Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Tips Para Mahalin ang Sarili

Nakita ko lang ito sa isang thread sa femalenetwork.com. Interesting naman kasi at para sa mga kababaihan kaya I will post it here.

Sabi ni slurpee: hi girls. diba laging sinasabi na para mahalin ka ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo? medyo hindi ko gets ito eh. im single since birth, at although most of the time i like doing things alone (i do my errands alone, sometimes i watch movies alone, etc) minsan nalulungkot din ako na wala akong makasama to do stuff, wala akong someone to talk to after a long day, ganyan ganyan. i’d like to think i’m a good catch naman (pasensya na ha kung nagbubuhat na ng bangko hehe), may itsura naman ako, well-educated at disente. a guy friend once said na ako daw yung type na pinapakilala sa magulang. tahimik at mukha nga lang akong suplada at first so tinatry ko talaga ngayon na mag-smile palagi. the thing is, parang walang interesado sakin at all. as in wala talaga :( so iniisip ko lang, ano ba itong sinasabi nila na mahalin muna ang sarili para mahalin ka ng iba? lately yan lagi ang pinagmumuni-munihan ko. hehe.

Ito naman ang mga piling sagot na makakatulong sa mga nagtatanong kung paano ba mahalin ang sarili.


From rianne_mallows

hi sis.. how to love yourself?… mukang ok ka naman eh…  i think that phrase applies more on those who are in a relationship already.. na tipong sa sobrang pagmamahal sa partner eh nakakalimutan na ang sarili.. sabi mo nga ok ka naman… ikaw kamo yung tipong pinapakilala sa magulang…

question ko muna sa iyo…

1. ano work mo? may mga work kasi na mahirap na talaga makakita ng partner… like teachers ganun…   iba kasi yung environment..  hirap makakakita ng single guys

2. assess mo yung males sa social circle mo… are they attached na?  baka kaya awala kasi walang available? so you have to meet new peeps kesa naman may sabit ..

kwento ka pa sis


From |:AyemZia:|

^i agree sis rianne_mallows! feeling ku nga sa mga in a relationship siya more applied kase i’ve been there myself, plenty of times. :(

advice ku naman sis slurpee, try mung makipagsocialize more. tama c sis rianne_mallows, baka hindi ka mashadong nakakameet ng single and available guys. :) mingle galore na! :D


From rianne_mallows

here’s what i suggest you do to broaden your social circle ng hindi naman parang trying hard makakita ng lalaki..

1. enroll in sports classses… madaming guys sa ganyan and madalas singles kasi madaming free time ang singles compared to married guys and those who are attached na.. maganda din ito for you..
syempre mas ok sana kung tipong martial arts, wall climbing, scuba, mga ganun… swimming ok lang din naman

2. mag gym ka.. madami din single guys sa ganyan.. again, good for your health

3. be active sa church … believe it or not, madaming single guys din jan… at least maimprove ka pa spiritually

4.look for a new job – suggestion lang naman ito ha… apply for a higher position .. isipin mo, career advancement na, maiba pa yung environment and hopefully, makakita ka ng single..

5. if possible, mag-masters degree ka… malay mo, may future classmate mo pala si mr. right

well, if you want my advise to work, huwag ka magsama ng sabit ha… i mean, dapat mag-isa ka lang magsports, gym etc… kasi kapag may kasama ang girl, mas hirap ang lalaki lumapit.. may “bantay” kung baga… hindi makaporma ng maayos si lalaki… saka isa pa baka instead na sa iyo, kay friend maging interesado edi bokya na…

again, if hindi pa rin palarin makakita ng single, at least you did yourself good pa din kung gagawin mo suggestions ko


From rae

Baka di applicable sayo yung mahalin ang sarili na phrase. Applicable yun sa mga tao na walang respeto sa sarili nila, so yung mga tao around them tend to step on them.

Madami akong kilala na SSB din. Ang usual na napapansin ko sa kanila are one or many of the ff:
– hindi sila approachable
– or they come across as mayabang or mataas ang tingin sa sarili (not to be confused with confidence)
– or stuck-up sila
– or mukhang boring kasama
– or masyadong pakipot
– or mukhang high-maintenance (depends sa circle mo)

Pero mas madalas yung mukhang hindi approachable or hindi madaling makasama.

I suggest mag-add ka ng activities, wag yung mga party. Tipong, enroll sa cooking school, punta ka ng seminars re: personal finance, real estate, etc., basta activities na makaka-meet ka ng matinong lalaki.

Dont focus muna in looking for a bf. Focus on how you interact with men and how you handle yourself around them.


From sardonyxmemoirs

SUPER NAKAKARELATE AKO. SUPER. To be honest, enjoy ko naman ang me time ko. Some girls just have to be with friends or bf palagi (kahit lunch or kahit mag-siCR nga lang!). Not me. My instinct is to be independent (though may mga friends din ako and we hang out occasionally). But sometimes it just gets to you–“Why am I alone?” or “Why does nobody want me?”. Like you, feel ko naman I’m OK, sure, medyo mapimple and the teeth is big and uneven and all pero decent-looking naman at in fairness, madalas masipulan or mabati ng random guys sa street. Like you, mukha din daw akong suplada, so I try to smile more often and I consciously try to soften my face.  There are times na I feel like a confident, empowered femme fatale, especially when guys are staring at me in jeepneys or in malls (I kind of have a killer walk ;)). But pag nasa school ako, all the attention vanishes. It’s as if I’m invisible, I don’t exist in men’s eyes. It’s on those times that I feel very unlovable and ugly and insecure. Why?


From runaway_bridesmaid

i have a friend who is exactly like you, ganyan din siya mag isip, “what’s wrong with me, why am i still single” yan ang isip niya kaya bumababa ang self confidence niya to think na very successful siya sa career.

realidad ng buhay sa circle na kinabibilangan mo, konti na lang talaga ang good catch, either the good guys are married, in a serious relationship, or gay…yun ang reason, so dont think na something is wrong with you…

pansin ko sa mga class e & d people, konti lang ang single girls, kasi sa kanila maraming lalaki, kahit panget at masama ugali nakakapag asawa kaagad kasi nga sa level nila guys are everywhere…at alam ko di ka naman mag se settle sa guys from that level no.


Usapang girls ata ito. Bakit ba ako makikisali? Haha! Ito naman ang masasabi ko. Read: 5 Ways to Love Yourself Before Loving Others

Advertisements
%d bloggers like this: