Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Huling Tanghalian: Paalam Kaibigan

21 May 2017
Around 11 AM
After the Destiny Sunday Service

Arnold: Bro, san ka kakain? May meeting ka ba? May lakad ka?
Me: Wala naman bro.
Arnold: Tara lunch tayo!
Me: Sige. Bro, saan mo ba gustong kumain?
Arnold: Basta lutong bahay.
Me: Ako basta yung may aircon. Ang init kasi.

Umangkas siya sa motor ko at nagpunta kami sa Cels. Kaso pagdating doon ay sarado.

Me: Nasubukan mo na kumain dyan sa bagong tayong Jollibee sa Grove?
Arnold: Hindi pa.
Me: Tara, doon na lang tayo!

Never na pumasok sa isipan ko na iyon na pala ang huling tanghalian na pagsasaluhan natin. I just want to accompany you since lately mukhang kakaiba ang mga posts mo sa FB. I just want to listen and abangan kung may balak kang ibahagi na istorya. That’s why I said yes to that lunch invitation. Dapat kasi tatambay lang ako sa Cafe Antonio to do my stuff.

Normal na kwentuhan. I ordered burger steak with rice then spaghetti plus pineapple juice. Ikaw naman ay burger steak and shanghai rolls. Ikaw pa nga ang pinapila ko sa counter para ako ang maghanap ng upuan nating dalawa.

I just listened to your stories since wala rin ako sa mood magsalita. Gusto ko lang makinig at magkomento paminsan-minsan.

You shared na wala kang kasama sa inyo sa bahay dahil nasa outing ng church ang nanay mo. At nagpapasalamat ka na hindi man sa Destiny nagpatuloy ang nanay mo, naging akitibo and spiritually growing siya sa LBBC.

You shared na nagyayaya ang Kuya mo na mag-outing kayo sa July dito sa Pansol or LB. Pero sabi mo na hindi ka pwede ng Sabado dahil hindi mo pwedeng iwanan ang store mo. Kaya sabi mo sa Kuya mo na dapat Linggo ang swimming ninyo.

You shared na may kamag-anak ka sa UK (London). Kapatid ng mom mo. Nabanggit mo na once every other year ay nauwi sila sa Pinas. Then napagkwentuhan natin na kung retired na sila, mas okay pa din sa Pilipinas. Tapos napunta ang usapan sa pagpanaw. Na parang ang hirap siguro mamatay sa ibang bansa at doon ilibing.

You shared na may tita ka na professor sa CLSU (Nueva Ecija). At dapat doon ka mag-aaral noong college pero hindi natuloy. Napahaba ang kwento mo at napag-usapan natin ang love life ng mga tita mo. Na dalawa sa mga kapatid ng mom mo ay nakapangasawa ng parehas ng taga-Nueva Ecija. Then I told you na baka dapat doon ka manirahan for a while para makapag-asawa ka. Andoon ang blessing. (Nagtawanan tayo!)

You shared yung sa tita mo na naging Dean sa UPLB. At nabanggit mo nga na cancer ang ikinamatay ng husband niya.

You share about your older Kuya na nasa Cebu. Tumira siya for a while sa Nueva Ecija at pinag-aral ng tiya mo sa isang private school. Nakwento mo rin ang buhay ng Kuya mo noong nagkapamilya na siya.

You shared about your isang pamangkin na tumira naman sa Kuya mo na nasa Cebu. Tapos nauwi ang usapan sa tanungan about your pamangkins.

Then bigla nating napag-usapan ang crush mo na wala ka nang balita kung asan na siya o anong pinagkakaabalahan na niya. Hindi mo na kasi nakikita sa FB. Kaya sabi ko baka naman blocked ka na sa kanya. (Nagtawanan ulit tayo!)

Out of nowhere biglang napunta ulit ang usapan sa patay. Na sabi mo gusto mo wala masyadong makaalam kapag mamamatay ka. Ayaw mo na dadalawin ka nila kaya ayaw mong ipalibing. Gusto mo cremated ka. Sabi mo nga pagkamatay mo gusto mo hindi na tatagal ng ilang araw ang wake. Tapos nabanggit ko na paano kung may mga kamag-anak o mga anak na dapat hintayin? (I was asking it na ang nasa mind ko ay kapag matanda ka na at may anak ka na nasa ibang bansa.)

Niyaya pa kita na sumama sa Davao this coming September para sa Uprising. Tapos pinagplanuhan na natin ang mga posibleng gastos. Then sabi mo nga, dalhan kita ng pasalubong na T-shirt from Chiang Mai Thailand dahil nga papunta kami doon sa June sa ICPM 2017. Tutuparin ko pa rin yun bro. I’ll buy you a shirt.

Past 12 PM noong natapos tayo ng lunch. I never thought na iyon na pala ang huling lunch na pagsasaluhan natin. Medyo makulimlim na kasi kaya I insisted na umuwi na tayo. We shook our hands for the last time. Since ganoon naman tayo usually sa ating mga LG. Kamayan kapag magkikita o mag-uuwian na. Wala pang five minutes akong nagmomotor ay bumuhos nga ang malakas na ulan. Nagpatila muna ako at nagsuot ng kapote tapos dumaretso na sa amin sa bahay. Hindi na ako nagpunta sa coffee shop. Nagpahinga at natulog.

Then 5:43PM nag-PM ka sa FB.

So iyon na pala ang huling FB like (thumbs up) mo sa akin.

Paggising ko kaninang umaga nag-text si Vic na may sad news daw siya. You passed away this morning according to your mom. Nakausap kasi siya ni Vic sa phone. Hindi ka raw nila magising kaninang 2AM. Dinala ka pa sa LBDH to revive for 2 hours pero wala na din. I was shocked. Very shocked. I immediately checked your FB just to confirm. At nakita ko nga ang post ng pamangkin mo at kuya mo sa wall mo. Namaalam ka na nga. Bangungot daw.

I don’t know what to say actually. I just prayed kaninang umaga noong malaman ko ang balita. I cried out to God. Ako kasi ang isa sa mga huling taong nakasama mo kaya medyo kakaiba ang epekto sa akin. That’s why I needed to write it down to ease the pain in my heart sa pagpanaw mo. Ang lakas-lakas mo naman. Healthy. Hindi talaga ako makapaniwala.

Alam kong madami ka pang mga pangarap. I’m still asking God why. But I know that He is in control. I just want to share this ang message ni Ptr. Verge.

This is really sad news. I was crying to the Lord kanina umaga when I found out about it. Death is never God’s work but the work of the enemy. I’m raged by the enemy’s doing of taking out another one of God’s beloved sons before he could even bring out his fullest potentials. I’m mourning because of this sad loss in our family but I’m all the more motivated to be more vigilant in serving my gifts so that our Destiny family would be more effective in destroying the works of the enemy. In the midst of pain let’s choose to praise the Lord still. He is worthy of all the glory. Our hope is that we know that he’s now with the Father in heaven and one day we’ll join him there too.

Pero kanina I had a vision in my mind na masaya ka na with our Father. It was a clear picture and impression. Sinalubong ka ni Jesus with a big embrace. You cried a lot. It was like you felt the love embrace of the Father like never before. A love that accepts who you are. A love that surpasses our logical thinking. A love that only God can give. The same cry na nakita ko one time noong nagpunta ka sa Friday Meeting (Upper Room) last year. You were so undone in His love.

Kaninang lunch, pumunta ulit ako sa Jollibee Grove just to see that table and chairs na inupuan natin kahapon. Lo and behold, sa dami ng tao doon, iyong upuan na iyon ay walang nakaupo. I took a photo of it. Dapat pala nag-selfie tayo kahapon. Pero alam mo namang hindi ako mahilig sa selfie talaga. Dinalaw ko rin ang store mo sa may likod ng LBDH. Ang sad ng atmosphere noong mga taong nakatambay doon. I think they are really sad sa pagkawala mo. Then nakita ko sa door ng store mo ang katagang “GOD is GOOD”. Ang lalaking letra noon. Tama ka. He is good no matter what. Kahit hindi pa natin maintindihan. He is good all the time.

Kung alam ko lang, sana I stayed longer talking with you. Sana nag-pray tayo together. Sana sinabi ko ang mga magagandang bagay na I’m thankful for your life and presence. Kung alam ko lang. But the reality is… hindi naman natin malalaman kung kailan tayo kukunin ni Lord. We’ll never know the day, the hour, the minute and the second. Basta ang alam ko, God has a plan kung bakit ito nangyari. He is an all knowing God. I was reminded of this verse as I contemplate with what happened:

Dahil itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong. (Mga Awit 90:12, MBBTAG)

Teach us to number our days, that we may gain a heart of wisdom. (Psalm 90:12, NIV)

So here’s my message to you bro. Kindly request a laptop and WiFi kay God para mabasa mo ito. I’ll tag you sa FB mo naman. Pero please, huwag kang biglang mag-PM sa akin sa FB. Kakabahan ako kung sakali. Haha!

Grabbed from his FB profile picture.

Dear Arnold,

Kuya ang tawag ko sa iyo noong college ako pero since sa young professional ay discouraged ang “kuya” at “ate” kaya nasanay na rin ako to address you by your name at ang iba pang mas nakakatanda sa akin.

I know you are a simple man with a big heart. May mga pagkakataon nga lang na medyo may pasaway moments ka noon kaya muntik ka na atang ma-disciplinary actions ng ating leader. But because of that, naging isa ka sa malapit kong kaibigan sa circle natin sa LG. Sometimes, you shared your frustrations and failures in life and we just always laugh about it.

Siguro kung may isang memorable moment ako with you, ito yung nagkwentuhan tayo sa Freedom Park at nag-ask ka lang sa akin ng nuggets of wisdom na mayroon ako. I’m honored na kahit mas bata ako sa iyo, you still asked for advice, guidance and prayers.

Matagal-tagal na rin ang ating pinagsamahan. Simula pa noong tayo ay nasa LG ni Kuya Tram hanggang sa LG ni Kuya Wilbert at LG ni Vic. Naging isang mabuti kang kaibigan. Salamat sa mga kwentuhan at tawanan.

Salamat dahil nakita ko kung gaano mo gustong tuparin ang mga pangarap mo upang maging isang pagpapala ka sa iyong pamilya. Salamat dahil hanggang sa huli, ang Panginoon pa rin ang kinakapitan mo.

Thank you for believing in me and my capacity as a person and a friend. Salamat dahil kahit mas bata ako sa iyo, you still look up to me in terms of my ideals and visions.

Madami akong realizations because of what happened. Hindi ko man maintindihan ang kabuuan ng plano ng Panginoon, nagtitiwala ako sa kanya na all things will work out for the good of those who love God.

You are now with our Father. I’m sure you are already having one on one talk with him especially sa mga tanong mo about life na Siya lamang ang makakasagot. May your soul find rest in Him – the true Light.

PS: Isinama ko dito ang huling post mo sa FB. It was the verse in John 1:9. You’ve done a great job in your stay here on earth. Kudos! I needed to write down this things dahil kung hindi, ilang araw akong hindi makakatulog ng maayos. So bear with me na sinulat ko ito bro. We will miss you!

Para sa mga kaibigan niya na makakabasa nito, ang wake ay nasa Heaven’s Garden (2nd floor). There will be a funeral wake service on Tuesday night (7PM) and Eulogy Service on Wednesday night (7PM). The interment will be on Thursday morning (May 25, 2017).

Advertisements

8 comments on “Huling Tanghalian: Paalam Kaibigan

  1. Jen
    May 24, 2017

    Condolence po. 😦

    Like

  2. pinoytransplant
    May 23, 2017

    Sorry to hear about the death of your friend.

    Like

  3. nocturnalmomtalks
    May 23, 2017

    condolence 😦

    Like

  4. Yankydoodledoo~♥
    May 23, 2017

    At least it’s a good thing na sumama ka sa kanya nung nag-aya siyang mag-lunch…
    Just imagine kung tumanggi ka at nabalitaan mo yun…
    I believe it was a good feeling for him na nag-lunch kayo together, naparamdam mo sa kanya na importante siya sa’yo

    Like

  5. joshuainfantado
    May 23, 2017

    Sorry for your lose bro. I can sense your sadness sa sinulat mo. Condolence. 😦

    Like

  6. esorenneiluj25
    May 22, 2017

    Walang salita ang makakapagexplain at makakapagdescribe ng sakit na mawalan ng isang taong malapit sayo. Kaya ang masasabi ko na lang ay Condolences. May naalala akong kanta ni JJ Heller, Who You Are… Sabi dun… I don’t know what You’re doing, but I know who You are…

    Trust in God.

    Like

  7. Hey bro, I am covering you and his family and friends with prayers. I know it is heartbreaking to let go of people you care about in this world but you are right that he is enjoying being in the presence of our Father in heaven.

    And I posted Psalm 90:12 in my recent blog post too. And may upcoming blog post ako which is a movie review – a very good movie about death and faith. If ever gusto mo na syang mapanood at baka matagalan bago ko mai-post ang movie review, PM mo lang ako at send ko na lang sayo ang kopya ng movie. 🙂

    Like

  8. Aui V.
    May 22, 2017

    How sad. My condolences to you.

    Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 22, 2017 by in Personal 101 and tagged , , .
%d bloggers like this: