Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Hugot sa Sasakyan

1.

Kunduktor ng van: Kuya, isa na lang. Sakay na. Ikaw na lang ang hinihintay nitong sasakyan.

Sa loob-loob ko: Ako na lang ang hinihintay? Ako nga ang laging naghihintay eh. Parehas pala kaming naghihintayan?

Pagdating sa loob ng van

Silent me: Ang sikip. Gusto ko ba ng ganito? Ipagsisiksikan ko ba ang sarili ko? May mapapala ba ako sa ganito?

Silent driver: Choosy ka? Madami naman diyang iba. Yung sasakyan na magiging kumportable ka. Lipat ka.

2.

Kunduktor ng bus: Sakay na iho. May isa pa sa dulo.

Me to upuan: You’re the one! The only one for me.

3.

Tricycle driver: Special na biyahe na ba?

Me: Ok po.

Tricycle driver: Mas mahal nga lang.

Me: Sige po. Para minsan naman maranasan ko na ako ang mas mahal.

4.

Me: Manong, malapit na po ba sa dapat kong babaan?

Manong: Malayo pa.

After 10 minutes

Me: Malapit na po manong?

Manong: Malayo pa.

After another 5 minutes

Me: Malapit na po?

Manong: Malayo pa! Bakit ka ba tanong nang tanong? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan? Kapag sinabing malayo pa, maniwala ka. Trust me.

Me: Ganyan din po rin po sinabi ng ex ko. Magtiwala lang daw ako sa kanya. Na ako lang daw ang mahal niya. Pero manong, hindi naman pala. Kaya may trust issue po ako.

Manong: Ayan malapit na tayo.

Me: Walang “tayo” manong. Don’t assume.

***

Dahil naipit ako sa traffic sa Calamba, mabuti pang magsulat. Kaso ala na akong energy. Hindi na masyado gumagana creative juices ko. Ang lagkit pa sa katawan. Time check: 8:59PM @ Pansol Calamba. Sumakay ako sa may terminal sa Calamba around 7:30PM. Edi wow! 

Advertisements

9 comments on “Hugot sa Sasakyan

  1. Faeeery
    April 23, 2017

    Ang galing ng mga hugot. 😂❤

    Liked by 1 person

  2. Jai
    April 23, 2017

    Upong sebenpipti lang. Sebenpipti pa rin ba? Hihi

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 23, 2017

      Uy mahal sa van. haha! 70 ang bayad ko. pero upong 30 lang. as in! buti after an hour, may mga bumaba na. haha 1,5 hours kasi ang travel. hehe

      Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 22, 2017 by in Blogging and tagged , .
%d bloggers like this: