Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Praise the Lord!

It’s been a while. A very long while. Four years din (almost 5 years actually) of being on “hiatus” stage of my blogging ventures. Ang dami kong gustong ikuwento sa ilang years na paghinto ko sa pagba-blog. Learnings. Failures. Success. Journeys. But if I’ll summarize it, all I can say is that… God is good. He is faithful.

Ayun na nga. “Umalis” ako sa blogosphere na single… at eto ngayon, babalik na married na, plus we’re expecting a honeymoon baby. Kaya naman “Praise the Lord!”

For those na friends ko sa Facebook na ngayon lang nila nalaman na “Ahhhh blogger pala si Joseph!” Yes po. Nasa About Me section ko yung reason why my pen name or online name is Doctor Eamer. I’m a blogger na nagba-blog about my personal views on love and relationship.

Top 10 Emerging Influential Blogs 2015

Hundreds of blogs na rin pala ang naisulat ko simula nung nag-umpisa ako. Nakakatuwa lang ding balik-balikan. Ang dami ko ring memories ng mga kapwa ko bloggers and their blogs. Some of my blogger friends ay abala na rin sa kani-kanilang mga sariling buhay. Some stopped blogging. Some still blog. Some have kids. Some are into a relationship. Some stay single.

Pinilit ko talagang maisulat ang article na ito ngayong unang araw ng 2024 because I want to commit to blogging/writing for this year. Buena mano ika nga.

So ayun nga po. Kinasal na ako last October 2023. Napakarami kong blog entries about my relationship kaya hintayin niyo lang ang mga isusulat ko. Mula sa friendship stage… pandemic stage… ligawan stage… proposal stage… pamamanhikan stage… wedding preparation stage… Hanggang sa ito na nga. Married life. Parenthood soon.

Joseph Valerie Jem

Sa mga followers ko sa blog na ito, kung mababasa niyo man ito, I’m sure masaya kayo para sa akin. Especially doon sa nasubaybayan ang journey ko dito sa blogging. Hindi ko man kayo maisa-isang pasalamatan sa pagsuporta (in any ways), I just want you to know, na isa kayo sa reason kung bakit ako bumabalik sa pagsusulat. Hey! Drop some comment naman dyan if nababasa mo ito. Gusto kong mag-reconnect sa blog niyo rin. πŸ™‚

At sa inyo na mga napapasyal sa blogsite ko. Minsan nagtataka rin ako kung bakit nga ba kayo napadpad dito. Ano kayang search term ninyo sa Google? πŸ™‚ Maraming salamat! Kasi kahit na hindi ako nagparamdam ng ilang taon ay may patuloy pa ring nagbabasa ng mga blogs ko. I hope you learned something. Or kahit papaano, napangiti ko kayo sa mga blogs ko.

At para naman sa mga susunod pang makakadiskubre ng blogs ko, Welcome to my Blog! Kung nakaabot ka dito sa pagbabasa, here’s my reward for you. Feel free to download my first self-published book: Love is BLOG.

I was listening to this song, Praise by Elevation Worship, when Valerie Jem (my wife) tried the pregnancy test kit last November. During our wedding day ay may period siya. Kaya few days after that (based sa mga nakakatanda at sa research), mataas ang chance na fertile siya. Kaya naman after a month and few days, delayed na nga ang menstruation niya. Eh dahil prepared ako (excited yarn), may stock ako ng pregnancy test kit. Hindi ko nga sinabi kay VJ na bumili ako few weeks after ikasal. I just know na kakailangin namin iyon (saka Buy 1 Take 1 sa Watson eh!).

Tadah! Positive sa pregnancy test. Inulit din namin iyon kinabukasan, positive ulit. Thank You Lord! Pagkagising na pagkagising sa umaga ang best result daw. Salamat sa mga YouTube vlogs na pinanood namin kung paano gumamit ng pregnancy test kit. πŸ™‚

Then by December, we were requested by our OB-Gyne to have an ultrasound para malaman kung kumusta ang kalagayan ni Baby. Mahigpit daw ang kapit. Okay din ang heartbeat. Thank You Lord! Pray with us na maging patuloy na healthy si Baby.

Still on the “cloud nine” moment pa nga kami ng aming kasal and ito na naman ang another reason to celebrate God’s goodness.

Hey. If you are reading this. And you are a couple na praying for a baby. I am praying for you. Magtiwala ka lang sa ating Diyos. In His timing, sasagutin Niya rin ang inyong panalangin.

I’ll praise when I feel it, and I’ll praise when I don’t,
I’ll praise ’cause I know You’re still in control

If sinagot ng Lord ang prayer mo, praise Him. If hindi (pa) sinasagot ng Lord ang prayer mo, still praise Him. His plans are greater than our plans. His thoughts are greater than our thoughts. His ways are greater than our ways. Read Isaiah 55:8-9.

I don’t know how to end this blog. Basta masaya ako na back to blogging na ako! Let’s welcome this year with a positive attitude and a heart that is fully trusting Him. Welcome 2024!

6 comments on “Praise the Lord!

  1. Admin
    May 9, 2024

    Welcome back po!!

    Like

  2. RheaAngeline
    February 14, 2024

    Uy! May nagbabalik! Happy for you and wifey!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 25, 2024

      Wooooohooo! Kamusta na ang Inay namin sa blogging hehe Thanks Inay Rhea! Happy rin ako para sa “inyo” πŸ™‚

      Like

  3. Marts Valenzuela
    January 3, 2024

    Welcome back, Doc! Namiss ko ang PSA in fairness hehe. Regards kay wifey! Welcome din sa buhay may-asawa hehe.

    Like

    • Doctor Eamer
      January 5, 2024

      Oo nga bro! Thanks sa pag-welcome! Hehe! Congrats din sa iyo ni wifey mo, for the baby boy πŸ™‚ Cheers to blogging!

      Like

Anong masasabi mo?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Information

This entry was posted on January 1, 2024 by in Blogging, Personal 101 and tagged , , , .
Follow Doctor Eamer on WordPress.com