na nasa cloud nine ako. Tapos hindi ko na naman alam, kung ano na naman ang trip ko at naisipan ko na namang na wag siyang i-chat ng one month. So hindi ako nag-log in ng one month. No, joke lang. Hindi rin ako nakatiis. Three weeks lang ako nag-last. Then siya ang unang nag-chat. Parang ang sungit ko pa nga ata sa kanya. Na-guilty tuloy ako. So after two days, tinanong ko siya, kung ano ba talaga yung feeling niya nung nalaman niyang crush ko siya. Sabi niya, natuwa daw siya, kasi tama daw yung hinala niya. Then after which, na-pressure siya, kasi gusto din daw niya ako pero priority niya nga yung pangarap niyang mag-business. Sabi niya, na-confuse daw siya. Sabi niya, uunahin niya muna yung pangarap niya. Tapos, kapag naging successful siya, tsaka na daw niya iisipin yung interest niyang mas makilala ako ng husto. That night, we agreed na mas makakabuti na we get to know each other further. Akala ko, this is it. Akala ko, this time, mas magiging close na kami, yung hindi na lang online. Yung real life closeness naman. I mean yung closeness na pangmagkaibigan.

Then ewan ko, na-enjoy ko ata ang hindi pag-o-online. Two weeks akong hindi nag-online. Pagbalik ko, nag-message agad ako sa kanya. Tapos na-seenzone ako. Bad trip talaga ako nun. Valentines nun eh. Casual lang naman yung message ko, nothing romantic. Pero somehow, nag-eexpect ako na magrereply siya. Eh wala, seenzoned talaga eh. Then after a few days, nabalitaan kong nag-AWOL pala siya. One time kasi, nabanggit niya sa kin na nahihirapan na siya kasi nadagdagan yung trabaho niya. Ang sama ko, ni hindi ko man lang siya in-encourage. Nag-AWOL tuloy.

Nang gabi ding yun, nag-message ako sa kanya, tinanong ko yung about sa resignation niya. Sabi niya, napagod na kasi siya. Kaya ayun, sumuko na siya. This time, napansin ko na bihira na siyang mag-FB. Like interval of 20-24 hours. Nagrereply siya sa messages ko, pero after one whole day bago magreply. Yung feeling na may iba. One time nagkabiruan kami, tinanong ko kung nagstart na ba siya ng business niya, at kung ano ba yung business niya. Tinanong ko kung baka beauty parlor ba yun kasi magpapakulot sana ako. Sabi niya, hindi ko na daw kailangan yun kasi maganda na daw ako. Siyempre, kinilig naman ako. Sinabihan ako ng maganda ng crush ko eh. Pero yung feeling na kahit ganun, may iba pa rin. It felt hollow. Pero pinaniwalaan ko pa rin yung gusto kong paniwalaan.

Then kaadikan ko na naman, one month na naman akong hindi nag-FB. Siya naman, two months nang hindi nagba-blog, at bihira mag-FB. Yung wala na talaga kaming means of communication. During those times, hoping ako na okay pa rin kami. During those times as well, sinusubukan kong wag dumidepende ng husto sa feelings ko sa kanya.

When I came back, wala, madalang pa rin siya mag-FB. Hindi na rin siya nagpo-post. Minsan feeling ko may iba na siyang FB account. Nag-message ako sa kanya, kasi hindi kami nagpapang-abot sa FB. Kinamusta ko yung business niya. Nagreply naman siya, sabi niya okay naman daw. Pero this time, iba talaga yung pakiramdam ko. Yung feeling na nakikipag-usap ako sa pader. Yung walang emotions yung kausap ko. Yung feeling na nag-reply lang siya sa ‘kin for the sake na maka-reply lang. Walang emotions. Walang excitement. Basta sagot lang. I took it as a sign na wala na talaga.

A few days before that, napaniginipan ko siya. One thing na never nangyari before. Never ko siyang napaniginipan eh. Pero sa panaginip na yun, may girl na nag-confess sa isang guy. Sabi niya sa kin, dapat ganun din daw yung confession na ginawa ko. Una sa lahat, never naman akong nag-confess sa kanya, na-discover lang niya yung feelings ko sa kanya. At pangalawa, sa panaginip na yun, hindi ko na-witness yung confession nung girl, binanggit lang niya sa kin. Sa panaginip ding yun, tina-try niyang kausapin ako, pero ako yung lumalayo, umiiwas, kasi nahihiya ako sa kanya. Then at some point, may lumapit sa kin na isang guy, sabi niya kakausapin daw ako ni Excel. Bago pa ‘ko makaiwas, andun na siya sa tabi ko. Nag-aayos pa nga ako ng buhok ko nun. Tapos nakikipag-usap siya sa kin na parang normal lang. Nakikipagkulitan. Tawa pa nga ako nang tawa. Tapos ewan ko, bigla ko na lang na-realize na panaginip lang yun. Tapos nagising na ko. Nung una, masaya ako kasi first time ko siyang napaniginipan. Then the realization hit me. Na baka kaya ko siya napaniginipan eh kasi yun na yung last time na makikita ko siya. A few days after, napaniginipan ko ulit siya, this time, nagtext siya sa kin. Something positive. Tapos nagising ulit ako. Pero hindi ko makuhang maging masaya. Then ayun nga, nung nag-log in na ko, parang wala na talaga siya. Hindi na siya yung Excel na kilala ko. Ang layo na niya. Well, ako din naman kasi yung gumawa ng distance.

Most of the time, part siya ng prayers ko. Na sana magkaroon kami ng chance, kahit yung lumabas lang, magkakwentuhan. Pero never nangyari. Minsan, gusto kong humingi ng sign, kaya lang hindi ko ginagawa. Natatakot kasi ako. Natatakot akong malaman yung totoo, na hindi siya yung tamang guy para sa kin.

Sabi nga ni Sabrina Alexis sa blog niya, minsan alam na natin yung sagot sa tanong natin, deep down inside us, naghahanap lang tayo ng taong magsasabi sa ‘tin na okay lang ang lahat. Pero yun kasi yung purpose ng guts natin, yung sabihin sa ‘tin yung totoo, kasi ayaw nating tanggapin.

Ang hirap kasi niyang kalimutan, kasi he’s so good on paper. Professional siya, may pangarap sa buhay, nasa tamang age, gwapo, you get the idea. He’s almost everything on my checklist. Almost lang naman. Yung iba kasi hindi ko alam, kasi hindi ko naman alam yung ugali niya. Kaya almost lang. Kasi yung nasa surface palang yung alam ko tungkol sa kanya.

Minsan, bad trip lang kasi hindi ko maiwasang mapaisip kung uto-uto ba ‘ko. Hindi naman siguro ako tanga, pero napaniwala niya ko. Or maybe totoo naman yung sinasabi niya, ako lang yung lumayo. Ewan ko.

Hindi ko alam kung mahal ko ba siya, o sobrang obsessed lang ako sa idea niya. Basta, isa lang ang alam ko. Kailangan ko nang magmove-on. Para kasing tragedy in the making yung “love story” namin. Auditor ako, accountant siya. Kung gusto naming ituloy ‘to, it’s either one of us loses his/her job, or we continue a relationship in secret, or just forget it all over. Siguro one reason kung bakit gusto ko siya, eh kasi andun yung thrill na dapat hindi kami mahuli. Factor siguro yun as to why I tricked my brain that I like him. At ayun, eto ako ngayon, heartbroken.

Baka kaya siguro hindi binibigay sa ‘kin kasi hindi makakabuti sa ‘kin. Baka kung ano kasing gawin ko. Baka instead na for the better eh for the worse pala kami. Baka kaya ganun. Parang yung love story nina Romeo at Juliet, tragedy from the start. Anyway, naniniwala naman ako na everything happens for a reason.

Ikaw ba, fan ka ba ng Romeo and Juliet?

“At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa Kaniyang nasa.” – Roma 8:28 (My favorite Bible verse)

***

Ito ay ipinadala sa akin ng isang kaibigan ko sa blogosphere. Siguro may tiwala siya sa akin kaya naisipan niyang ipadala ito. Salamat. I will just email you my two cents on this issue. Masyado na kasing mahaba ang kwento mo. Medyo overloaded na kung dadagdagan ko pa. Baka nga isang blog article pa ang gawin ko para sagutin ko ito. Basta paantay na lang. Medyo busy lang ako this week. Pero sa aking mga mambabasa, baka po may maipapayo kayo. Pakikomento na lang po.

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

4 comments on “Bawal bang umibig ang isang accountant sa kanyang auditor?

  1. Jai
    May 2, 2017

    Pinapatay yung WIFI? Ang galing. Hehe.

    Anyway, ang saklap nito. Ang hirap kasi kahit online lang meron pa ring emotion involved. Kahit sabihin mong wala lang sa una, meron talaga in the long run e. I would say,

    if the sender of this story is a woman, it is okay na wala siyang ginawa and let this thing be dealt between her and God. Let God satisfy every emotion and heal the pain that this has caused her. The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit. Let the Lord give her clarity and love.

    But if the sender is a man, I hope he would give clarity to the woman. Be it yes, or no, just give clarity. Initiative and leadership is a part of the role that God has given to men so I hope, by the help of God, he would man up and just initiate closure and clarity. I know it is really hard for men to speak up and clarify things but I hope that no matter how hard, they will embrace their role and be true to their identity.

    Thanks for sharing the story. 😀

    Liked by 1 person

  2. Maria Michaela Jamora
    May 2, 2017

    Seems like I’m reading an all-time​ high school story. I like how the way she managed everything but looking at it, the only thing that makes her feelings become more intense is ung withdrawal nya from any unconfirmed feelings. All the while na umiiwas sya, it doesn’t ease her as part of her is still hoping.

    Liked by 3 people

  3. Jester
    May 2, 2017

    hehe nakaktuwa naman to Dr. Eamer. Somehow nakarelate ako dito since nasa government din ako as Accountant like Excel tapos naging crush ko naman yung COA Auditor namin. Un nga lang hindi nya nalaman na crush ko sya..hehe may comment lang ako dun sa pagiging member ni Excel ng Bids and Awards Committee kasi may provision sa RA 9184 na hindi pwede maging member ang Accountant or any accounting staff.. Anyways nice story =)

    Liked by 3 people

  4. Doctor Eamer
    May 2, 2017

    Reblogged this on P.S.A..

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 2, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , .
%d bloggers like this: