Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

My High School Valedictory Address

The journey of life is one that nobody goes through alone. Whatever we may accomplish, those accomplishments were achieved only through combination of our own personal drive and motivation as well as the love and support given by the people around us. Therefore I must begin by acknowledging all those that have been instrumental in bringing me to where I am today.

Most importantly, I have to thank God, my family especially my parents, my aunties and uncles, and my cousins, who have been there supporting me all my life. I couldn’t have done anything without them. They have taught and guided me so much. I must thank all the teachers of Liliw National High School who have invested so much into all of us, knowing that all your time and effort were appreciated. Thank you to all my teachers as well as the teachers we had when we were in elementary, my academic coaches and sport coaches. And finally to my entire friends, classmates and barkadas. You really made these years so enjoyable and memorable.

On this Graduation Day, we find it most difficult and heart-trending to say farewell.

To our dearest teachers who have patiently nurtured our young minds and molded our characters… Goodbye. In the name of all graduating students, we kiss your hands in heart-felt gratitude. Goodbye dearest mentors! Your long time charges are leaving for us to learn more lessons and acquire more skills in the preparation for more challenges in life.

To our dearest Alma Mater who became more than a home for us… Thank you and goodbye. We leave you heart-heavy and sorrow-laden. And we are leaving our promises to study and to work hard that we may bring you more honor and prestige.

Nakapabilis  talaga ng oras at panahon. Kamakailan lang ay pinapanood ko ang aking kapatid na isa sa nagtatalumpati dito sa unahan. Siya ang naging salutatoryan ng LNHS noong taong 2002-2003. Sa mga panahong iyon, natanong at hinamon ko ang aking sarili. Makakaya ko kayang tumbasan o di kaya’y higitan ang mga karangalang natamo ng aking kapatid? Mararanas ko rin kayang magtalumpati sa harap ng maraming tao? Panahon na rin ang nagbigay ng kasagutan sa mga katanungang kong ito.

Now, I can say that I have overcome my fears. I have conquered all difficulties and I passed through every trial. Nagawa ko ang lahat ng ito dahil naniniwala ako na kung kaya nila… siguradong kaya ko rin. At ngayon masasabi ko na nakaya ko. Nakaya kong tumbasan ang aking ate at nagawa ko ding magtalumpati sa harap ng maraming tao. Ngunit muli kong natanong ang aking sarili… yun lang ba ang dahilan kung bakit gusto kong makamit ang titulong pinaka-aasam ng lahat – ang titulong balediktoryan. Kinalaunan, natagpuan ko ang kasagutan sa katanungang kong ito. Napagtanto ko na hindi kailangang tumbasan o higitan natin ang ibang tao. Ang mahalaga ay masaya tayo sa ating ginagawa at wala tayong naaapakang ibang tao.

Tama nga sila… everything has a reason. At ang dahilan kung bakit gusto kong makamit ang pagiging balediktoryan ay upang masuklian ko ang mga pagod at hirap na dinanas ng aking mga magulang upang mapag-aral at makapagtapos kaming magkakapatid.

Sa tuwing makikita ko ang hukot na katawan ng aking itay dahil sa sobrang pagtatrabaho sa bukid at ang aking inay naman ay pagod na pagod sa paglalako ng mga kakanin at ulam, hindi ko maiwasang maawa sa kanila. Halos bumigay na nga ang katawan nila dahil sa sobrang pagod. Gustong gusto ko silang tulungan subalit sa papaanoq ng paraan? Alam ko kahit hindi man sila dumaing ay hirap na hirap na sila. Lahat ng sakit tiniis nila para lang kumita ng pera nang sa gayon ay matustusan namin ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Dito na nagsimula ang aking ideyalismo na magkaroon ng mataas na marka. Nang sa gayon, kapag nakita iyon nina inay at itay ay mapapawi ang pagod at hirap nila. At para makuha ko ang matataas na markang iyon… nag-aral akong mabuti… nagpursige at nagtiyaga. Di bale nang magpuyat sa pag-aaral basta’t makakuha lang ng mataas na grades sa mga recitation, quiz at exams.

Gayundin, nagsimula akong mangarap na abutin ang pinakamataas na bituin. Nangarap ako ng mataas dahil gusto kong maiahon ang aming pamilya mula sa kahirapan. Kahit namulat ako sa hirap ng buhay, naniniwala ako na ang kahirapan naming ito ay hindi panghabang-buhay. Maraming pagbabago ang maaring mangyari. At ang pagbabagong iyon ay nakasalalay sa aming magkakapatid. Bago pa man bawian ng buhay ang aking mga magulang, nais kong ipatikim sa kanila ang buhay na pinapangarap ng bawat isa sa atin.

Kaya masasabi ko na ang aking mga magulang ang siyang dahilan kung bakit ako naririto sa aking kinatatayuan. Para sa akin, sila ang tunay na mga balediktoryan. Sila ang parating nandyan para alalayan ako. Handa silang mangutang para lamang makasama ako sa field trip at para makagawa ng mga project. Sila ang palaging nag-aalala at nag-aasikaso sa akin sa tuwing ako ay nagkakasakit. Kaya naman masasabi ko na napakapalad ko dahil nagkaroon ako ng mga magulang na gaya nila. Nay, Tay… maraming salamat po sa lahat. Sorry po sa pagkukulang ko bilang isang anak. Gayundin po sa mga hindi magagandang asal na ipinapakita ko paminsan-minsan. Inaalay ko po sa inyo ang mga karangalang aking natamo at karangalang matatamo. Mahal na mahal ko po kayo.

Mga kamag-aaral, batid ko na tulad ko ay may mga magulang kayo na nagpakahirap sa paghahanap-buhay para itaguyod kayo sa inyong pag-aaral. Kaya’t nararapat lamang na atin silang pasalamatan.

Sa lahat po ng mga magulang, maraming salamat po sa inyong walang humpay na pagmamahal, pagpapakahirap, at pagsasakripisyo. Hinding hindi po namin malilimutan iyon. At tatanawin po naming isang malaking utang na loob iyon. Asahan nyo pong igagalang at mamahalin namin kayo hanggang sa inyong pagtanda.

Mga co-graduates, bilang isang anak, dapat nating ipakita at ipadama ang ating pagkalinga’t pagmamahal sa ating mga magulang habang maaga pa. Dahil hindi natin alam kung kalian sila kukunin ng nasa Itaas. Tandaan natin na ang pagsisisi ay laging nasa huli.

Sa ating Alma Mater, ang Liliw National High School, ipinagmamalaki po namin kayo. Kayo po ang nagsilbing kadluan ng aming karunungan at kagandahang-asal. Hinding hindi po namin kayo malilimutan. Maraming bagay po kaming natutunan sa inyong mga kamay. Nalaman po namin na pumapasok kami sa paaralan hindi lamang para mag-aral… kundi para matuto. Matutunan ang mga bagay-bagay. Matutunan ang pagkakaiba ng tama sa mali. At matuto sa aming mga pagkakamali. Asahan nyo pong lagi naming dala-dala ang magagandang aral na aming natutunan sa inyong mga kamay.

Sa ating Poong Maykapal, nagpapasalamat po kami sa inyong patnubay, pagkalinga at pagtulong sa aming mag-aaral. Kayo po ang nagsisilbing lakas sa mga panahong kami ay mahina. Kayo po ang palaging naririyan upang kami ay bigyan ng pag-asa. At nawa po’y gabayan Ninyo kami hanggang sa mga susunod pang panahon.

Sasamantalahin ko na po ang pagkakataong ito na pasalamatan ang aking mga kaibigan at kaklase.

Kina Aljon, Cristen, Dexter, Jonas, Jehrus at R-Jaicer… mga tol maraming salamat sa lahat. Sana maging magkakaibigan parin tayo hanggang sa pagtahak natin sa panibagong landas ng ating buhay. Sana walang iwanan.

Sa buong IV – Archimedes… classmates, alam kong hindi ito ang huli nating pagsasama-sama. At sana sa muli nating pagkikita-kita makalipas ang ilang taon ay matagumpay na tayo sa propesyong ating pinili. Salamat sa lahat. Hinding hindi ko malilimutan na napabilang ako sa isang seksyon na napakaingay at napakagulo pero punung-puno ng talento at talino.

Sampu ng buong seksyon ng Archimedes, kami ay humihingi ng tawad sa aming mga guro dahil sa sobra naming kaingayan sa loob ng klase. Gayundin, humihingi kami ng tawad sa ibang seksyon dahil kung minsan ay mayabang at mapagmataas kami. Hindi porket nasa pilot section kami ay magtatagumpay na kami. Walang batayan iyon. At marahil isa itong hamon sa inyo na kahit hindi kayo pilot section ay kaya nyo ring abutin ang inyong mga pangarap. Ipakita nyo na kaya nyo rin.

Nais ko ring pasalamatan si Bb. Flocerfida Borlaza at ang mga bumubuo sa Northern California Liliweños Scholarship Foundation sa pagbibigay sa amin ng pinansyal na tulong. Malaki po ang naging tulong nyo sa akin upang matustusan ko ang mga pangangailangan sa paaralan. At sana po ay marami pa po kayong kabataan na matulungan.

Hindi po basta-basta ang maging kandidato sa pagka-balediktoryan. Napakahirap at napakaraming expectations. At kung minsan hindi mo magawa ang mga bagay-bagay na gusto mong gawin dahil sa mga expectations na ito. Pero gayunpaman, ang mga expectations na ito ang tumulak sa akin na magpursige sa bawat gawain.

Hindi pa man natin alam ang ating hinaharap ang mahalaga ay alam natin ang ating pinanggalingan at pinagmulan. At dapat natin itong lingunin saan man at anuman ang ating marating.

Bago ko tapusin ang talumpating ito, nais kong ibahagi ang isang quotation na aking ginawa. At sana’y makatulong ito sa paglalakbay nyo tungo sa pagkamit ng minimithing tagumpay:

“If A equals to success, then A is the summation of X, Y and Z. Where X is the inspiration, Y is the dedication and Z is the hardwork.”

The journey to where I am now all began with a goal I made four years ago – to be the valedictorian. While it seemed unrealistic at that time, it gave me direction and plan to work towards that goal. I encourage all of you to set goals for yourselves and to strongly stand for something that can give your life a direction and purpose. As fellow member of graduating class of 2006… I love all of you guys and wish you all the best in your lives.

Remember that God is within all of us. Just call and listen to Him and you can stand with Him as I do now.

Thank you.

***

OMG! Akalain mo iyon! 11 years na ang nakakaraan noong tumayo ako sa harapan ng aking mga kaklase at ka-batch. I know madami na ang nangyari sa buhay ng bawat isa sa amin. May mga maagang nag-asawa at nagkaanak. May mga nag-abroad na. May mga on the way na sa kanilang corporate ladder of success. May mga nagsilbi sa bayan bilang pulitiko. May mga hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral. May mga ikakasal na. May mga single pa rin (You know who you are! LOL! Yes, I know myself. Yay!). I posted this blog because napapanahon naman. Graduation na rin at may mga Moving Up Ceremony na ipinagdiriwang.

Noong binasa ko muli ang speech na ito, I had some realization din. Asan na nga ba ako? Could I say that I’m successful? (Well, ibang blog topic na iyon. Medyo mahaba eh.) Madami lang akong naalala na mga happenings noong high school. Mga memories ba. Mga pinagdaanan. Mga kilig at pag-ibig. Mga pagsubok at tagumpay.

I highly recommend na ngayon Biyernes Santo ay magkaroon ka rin ng personal realization sa kung ano ang nangyari sa buhay mo nitong nagdaan mga araw, linggo, buwan at taon. Think of those things na pinagsisihan mo. Think of those things na hindi mo nagawa. Think of those things na naging hadlang sa mga pangarap mo. Reflect. Evaluate it. Learn from it. Then take actions.

Panoorin mo itong video na ito para sa mas matinding reflections. 🙂

***

Advertisements

4 comments on “My High School Valedictory Address

  1. Jayson Santos
    April 19, 2017

    Valedictorian ka pala! Congratulations! Napaka-nostalgic magbasa ng graduation speeches and at the same time nakaka-inspire.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 14, 2017 by in Personal 101 and tagged , .
%d bloggers like this: