Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Everest, Explorer, Expedition, Ranger, Fiesta and Xander

Hindi ako mahilig sa mga sasakyan dati. Because simply I cannot afFORD it. Pero sabi nga sa bibliya, be faithful in small things and God will entrust to you bigger things. Naging faithful naman ako sa paglalakad noong kolehiyo sa UPLB. Grabe ang mga klase namin doon. Mga 10 minute-walk sa next class. Tiniis ko iyon mula freshman hanggang sophomore. Buti noong magsimula ang 3rd year hanggang sa makatapos ako ay nasa isang compound na ang mga subjects namin dahil majors naman iyon.

Last year I bought a motorcycle kasi hindi ko na talaga kaya ang traffic sa LB! Imba na! Kung gusto mong masubukan ang pasensya mo, tara sa LB. Kakatapos ko lang bayaran last month ang motor ko. Thank God for the provision. Akin ka na Blue! So far, wala pa naman akong major accidents except when I tried to drive at the Jamboree road. Dumulas lang naman kami ni Blue. Maliit na galos sa tuhod (one-peso coin size) at may sinlaki ng butil ng munggo na sugat sa palad. Actually madahan naman talaga ako while driving pero mukhang may spiritual forces na tumulak sa akin.

Ngayon ko lang naisip na sana ay dati pa ako bumili ng motor. Sobrang sulit! Ang 40 minutes na commute ko papuntang office, nagagawa ko nang 10 minutes lang. Kasi may short cut na way para sa may private na vehicle. Sa IRRI ako nadaan. Noong commute kasi, dalawang sakay pa ako.

Gusto ko na rin naman magkaroon ng four wheels. Pero ala pa kasi sa budget ko iyan. Besides, ang hirap sa traffic! Buti sa motor, lagi akong nakaka “side driving”. Kung wala pang four wheels, malay mo mauna ibigay ni God ang “Four feet and two wheels”. Haha! May ka-angkas na sa motor. LOL! Pero may usapan kami ng ate ko na target namin magkaroon ng car next year para sa business and sa family get away na rin. Mas maluwag na naman kami sa finances dahil magkakawork na naman for sure ang bunso naming kapatid. Guys, pasama siya sa prayers. He will be taking CPA Board exam this coming Saturday. Apat na araw iyon.

Actually, buti na lang single pa ang ate ko. So wala pang kahati sa finances. Hahaha! Kaya mabuhay ang mga kapatid na single! May purpose mga bes! Baka kaya single ka kasi gagamitin ka pa ni God para tulungan ang family mo. 😉

Mahilig ako sa road trip. Though hindi naman ako masyado adventurous, but I think kaya ko ang mag-bus papuntang Bicol, then uwi din pabalik just to have a “road trip”. Melan kasi ako sa biyahe. Pinakagusto ko talaga ay nasa window seat sa bus. Tapos magmamasid lang. Doon ako nakakapag-isip ng maayos. Minsan mga brilliant ideas pa nga. Actually, kapag gusto ko lang mag-road trip gamit ang motor, I just drive sa mga nearby areas na tahimik. Yung tipong madaming greens kang makikita at sariwa ang hangin.

Marunong naman ako mag-drive ng automatic. I’ve been to SLEX and Tagaytay na rin in driving. Then sa Nasugbu Road na shortcut papuntang Tagaytay. Ang daming curves doon. Nakapag-drive na rin ako ng manual sa Kalinga. Pero like 30 minutes lang. Kung sakaling magkaroon ako ng car soon, gagala agad ako with my family. Haha!

Bakit nga ba napunta ang blog ko about sa sasakyan? Ewan ko rin. Wala ring kinalaman ang title ko sa article na ito. Pero nakisabay lang ako sa trending topic/issue na si #ZanderFord. Bakit hindi pa niya ginawang Xander Ferrari? Malay natin magkaroon ng model ang Ford Cars na ang pangalan ay Xander. Ayos! Xander Ford 2017 model.

Ano nga ba ang say ninyo sa plastic surgery? You can read the article of Dr. Gideon Lasco – Do we have the right to modify our bodies? At huwag din nating kalimutan na may ilan na rin ang namatay sa ganyan – When plastic surgery goes wrong.

 

Advertisements

25 comments on “Everest, Explorer, Expedition, Ranger, Fiesta and Xander

  1. intrepidiam
    October 5, 2017

    Ang dami kong tawa. Hindi ako bigo na suyurin kada ipopost mo Doctor Eamer.

     “Four feet and two wheels”. Napaisip talaga ako🤔. Bakit nga ba pinili kong isipin kung ano ang ibig sabihin ng linya na iyan kaysa ang basahin ang nakasunod na linya??
    Natawa nalang ako sa sarili ko.

    And yes, may purpose ang pagiging single ng mga magkakapatid, at natumbok mo iyon.

    Plastic surgery. I’ll go with the Psychologist advice kay Xander na he should go counselling. Reconstruction, deconstruction, kung ano pa man iyan it should always go with proper rehabilitation ~ counselling

    Like

  2. ymhej
    October 4, 2017

    Marlou hater here! Shet buntis ako nung nakilala yan si Marlou at ayoko syang nababasa nakikita kahit saan! Jusko! Mas hate ko sya ngayon. Feeling ko papansin lang sya. Haha. Anyway, no to plastic surgery. Para ka lang uminom ng beer para takasan ung problema mo.in the end, hindi naman talaga nasolve at babalik at babalik ka sa problema mo. Just like him, lalabas at lalabas padin naman ang dugo nyang Marlou.

    Liked by 1 person

  3. spacekoto
    October 4, 2017

    Actually kino-contact ko na mga doctor na gumawa kay Xander.. nang hihingi ako ng quotation! Hahahhaha! Baka lumabas ako sa rated K! Wahhahahahaha!

    Palit na ko name: Marian Rivera

    Liked by 1 person

    • Amielle De Torres
      October 4, 2017

      Nako Ate! Sa iba nalang! If you remember, may namatay dati na girl bc of surgery rin. ‘Yung doctor ni Marlou is the same doctor nung namatay. Feeling ko inaayos lang nila image and reputation nila.

      Liked by 3 people

      • spacekoto
        October 4, 2017

        Ayyy sila ba un? Kaya pala libre na lang ibu-buwis mo pala buhay mo ahhahaahaha! Sa Korea na lang ako wahahahhaaha!

        Liked by 1 person

      • intrepidiam
        October 5, 2017

        Iyon naman talaga purposes ng mga ganun ee. They will find volunteers for another experimentation ( sorry for my term) until maging perfect lahat. #practiceMakesPerfect

        Liked by 1 person

      • spacekoto
        October 5, 2017

        hehehehe di talaga ako magpapa surgery ok na ko sa hilatsa ng face ko .. daanin ko na lang sa placenta soap😁

        Liked by 1 person

      • intrepidiam
        October 5, 2017

        Apir. Ako man. Madami mang kapintasan, ano naman? Ik-ke-keti ko nalang.

        May mga nilalang lang talaga na mag nakukuha ang kakontentuhan sa ganuing pamamaraan.

        Liked by 2 people

      • spacekoto
        October 5, 2017

        Truth salad! Ay wait ano ung keti? Brand ba ng sabon yan? Para mabili ko hahaha!

        Liked by 1 person

      • intrepidiam
        October 6, 2017

        Hindi. Iyon iyong bida sa sanrio, heloketi.
        Char. Hindi din ako pamilyar. Nakakain ba iyon? 😂

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        October 6, 2017

        Hahaha! So ginawa ninyong chat box ang article ko? LOL!

        Liked by 1 person

      • intrepidiam
        October 6, 2017

        Doc, tinatalakay lang po namin ang makabagong trend ng news ngayon. #xanderHowToBeYouPo

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        October 6, 2017

        Ang mukhang hindi nadadaan sa santong dasalan, nadadaan sa sabunan. #HeloKeti

        Liked by 1 person

      • intrepidiam
        October 6, 2017

        Iyon nga iyon Doc ee, sabon na ngalang mukhang hindi pa magagamit, pang display lang ata ang mga sabon ni #xanderHowToBeYouPo

        Liked by 1 person

      • spacekoto
        October 6, 2017

        May sabon din na heloketi! Paka mahal hindi ata puedeng ipan ligo un hahahaha!

        Like

      • intrepidiam
        October 6, 2017

        Aii wee?? Hindi ako informed. Sabon na nga lang, pangdisplay parin . HAHA.

        Liked by 2 people

      • spacekoto
        October 6, 2017

        Uu meron nabibili sa online nakakahinayang basain kasi ang cute ni heloketi hahahaha!

        Like

      • intrepidiam
        October 6, 2017

        Tsk ! Ayaan mo, pag ako nakapag patayo ng branch ng #heloketi , iyong sabon na gagawin ko iyong hindi na sisira ang kurba kahit ihilod mo pa.

        Liked by 2 people

      • spacekoto
        October 6, 2017

        Ayan gusto ko yan hindi natutunaw hindi ka iiwan awahahahahaha! #heloketi

        Liked by 1 person

      • intrepidiam
        October 6, 2017

        Iiwan ka din. Iyong korte lang ang hindi. Lol.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 6, 2017

        Gagawa ako ng sabon na hindi kayo papaiyakin. Hindi nakakasilam. Kahit malagyan ng bula ang mata ninyo, walang sakit. Haha! Isang sabon na hindi kayo iiwan. Haha #TheRightSoap Mabibili na sa inyong suking tindahan haha

        Liked by 1 person

      • spacekoto
        October 6, 2017

        Bwahahahahaahaha ang matagal ko ng hinihintay na #TheRightSoap.. yung gentle banayad at hindi ka papaiyakin hahahhahahha!

        Like

      • spacekoto
        October 6, 2017

        Doc! Magandang makipag chat dito sa comment section mo! May freedom of speech ahahahahhaha!

        Liked by 1 person

      • intrepidiam
        October 6, 2017

        😂

        Like

  4. punjetry
    October 4, 2017

    Totally against it. It just shows these people are not satisfied with what God provided them. In short, selfish and greedy.

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 4, 2017 by in Open Letter and Commentaries and tagged , .
%d bloggers like this: