Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Seven Last Words of My Ex

HINDI. NA. KITA. MAHAL. MAKAKAALIS. KA. NA.

Sorry folks, pinanood ko ulit ang That Thing Called Tadhana kagabi. Siguro dahil naalala ko ang dati kong blog series entitled “That Thing Called“. Naisulat ko doon ang patungkol sa “MU“, sa “Destiny“, sa “Commitment“, sa “Break“, at sa “Three Month Rule“. Pangalawang beses ko pa lang naman pinanood yung TTCT. Ngayon ko lang napansin na sobrang kaunti lang ng mga characters sa pelikula. Siguro around 87% ng buong pelikula ay si Mace at Anthony lamang ang makikita mo. Ang galing ng pagkakagawa. Feeling ko tuloy sobrang laki ng kinita ng movie na iyon dahil pumatok sa takilya iyon. So kung less artista ang nasa movie, edi less gastos for the producer. #BusinessBeLike

Hindi naman yung seven words na iyon ang gusto kong ibahagi sa inyo. Nagkaroon lang ako ng ideya kagabi para sa blog na gagawin ko ngayon. Thanks Mace for that line. Alam ko na masakit para sa iyo iyon pero kinaya mo naman. Binigyan din ng kalayaan ang mga manonood upang sila ang magdesisyon ng ending ng pelikula. Maaarung hindi maliwanag ang ending at sasabihin natin na sana may Part 2. Pero okay na iyon para walang masaktan. Dahil for sure may mga manonood na kakampi doon sa “ex” ni Mace. Deserve naman niya ang second chance diba? Grabe naman yung 8 years na pinagsamahan nila. Nagkamali lang siya ng isa pero hindi na siya papatawarin? Ganoon din naman kay Anthony. Marami ring kakampi sa kanya dahil madaming tao ang naniniwala na tadhana talaga ang nagtagpo sa kanilang dalawa. Marahil ang mga supporters ni Anthony ay naniniwalang kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may parating na mas mamahalin tayo. I don’t know about your opinion pero for sure it’s a case to case basis.

Ito naman ang seven words na gamit na gamit ng ilan sa atin:

1. IT

Hindi po iyan I.T. na course pero may kilala akong friend na may ex na sa I.T. department ng isang kumpanya nagtatrabaho. Nakatanggap din ang friend ko ng seven last words na ito.

IT is a pronoun. Pwede itong tumukoy sa kung ano-ano. Sa isang relasyon dapat i-define ninyo kung ano ang namamagitan sa inyong dalawa. Mahirap ang no-label-kind of relationship. Ano ba yung “it” sa inyo? Friendship? Romantic?

2. IS

Ito ay tumutukoy sa present tense. Alam naman natin na mahalaga ang history pero kung parating sa nakaraan ka na lang tumitingin at ikinukumpara mo ang iyong kasalukuyan sa iyong nakaraan, you cannot move on. Mas mahalaga ang ngayon. Dahil kung ano ang mga desisyon na gagawin mo ngayon ay makakaapekto sa iyong hinaharap. Cherish your today.

“So don’t worry about tomorrow, for tomorrow will bring its own worries. Today’s trouble is enough for today.” – Matthew 6:34

3. NOT

Hindi. May mga bagay na hindi mo dapat ginagawa. Know your limits and boundaries. Kung may boyfriend o girlfriend ka na, aba huwag ka nang lumandi pa Bes!

4. YOU

Ikaw. Ikaw na naman? Wala ka bang kadala-dala? Naloko ka na naman? Huwag kasing desperada. Pinormahan ka lang ng kaunti, bumigay ka na agad? Wala pang isang buwang nanligaw, sinagot mo agad? Kilalanin mo muna siya mabuti. Do some background check. Words and actions are not enough. The real him will come out in tests and trials. Ano raw? Ewan ko! Parang may ganyang line lang akong narinig. Haha! What I want to say is huwag kang atat! Peace.

5. IT

IT na naman. Kasi nga kanina medyo hindi mo pa sigurado kung ano ba talaga ang meron sa inyo. Kaya nire-remind lang kita ulit. So ano? Klaro na ba? Alam mo kung bakit maraming tao ang nadarapa habang naglalakad? Kasi malabo na ang paningin nila. Kaya kung malabo pa rin kung ano ang “it” sa inyo, ingat ka. Baka mamaya madapa ka.

6. IS

ISang tunay na pag-ibig lang naman ang hiling ng bawat ISa sa atin, But I think we will not find it if sa mga imperpektong tao natin ito hahanapin. Alam naman natin na walang perpektong tao. What I’m saying IS… Ano nga ba ang tunay at dalisay na pag-ibig?

I may sound religious here but totoo naman talagang sa Diyos lang natin makakamtam ang wagas na pag-ibig. Kung hindi ka naniniwala sa Diyos, sino ba ang pinaniniwalaan mo? Sige ganito na alang, give me a list of 100 people na naging successful at masaya sa buhay pero hindi sila naniniwala sa Diyos, then I’ll give you a list of 100 people na successful at kuntento sa buhay na may Diyos na pinaniniwalaan. I’m not opening a door for debate here. I’m just trying to make a point.

7. ME

Ako nga. Ako na naman. Sino nga ba ako? Well, ako po si Doctor Eamer. I’m not a doctor but you can be my patient. Haha! Kung may ipapakonsulta ka, mangyari lamang na mag-iwan ka ng mensahe dito.

By the way, here’s the real SEVEN LAST WORDS that I want you to know. Reflect din kapag may time.

Part 2 (link), Part 3 (link) and Part 4 (link)

1. “Father, forgive them, they know not what they do.” (Luke 23:34)

2. “This day you will be with me in Paradise.” (Luke 23:43)

3. “Woman, behold your son.” (John 19:26-27)

4. “My God, My God, why have you forsaken me?” (Mark 15:34; Matthew 27:46)

5. “I thirst.” (John 19:28)

6. “It is finished.” (John 19:30)

7. “Into your hands I commit my spirit.” (Luke 23:46)

If you want to reflect sa seven last words na iyan, you can read this article. Pero panoorin mo iyong youtube video ni Bro. Eddie Villanueva. Madami kang matutunan. Actually pinapakinggan ko iyon while doing this article. Huwag lang nating pakinggan kundi ipamuhay natin. God bless folks!

Featured Photo Source: Poco Artisti Calligraphy & Design. Feel free to visit their shop for calligraphy works, paintings and bag.

***

Advertisements

6 comments on “The Seven Last Words of My Ex

  1. Jai
    April 18, 2017

    Your ex talaga? Haha doc alam mo bang may wp account si tonet, yung director ng ttct? La lang baka gusto mo ilink. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 15, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: