Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

BLOgUEST 101: Ang Kwento ng Pag-ibig ko Sa’yo

Kalahating oras ko ng tinititigan ang screen ng laptop ko.  Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwentong ito. Hindi dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang ikukuwento ko kundi dahil na rin siguro sa katotohanan na hindi ko alam kung paano ko pagkakasyahin ang ilang oras na pahinga ko para lang maikuwento sa mga magbabasa nito ang pitong taong pagmamahal ko para sa’yo.

Yes. Seven years – not five not six but SEVEN. SEVEN long years of loving, caring and being with you even if you see me as a friend only. #Friendzone that’s what they call it. Nevertheless, I still want to share this.

You might be wondering when and how did it start. Honestly, I don’t know when but I know how. Pa-fall ka kasi bes! Nakakainis ka! Alam mo yung feeling na ikaw yung parang night-in-shining armor ko.  Every time I have a problem, even if I am smiling in front of you and you can easily tell that it’s a fake smile.

I can still remember the time na magkasama tayo sa service nung high school. Nasiraan yung service natin kaya late na tayo nakauwi tapos inalok mo ko ng pan de coco. You know what? I am not really fond of eating bread esp. pan de coco pero nung ikaw yung nag-alok sakin nun, parang may kung anong magnet yung kamay mo na agad kong kinuha yun sabay sabing “Thanks.”

After that day, we started being friends until it came to a point na ikaw yung tinuturing kong big brother ko since wala akong kuya at gusto ko talaga magkaron ng kuya.

Pero shocks! Sa simpleng pagiging malapit natin.. I slowly.. started admiring you. Iba ka kasi eh. Iba yung hatak mo sakin. Pag nag bbasketball ka, sakin mo pinapahawak yung mga gamit mo, even your wristwatch and phone. Lakas maka-girlfriend ang dating. Tapos one time, may activity kami na kelangan naming mag-interview ng Sophomore students. Problemadong problemado ako nun kasi wala naman akong kakilala na Sophomore except you. Dahil nga medyo naiilang na ako sa’yo nun kasi naffall na ko sa’yo.. dinededma na kita.

Katatapos mo lang magbasketball nun at pawis na pawis kang pumasok ng service para kunin yung pampalit mong damit. Nakita mo akong natutulog at hawak yung book na naglalaman ng activity namin. “Assignment” pa nga sinulat ko nun eh tapos nung nagising ako, nagulat ako.. kasi hawak mo na yung activity book ko at pangiti-ngiti kang sinasagutan yun.

Syempre nag thank you ulit ako sa’yo at di ko naman inexpect yung sasabihin mo. “You’re welcome. Ikaw pa. Malakas ka sakin eh”, sabay ngiti na pamatay talaga!

Pagkauwi ko nun, dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko para basahin yung sagot mo sa mala- slum book naming activity. From that moment on, I admitted to myself that I have a crush on you.

After a year, gusto kitang icongratulate nun! Haha. 1 year na kasi kitang crush. Achievement mo yun nu! Tapos may nabasa ako sa friendster nun (Yes. friendster pa uso ng mga panahong yun Haha)

“Kapag ang pagccrush mo sa isang tao ay lumagpas na ng 30 days, Love na yun. Hindi na yun crush.” Natakot ako. Kasi sabi ko, hindi ako pwedeng mainlove sa’yo. Bakit? kasi di ba, friend lang naman tingin mo sakin nun? Hanggang sa dumating na yung kinakatakutan kong part.. Unti-unti mo na rin akong iniiwasan at nilalayuan. I don’t want to ask you nor to talk to you kaya nilayuan na rin kita. Same pa rin tayo ng service pero hindi tayo nagpapansinan.

February noon. May JS Prom daw kayo. Sayang! Chance ko na sana ulit na makausap ka noon kaso Sophie lang ako. Ikaw Junior. Saklap nu? Ito pa malala. Nalaman ko na may crush ka pala dun sa klasmeyt mo. Ang sakit! Kahit na hindi kita bf, sobra akong nasaktan at dinibdib ko yun kaya naman nagpatransfer ako ng school nung mag 3rd year HS na ko.

Gusto na kitang iwasan. Gusto na kitang kalimutan.  Pero bakit ganun? Kung kelan handa na akong kalimutan ka.. bigla bigla ka na lang ulit magpaparamdam sakin? Nag message ka sa friendster ko nun. ‘Kumusta? Balita ko, lilipat ka na ng skul ha. Nakakalungkot naman 😦 Mamimiss kita. Wag mong kalimutan ang skul natin ha. Wag mo akong kalimutan.”

Bakit ba ganyan ka? Bakit?! Nagtapos na ko ng Highschool at marami na ring magagandang nangyari sa buhay ko. Pansamantala kang nawaglit sa isip ko. pero yung nararamdaman ko para sa’yo.. dala-dala ko pa rin hanggang kolehiyo.

February ulit nun. February 14 to be exact. May nobyo na ako.. ng biglang magkrus ang landas natin sa mall. Hinihintay ko ang bf ko nun galing sa skul nya tapos nakita kita. Tinawag kita at lumingon ka pero parang nagmamadali ka kaya di mo na ko nilapitan.

Bumalik na naman sakin yung tanong na “Bakit ganun? Bakit hanggang ngayon IKAW pa rin? Bakit?” Lumipas ang pitong taon.. Pitong taon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na itext ka at kumustahin ka.

Naaalala mo pa ba? After nating magkita sa mall, chinat kita sa FB nun. Hiningi ko yung number mo. Nagkaron ako ng lakas ng loob na gawin yun kasi naka inom ako. Binigay mo rin agad yung number mo nun pero hindi kita agad tinext.

After 4 years mula nung sinave ko yung number mo.. Finally, nagawa ko na ring itext ka.

“Hi. Kumusta? There is something important that I’ve been wanting to tell you. I have secretly loved you for 7 years. 7 long years. You have been my inspiration and you will always have a special place in my heart. I admit it. You are my first love.”

Nagreply ka nun. Sabi mo “Thank you. I appreciate everything that you said.” At yun. Yun na yung huli nating naging pag-uusap. I really want to tell you na ako to! Si Rina to! Pero mabuti na rin sigurong hindi mo ako kilala. Mas okay na siguro yung maging anonymous na lang ako sa’yo. Kasi pag nagpakilala ba ako may magbabago ba? Wala naman di ba?

My personal comment on the guest blog article: Bes, mukhang ang lakas talaga ng tama mo sa kanya. Nagkaroon ka ng boyfriend pero may ibang laman ang puso mo? Huwag ganun. Sakit bes. I feel for your BF. LOL! Seriously, you need to let go of the past. Embrace the changes. I hope maging maayos din ang buhay pag-ibig mo. Minsan may mga kwentong hanggang kaibigan lang talaga. We should accept it even when it hurts. I know for sure you will someone who will love you the way you want and deserve to be loved. 🙂


About the author:  I am Rina – an educator, a blogger and a hopeless romantic. Charot haha. Visit her blog at callmeriina.wordpress.com and say hello to her!

Para sa gustong maging guest blogger sa aking site, read this: How to be part of BLOgUEST 101.

Link of Archives of BLOgUEST 101

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

5 comments on “BLOgUEST 101: Ang Kwento ng Pag-ibig ko Sa’yo

  1. hellodewww
    June 17, 2017

    I read a lot of stories like this. Thank God hindi ako ganito ma inlove. Hahahahaha

    Like

  2. 😢
    June 16, 2017

    Relate! 💔 dahil dyan parang gusto ko ring magshare 😔

    Like

  3. Jayson Santos
    June 16, 2017

    Ay tapos na? Hahaha! Time moves on and so are we. Let go of the past.

    Like

  4. Yankydoodledoo~♥
    June 15, 2017

    uhm, ang alam ko, if you have a crush on a person for 4 months (120 days), dun pa lang masasabing “in love” ka sa taong yun. take note, “in love” at hindi “love”
    magkaiba kasi yun
    anyway, I feel you Rina (Doc knows exactly why)
    recently lang, nagkausap ulit kami ng crush ko, and I know deep inside me na hanggang friends lang talaga kami (Update kita Doc Eamer sometime…)
    Seven years is not a joke. saludo ako sa’yo for loving him for seven years! Yung longest ko, mga 5 years lang ata, pero hindi ganun ka-intense…
    anyway, okay lang yan. okay lang naman magmahal ng taong hindi tayo mahal. sa Bible nga, pati pa kaaway natin, dapat nating mahalin. ang importante, love yung nasa puso natin at hindi hate =)

    Liked by 1 person

  5. esorenneiluj25
    June 15, 2017

    Sakit besh!

    Like

Anong masasabi mo?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Information

This entry was posted on June 15, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , .
Follow Doctor Eamer on WordPress.com