Sa mga oras na naglalakad ka at nakita mong hindi pala nakatali ang mga sintas mo, yumuko ka at napansin ito. Habang inaayos mo ay may isang taong paparating sa direksyon mo, ngunit sa kasamaang palad hindi mo siya mapapansin. Bakit? Yumuko ka kasi para itali ang mga sintas mo. Sa mga oras na tumayo ka na upang maglakad muli, siya namang paglayo niya sayo. Lessons learned: Huwag magsintas!
Ngayon palitan nating iyong ordinaryong tao na nakasalubong mo bilang isang tao ng nakatadhana pala para makilala mo. Naglalakad kang muli at siya naman ay naglalakad ulit papunta sa direksyon mo. Magkakasalubong kayo, kaso kinakailangan mong lumiko dahil hindi naman diretso ang daan na tatahakin mo. Kelangan mong kumaliwa at sya naman piniling kumanan. Sayang! Hindi pa rin kayo pinagtagpo! Lessons learned: Lumakad sa tuwid na daan!
Iba’t ibang sitwasyon ay binubuo ng iba’t ibang pagkakataon. Maaaring gasgas na ang mga katagang ‘hinihintay ko ang tadhana ko’ o ‘di kaya ‘alam kong may nakalaan para sa akin’ pero hindi pa rin tayo nadadala at patuloy na umaasa at nagpapantasya. Nakakatawa minsan kung paano magbiro ang tadhana. Maraming nangyayari sa pang-araw-araw nating buhay. Minsan may mga bagay na nangyayari sa hindi inaasahang panahon.
May mga dumarating na hindi naman hinahap at meron rin namang halos hinalubog na ang buong mundo wala pa ring nakita. Hindi mo naman kailangang tumingin para makita mo. Hindi mo rin kailangang magmadali kasi iniisip mong nauubos na ang oras mo. Malay mo kasi nariyan na pala siya pero hindi mo lang nakita kasi sa iba ka nakatingin. Nakasalubong mo na pala sya pero may binabasa ka kaya hindi mo siya napansin. Nakabungguan mo na pala siya, kaso maraming tao kaya hindi mo malaman kung sino siya sa mga iyon.
Sadyang maraming misteryo sa buhay natin at hindi natin alam kung paano nangyayari ang mga ito. Kung totoo man ang tadhana siguro isa tayo sa mga instrumento kung bakit nagiging makatotohanan ito.
Naniniwala ka man o hindi, nais kong sabihin na may isang taong darating para sa iyo. Hindi ko alam kung paano. Hindi mo alam kung bakit pero isa lang ang maipapayo ko. Kapag dumating na siya at kapag nagkita na kayo, isa lang ang dapat mong gawin. Panghawakan at ingatan mo siya. Dahil ang pagmamahal minsan lang dumarating sa tao. Isipin mong isa ka sa mapapalad na nabigyan nito kaya dapat mong hawakan ito ng buong puso at walang pagkukunwari. Ang tunay na pagmamahal dumadating sa mga taong marunong maghintay at mag-alaga nito.
***
Salamat Crisel (AkoSiBabae) sa pagpapaunlak na makilahok sa aking guest blogging. Patuloy lamang sa pagsulat! God bless!
Ikaw, naniniwala ka ba sa tadhana? Ako kasi naniniwala ako sa “That Thing Called Destiny.” Pindutin mo ang link para mabasa mo at mas maintindihan mo gusto kong sabihin.
Kung hindi ka pa naniniwala sa tadhana, baka kailangan mo munang tumakbo! Tara sama ka sa aming Fun Run sa October 24. Check this for details.
***
Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Photo Credits (here)
Wow. Nakakainspire naman. Looking forward sa destiny ko. Feeling ko nakasakay ko na sya sa MRT, kaya lang gitgitan kaya di kami nagkita. Hahaha 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Try mo naman sa bus baka magkita na kayo.LOL!
LikeLiked by 1 person
Haha… Tinry ko rin pala sa UV Express, di pa rin kami nagkita. 😦 So bus na lang talaga ang sagot sa aking destiny. Haha 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahaha. Try mo ding maglakad 😉
LikeLike
Hahaha. Tatry ko na lahat… para walang regret. 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Baka naman nasa simbahan niyo lang.haha
LikeLike
Napaka mapaglaro ng tadhana pero tamaa! May isang taong nakalaan para sayo. Makilala mo siya o nakilala mo na sa maraming paraan. In mysterious ways nga sabi.
LikeLiked by 1 person
Love moves in mysterious ways 🙂
LikeLiked by 1 person