Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Bakit ka single? | Space Ambassador

Last year di ako single. Kala ko nga this year ikakasal na ko. Tapos next year magkaka anak na ko ng kambal. Tapos next next year mabubuntis ulit. Magpadami lang ng lahi ang goal hahahaha! Pero eto ako ngayon nganga. Walang kasal. Walang kambal. Single.

Akala mo lang bes! Haha! Bili ka na lang ng puppies. Isang anakan nila ang dami!

Ang tanong bakit? Anyare? Bakit ka single? May lima akong dahilan. Dapat 10 kaso baka tumalon na ko sa building pag maalala ko lahat ahahahaha!

Kami, may labintatlong dahilan. Haha 13 Reasons Why We Are Single

1. Niloko kasi ako. Oo na-scam, na-goyo, na-budol budol. Ganon. Yung nag invest ka pero walang return of investment. Lugi. Limang taon. Yes 5 years. Kung susumahin mo lahat ng sapatos, relo, bag, damit, travels at yung pag kakain tapos ako magbabayad, baka madami na sana akong drone. Oo gusto ko ng drone. Pero baka may hindi ako nabili kaya pinagpalit ako sa iba hahahahahuhuhuhu! Ang sarap singilin, naitapon ko na kasi yung mga resibo sayang.

May mas malala pa diyan. Makikilala mo rin sila soon! 🙂

2. Yung gusto ko, lalaki din ang gusto. Ayun. Alam mo yung, successful na sya sa career, ang cute cute nya, matalino, talented, ang bait, single, pareho kami ng belief, nasa kanya na ang lahat. Pero ka-competition ko pala sya (sa Miss Gay). Iyak tawa ulit ahahhahahahuhuhu!

Yun lang.

3. Naunahan ako. Ang bagal ko kasi. Ina-add na pala ako sa facebook nung crush ko na itago na lang natin sa pangalang Bae. Di ko nakita. Eh kasi di naman ako ma-facebook wala akong pake. Huli na nung nakita ko. Pagka accept ko, ayun may kasama na sya sa profile pic nya at ang status nya ay in a serious relationship. At mukang ikakasal na. Saklap.

Sayang. Ikaw sana yung kasama niya sa profile picture eh. Haha!

4. Ang ganda ko. Feeling ko ito talaga yung dahilan ahahhahahaha! May nakakasalubong akong mga mag jowa sa mall. Yung guy ang cutie, pero yung girl hmmm basta parang ano hindi sila bagay! Hahahahha! So na realized ko, mas madali sila magkaka jowa kasi muka sila madaling i-approach at muka silang humble. So ako hinde ganon.

Gandang matumal. Haha!

5. It’s Ok. Ang sarap kaya maging single.. hello?! Isipin mo di mo kailangan magpa alam kung saan ka pupunta or kung nakauwi ka na or kung sa lansangan ka matutulog. Wala kang itetext kung kumain ka na ba? O naligo ka na? Walang stress, walang demand. Nung tinapos ko yung 5 years na relasyon ko (yes for the record ako ang tumapos), unang na realize ko.. ang sarap mabuhay ang sarap maging malaya. At ang sarap malaki na natitipid ko hahahaha!

Yeah! Welcome to the club! Haha!

Oo single ako and proud akong sabihin yan. At di rin ako nahihiyang sabihin yung mga wrong decisions na nagawa ko sa buhay kasi yun yung nakapagpatibay sa akin (hindi yung wrong decisions, yung lessons pala from it J). Hindi ako magiging ganito kasaya at ka kontento kung hindi sa mga yun. Parang gusto kong pang gawing 6 reasons, pero wag na. Ok na to. Hahahaha!

P.S. Last 2 weeks ago, kinasal na yung ex ko, at ang motif yung paborito kung kulay. Green! Best wishes and congratulations to them! At lalo na congratulations to me! 🙂


About the Author: ako po si SPACE – Espasyo, Distansya, Agwat, Puwang, Pagitan, Kalawakan, Blanko. Madaming space ang blog site na ito sana mapunan ko ng masasaya at positibong content. Pag napasaya ko kayo… kahit isang tao… masaya na ako 🙂. Read more her About Page.

https://spacekoto.com/

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.
Advertisements

22 comments on “Bakit ka single? | Space Ambassador

  1. RheaAngeline
    July 21, 2017

    HAHAHA. Ang dami nating similarities, beh. Bukod sa favorite color ko din ang green, siguro nakapag-japan na ko pabalik-balik kung hindi dahil sa mga nagastos ko sa kanya. HAHAHA.

    Liked by 1 person

  2. Luckily Loved
    July 5, 2017

    pakiwelcome ako sa club doc 🙂 hahaha
    please wag mo na pigilan nararamdaman mo.. more more reason pa please.. pasok sa banga sken ehhh (i just ended a 5yr relaswrongship) so yeah hugot na hugot ako sa blog mo…
    abngers na ako doc more please :))

    Liked by 1 person

  3. ShadesOfWanderer
    July 4, 2017

    Ang saklap naman nung #2 na dahilan. Nakaka-babae yun ah? 😀 Tsaka 5 reasons lang? More! More! Hahah..

    Liked by 2 people

  4. Doctor Eamer
    July 4, 2017

    Reblogged this on P.S.A. and commented:

    Welcome to the club!

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on July 4, 2017 by in Singlehood and tagged .
%d bloggers like this: