Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

BLOgUEST 101: 7 Types of Relationships in Church

holding hands in church

What brings you here? Handa ka bang magpa-correct kay Lord? If yes, you are welcome here.

OMG! Unang sentence pa lang ang taray na. LOL!

Hello! I’m Jael. Twenty five. I am loved by a Jewish Carpenter – Jesus. I also love books, Bethel Music & Hillsong (esp. Taya), Hachiko (our dog), Cookies and Cream (our rabbits), student ministry, road trip, making friends, brush pens, pasta, succulents, instagram (@janellaellaine, ifollow nyo ko ha! Hahahaha!) and tumblr. Above all else, I love Jesus Christ.

Hi Jael! Thanks for accepting my invitation para sa guest blogging! Guys, if you want to be my guest blogger kindly read this: How to be part of BLOgUEST 101.

Lately, napakadami kong thoughts about dating, relationship goals and sorts of. Actually, dapat magmamasteral muna ako kina Ptr. Ed Lapiz at Ptr Leo Duites bago ko isulat ang blog na ito. You may check their facebook accounts to understand me better. Haha! Siguro nahawa na ako sa kanila. So my friends found me weird at direct to the point kung magsalita lalo na kung alam ko na ito ang tama at mas makakabuti sa nakararami. While people who don’t know me well called me self-righteous, judgemental & unloving.

Noong nagsisimula pa lamang ako na maglingkod sa Panginoon, ang alam ko lang na rule sa dating and relationships ay huwag makikipagrelasyon sa hindi mananampalataya.

“Do not be yoked together with unbelievers. For what do righteousness and wickedness have in common? Or what fellowship can light have with darkness?” 2 Corinthians 6:14

Pero bukod doon, I found out na meron palang ibang uri ng relasyon sa church na nag-e-exist talaga…

1. Taguan ng feelings

Ito yung mga binata at dalagang Kristiyano na ang hilig ay magtaguan ng feelings. Gusto nila ang isa’t isa. Kailangan pang pautangin ng lakas ng loob. Kadalasan ang mga edad ay naglalaro sa edad na 25 pataas. Hindi naman sila pangit. Dahil una, walang ginawa ang Diyos na pangit. Madalas ay choosy ang mga ito. Ito kadalasan ang nasa checklist nila:

[x]  Walang loan

[x]  Nakagraduate ng college. Plus points kung nakapagmasteral!

[x]  11 pataas ang salary grade

[x]  Gwapo o maganda. Kasing gwapo ni Gong Yoo, Park Bo Gum at Lee Dong Wook. (Paumanhin, kdrama lover ang guest blogger nyo)

Hahaha! Taas ng standard bes! Pero ayos ito! Hindi ako pasok. LOL! Kasi may loan na ako. Haha! PAG-IBIG eh. I’m taking up masteral pero di pa tapos. Pasok ako sa salary grade pero malayong malayo kay Ms. Mocha Uson. Gwapo naman ako. Single nga lang. Haha!

2. Magpray tayo, pero akin ka na ha?

Medyo mapang-angkin ang isang ito. Kailan pa naging substitute ang phrase na “Mag on na tayo” sa “Pray tayo”? Hindi pa nga kayo nakakapag-disciple, humirit na kayo kaagad makipagpray. Nagpi-pray nga ba talaga o modus niyo lang ito para kunwari ay biblical? Hindi mali ang magpray. Ipagpray mo sya. Wag mo ng sabihin sa kanya na ipagppray mo si!ya. Hayaan mong kayo nalang ni Lord ang nakakaalam. Pwede mo rin sabihin sa malalapit mong kaibigan. Kapag ba sinabi mo sa kanya, mas malaki ba ang chance na sagutin ni Lord ang panalangin nyo? Tama ang intensyon, ngunit mali ang motibo.

Madami akong kakilala na ganito. Pambihira! Sarap isumbong sa Boiling Waters at ipatampal.

3. Landi now, cry later

Pamilyar ka ba sa term na M.U. (mutual understanding)? Meron din niyan sa mga churches natin. Ito yung mga Kristiyanong “walang label” ang relationship. Mahal nila ang isa’t isa. Pero sila lang dalawa ang nakakaalam. Holding hands dito, holding hands doon. Date dito, date doon. Ang masaklap, hindi sila mag-on at pwede nilang itanggi ang isa’t isa. Basta pag nag-break kayo, walang iyakan. Itago niyo mga luha nyo! Hahaha!

Ginusto nila yan. Tapos kapag nasaktan na sila, sa atin pa lalapit. Sarap ipamukha na “Kung nakinig ka lang sa akin. Sana hindi mo na naranasan iyan.” Pero siyempre dapat gentle pa rin at graceful. Nasa huli ang pagsisisi raw. Kaya next time, ilagay niyo sa una. Haha!

4. Kinain ng Kdrama

Ito yung mga Kristiyanong nakalimutan na ang realidad kakapanuod ng Kdrama at naniniwala na darating ang panahon na makakatuluyan nila ang kinababaliwang Kpop idol. Sila yung kapag sinabihan mo ng, “Kinain ka na ng Kdrama” ang sasabihin sayo, “Nagpakain talaga ako.” Sige, bahala kayo. Kaya naman nangitim na ang mga mata dahil sa eyebags. Hahaha!

Shout out to my friends in PSA.

5. Welcome-to-the-Christian-World

Medyo kumplikado ito sa lahat. Parehas Christian. Both are involved in church ministry. After a while, napagkasunduang magpakasal. At ang unang dahilan, magkakababy na sila. Blessing ang magkaroon ng baby. Pero after marriage yun mga brad, okay?

Can I make an article entitled “Here comes the bride, three months inside”? But I need people who have been there! Crowdsourcing please.

6. The “Ginalingan”

Ito yung relationship na pangarap ng lahat. Sila yung parehong Kristyano at naglilingkod ng tapat sa Panginoon. Hindi perpekto pero handang sumunod at magpacorrect sa Panginoon.

Dito ang gusto ko. Haha!

7. The Social Media Couple

Ito yung dinaig pa ang couple gaya nina KC Tandingan-TJ Monterde sa sobrang ka-sweetan. Hindi nauumay sa pagpopost ng picture nila together with matching #MayForever at #RelationshipGoals. Basta mag-post din kayo pag break na kayo ha. Atleast nagkaroon ng closure saming mga tagasubaybay ng love story niyo. Haha! At kung hindi mo na sila matiis, wag mo naman silang i-unfriend brad, i-unfollow mo nalang! Hahaha!

Haha I remembered this post: Relationship Status: Online. Andoon ang kwento ni Ate Karla na sobrang #Brave! Nag-post siya ng status na break na sila ng BF niya. Check ninyo.

At para sa mga single na hindi maka-relate, share niyo ito at i-tag nyo ang kakilala nyo para makaganti kayo. Hahaha! Joke lang. Spread love! Ang tamaan, magpa-correct at sumunod kay Lord. Obedience always leads to blessings!

Speaking of obedience, just recently I passed the March 2017 Civil Service Exam! Yehey! Thank you Lord! Last 2010 pa yung first take ko at na-discourage talaga ako na magtake ulit ng exam. Naka 3 times ako mag exam. I will post ablog about that this May 2017. If you want to get an update about that you may check the link here: janellaellaine.wordpress.com

Have a grace-filled Thursday! God bless you all! 🙂

Link of Archives of BLOgUEST 101

***

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Advertisements

6 comments on “BLOgUEST 101: 7 Types of Relationships in Church

  1. Pingback: Travel Tag – Life off Uneven Pavement

  2. Jai
    May 18, 2017

    Ganda ng single’s retreat. 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      May 18, 2017

      Yun talaga napansin mo? 😉 That means effective naman ang paggawa ko ng advertisement portion. Haha! Lahat ng new articles ko may youtube videos. Baka may gusto kang ipalagay. hehe

      Liked by 1 person

      • Jai
        May 18, 2017

        Oo, pinanood ko e, kahit hindi ko kilala. Haha ano yun, ads lang talaga? Yung last time din pinanood ko e.. Yung preaching ni Ptr. Dennis. Haha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        May 18, 2017

        Hehe! Kasi I want to promote Christian materials ba. Or something na that can add value. Malay kasi natin may isang tao ang makapanood at mabless at kahit papaano magkaroon ng seed. 🙂 I encourage you to do the same. hehe since may ads naman talaga nalabas sa dulo ang free wordpress.

        Like

  3. Pingback: BLOgUEST 101: 7 Types of Relationships in Church – Janella Elaine

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 18, 2017 by in Advices and tagged , , , , , , , .
%d bloggers like this: