Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ang Kwento ni Segundo, Minuto, at Oras

Oras – Ako na naman ang magpaparaya. Ako na naman ang maghihintay. Ako na naman itong aasa na balang araw ay darating ka.

Minuto – Maraming salamat sa paghihintay. Maraming salamat dahil hindi ka napagod. Maraming salamat dahil hindi mo ako sinukuan. Kahit na minsan ang tadhana’y walang kasiguraduhan. Bakit mo nga ba ako hinintay?

Segundo – Pagod na ako. Tila walang katapusan ang dagok ng buhay. Pwede bang tumigil na lang? pwede bang huminto? Pwede bang magpahinga muna saglit? 


Oras – Parang wala namang nangyayari sa lahat ng aking ginagawa. Usad pagong ang tagumpay na aking gustong makamtam.

Minuto – Unti-unti. Dahan-dahan. Makakamtam ko rin ang aking mga pangarap. Hindi ko pa man kayang tumakbo sa ngayon subalit patuloy akong maglalakad hanggang sa abot ng aking makakaya. Hanggang sa minimithing tagumpay.

Segundo – Hindi ko naman pinili ang ganitong buhay. Mayaman. Kilala. Matagumpay. Pero bakit sa lahat ng mayroon ako, parang may kulang pa rin? Bakit minsan ay mas gusto ko pang makipagpalit ng buhay sa iba? Simpleng buhay lang naman ang gusto ko. 


Oras – Araw at gabi. Noon at ngayon. Bukas at magpakailanman. Walang nagbabago. Andito pa rin ako. Maghihintay lamang sa iyo.

Minuto – Akala ko ay siya na ang hinihintay ko. Ang hindi ko alam, siya pala ang nagtulak sa akin papunta sa iyo. May isang ikaw pala na sa akin ay naghihintay.

Segundo – Naririnig mo ba ang tinig ng puso ko? Sinasabayan nito ang tibok ng puso mo. At sana… Sana ay ako pa rin ang tinitibok ng puso mo.

Advertisements

11 comments on “Ang Kwento ni Segundo, Minuto, at Oras

  1. intrepidiam
    September 30, 2017

    “Sana ako parin”…

    Liked by 1 person

  2. nocturnalmomtalks
    September 28, 2017

    Ang galing naman 🙂 Idol talaga sa pagiging makata 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      September 28, 2017

      Hehe Hindoi pp makata iyan. Nagpapaantok lang talaga ako kagabi. But thanks po. 😉

      Liked by 1 person

  3. Doctor Eamer
    September 28, 2017

    Reblogged this on P.S.A..

    Like

  4. spacekoto
    September 28, 2017

    Eh ano kaya masasabi ni Buwan at Taon? hahaha

    Liked by 2 people

  5. Left Pencil
    September 28, 2017

    I like the last statement of Segundo. Ahihih. 😉

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      September 28, 2017

      Habang sinusulat ko kasi ito kagabi, naririnig ko ang tunog mula sa wrist watch ko. 🙂

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

Information

This entry was posted on September 28, 2017 by in SBA & Short Stories and tagged .
%d bloggers like this: