Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

We don’t just blog…

Lahat kami ay single*. Lahat kami ay bloggers. Pero hindi lang kami basta bloggers at hindi kami nagsusulat/nagba-blog “lang”. We have our own personal reasons why we blog. Actually, we have 13 reasons why we blog. LOL!

Ang aming presidente na si Marts ay may naisip ang isang proyekto para sa Philippine Single Association (PSA). Ito ang Project SWAP (Single With A Purpose). Title pa lang ng project, astig na diba? Haha! But instead na magsimula pa ng ibang detalyadong proyekto, we adopted the Project LiBro na sinimulan naman ng isa ko pang volunteer group na kinabibilangan.

Pito sa PSA ang natuloy na sumama sa aming proyekto:

Ako (iamdoctoreamer.wordpress.com)

Pres Marts (martsvalenzuela.wordpress.com)

Lanie (ellieshana.wordpress.com)

Kathy (fattykathyjourneys.wordpress.com)

Genny (yromarcelino.wordpress.com)

Dash (dashiellejin.wordpress.com)

Mikee (18megapixel.wordpress.com)

Ako ay nagbiyahe all the way from Bay, Laguna. Sina Marts, Lanie, Kathy, Mikee at Genny naman ay sa Pasig na nagkita-kita dahil doon may diretsong bus papuntang Nasugbu. Si Dash naman ay sa Lipa City Batangas nanggaling. Ay wait, I want to highlight na si Mikee ay all the way from Baguio pa! Ginalingan. LOL! Para sa PSA!

Nagkandaligaw-ligaw pa si Dash. Maling Day Care Center pa ang napuntahan niya. Ayun, natapos ang event namin at hindi na siya nakaabot. Nagkita-kita na lang kami for lunch sa Dalampasigan.

After lunch ay namalengke kami at naabutan pa ng malakas na ulan. Around 30-40 minutes na biyahe ng trike papunta sa Brgy. Papaya. Hindi naman naulan doon. Then biglang tinawagan si Dash ng kanyang professor. May presentation daw sa thesis niya sa masters. To cut the long story short, pagkarating namin sa place, bumalik na rin si Dash sa Nasugbu town proper at daretso uwi sa Manila. So sad. First time pa naman naming nakasama siya buti na lang nakapagkwentuhan kami during lunch.

Sobrang alaga kami ng aming contact person sa Layag-Layag beach. Si Ate Maureen. Highly recommended! Contact her at 09128190217. Sila na ang nag-asikaso ng boat, trike, eco-fee, ice, cooler, sinaing, etc.

Hindi na ako magkukwento pa ng ibang detalye sa aming outing. We enjoyed a lot! Camping, swimming, cliff diving (though si Marts at Mikee lang naman ang tumalon), stargazing and pictorial.

During the PSA Night, we had a privilege to ask a question to each one. Madami kaming nalaman sa bawat isa. Some are vulnerability and accountability questions. 🙂

I was really touched doon sa last portion bago matapos ang short “program” noong gabi – ito ang mga message nila sa PSA as a group. I’ve never expected na ang isang online community na aking sinimulan ay magiging kung ano ito ngayon. In one way or another, this group had a positive impact to them. I don’t really know exactly what’s next for the group but I know that God has a plan for each one of us. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, let us influence the world, one blog at a time.

To singleness and beyond!

PS: Matagal na itong draft sa WordPress ko. Ngayon ko lang naipost. Babatiin ko na rin ng maligayang kaarawan si Kathy! Happiest birthday to you future attorney! Nawa’y isa sa maging adbokasiya mo kapag abogado ka na ay ang mga karapatang pang-single. Haha!

Advertisements

3 comments on “We don’t just blog…

  1. 18megapixel
    June 28, 2017

    To singleness and beyond! 🙂 Sa susunod ulit doc! 🙂

    Liked by 2 people

  2. fattykathyjourneys
    June 25, 2017

    Karapatang pang-single! 👌 More benefits for singles. Free cake pag birthday. Free movie pag magisa kang manunuod! 😂

    Salamat Dr. Eamer! I am really blessed sa pagkupkop nyo sa akin sa PSA. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on June 25, 2017 by in Blogging and tagged , .
%d bloggers like this: