Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

You are not just an option. You are the choice.

Masakit ba kung isa ka lang sa options? Ano ba ang pakiramdam na hindi ikaw ang unang pinili?

Hindi ko alam ang mga karanasan ninyo pero naranasan ko ito noong ako ay elementary pa lang. Sa mga panahong may quiz bee. Alternate lang ako. Kung magkasakit yung lalaban, then ako ang makakasali sa contest. Pero hindi ko naman prayer na “Lord, bigyan niyo po ng sakit si ano. Sana po hindi siya makalaban para ako ang sasali sa contest.” Huwag ganoon Bes! Hindi magandang panalangin iyan. Hindi iyan kalulugdan ng Diyos. Don’t be self-centered. Kaya ka iniiwan ng mahal mo eh. Lagi kasing gusto mo ikaw ang may favor. Ikaw ang nakakalamang. Ikaw ang tumatanggap. Ikaw na lang. Wow! Paano napunta doon? Haha!

So ayun nga. Halimbawa din sa basketball game. Yes! Playoffs na sa NBA! May tinatawag tayong first five. Silang ang unang five players na lalaro. They are the best players kaya sila ang unang sinasabak sa game. Kung hindi ka kasama sa first five, then nasa bench ka lang. You will be able to substitute them kapag pagod na sila at gusto nila magpahinga.

What’s my point? Wala naman. Pwede kasi nating itulad ito sa relationship. Mas makakarelate ang mga kababaihan dito. Pero alam ko namang naiintindihan ninyo ang point na gusto kong iparating kaya hindi ko na need pang mag-explain. 🙂

Actually ito ang topic ko ngayon kasi kahapon ay nagpunta kami sa Tagaytay. We had our ocular visit para sa Yearly Planning and Workship cum Teambuilding ng office. Madami kaming options na pinuntahan pero sa totoo lang we already had the choice in mind. Need kasi namin magkalap ng canvass. Government procurement Bes!

Wala naman akong masidhing prinsipyo na gustong ibahagi ngayon. Pero itong mga pictures lang.

OPTION 1: Piña Colina Resort (www.pinacolina.com)

OPTION 2: Alta D’ Tagaytay (www.altadtagaytay.com)

OPTION 3: Crosswinds (www.crosswindsresortsuites.com)

OPTION 4: Hotel Dominique (www.hdtagaytay.com)

OPTION 4: Abagatan ti Manila (www.abagatanhotels.com)

THE CHOICE: Hotel Kimberly (www.hotelkimberly.com)

Si Kimberly talaga ang pinakanagustuhan namin. Madaming aspeto ang aming tiningnan hindi lang pisikal na look. Tiningnan namin kung madami bang amenities ang pwede nilang ma-offer. Mayroon silang organic farm, swimming pool, may team building facilities, may gym, may sports corner (table tennis! yey!), may parang rancho na pwede kang sumakay sa kabayo. Isa rin sa konsiderasyon ay kung may magandang function hall na kasya ang 30 na katao. Accessible ba ang location. Siyempre dahil nasa gobyerno kami, dapat isaalang-alang ang budget. So ayun guys. End ng May ay nasa Tagaytay kami at magkikita kami ni Kimberly. Crush-at-first-sight nga raw yung isa kong officemate sa kanya. Haha!

Bilang pagtatapos, nais kong ibahagi na pagdating sa ating Diyos, hindi ka lang option. Ikaw ay CHOICE! He chose you.

You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you might go and bear fruit—fruit that will last—and so that whatever you ask in my name the Father will give you. (John 15:16)

***

Advertisements

4 comments on “You are not just an option. You are the choice.

  1. Jayson Santos
    April 18, 2017

    Good choice! Hehehe. Pangalan pa lang maganda na. Marami ka talagang options na dapat isaalang-alang bago ka pumili ng choice. HIndi pwedeng madalian or nadadala lang sa silakbo ng damdamin, haha!

    P. S. – Magaling ka mag-table tennis?

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      April 19, 2017

      Haha! Yes, name pa lang maganda na. haha! Ikaw, may napili ka na ba Sir Jays? 🙂

      6.5/10 ang galing ko sa table tennis.. 10 being the players sa mga palarong pambansa. haha

      Liked by 1 person

      • Jayson Santos
        April 19, 2017

        Wala pa, hehehe! Sa tingin ko hinahanap pa niya ako. 🙂 Kinalahati mo pa talaga yung rating, di mo pa binuo.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 19, 2017

        Haha! Naghahanap pala si Ms. Right mo. Baka kung saan-saan na siya napunta at naligaw pa. Haha! Hayaan mo Sir, kapag nagkita kami, sabihin ko kung saan ka matatagpuan.

        Mukhang magaling ka sa table tennis ah. 🙂

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: