Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

BLOgUEST 101: Liham Para sa Aking Sarili

“Sino ka?”

Siguro ang tanong mo ay sino ako. Sino ako isang araw bago ang kaarawan mo.

Ako ang malungkot na bersyon mo. Nasaktan ng sobra at nawalan ng gana. Ang dami kong gustong pangarap pero hindi mo matupad dahil hindi mo din alam kung mga pangarap mo ba talaga iyon.

Malungkot ako dahil pinili kong maging malungkot para sa kalungkutan ng iba. Pero hindi ko pinili ang masaktan. Dahil nasaktan ako, natakot ako. Kinahon ko lalo ang sarili.

“Nasaan ka na ngayon?”

Sana wala ka na sa kahon. Sana pasalamatan mo ako sa hinagpis ko. Dahil kung hindi ako nasaktan, hindi matatapos ang takot mo at hindi ka magiging matapang sa pagsagot ng problema.

At kung may pangarap kang hindi natupad, sana wag mo akong sisihin. Gamitin mo ako. Kinaya kong lagpasan ang lungkot. Sana kayanin mo ding tuparin ang kasiyahan mo.

Ang pinakapangarap mo, kayanin mong mangyari. Dahil ako, pinilit kong ipaglaban ang sarili ko. Isipin mo ako.

Kung sa pagtupad ng gusto mo at ang pagiging mag-isa mo ay pinanghihinaan ka, isipin mo ulit ako. Kinaya kong mag-isa.

Okay lang huminto pero wag sumuko. Bigyan mo ang sarili mo ng oras para ngumiti at magkape. Sa pag-kape mo ay sasamahan ka ng kusa at hindi pinipilit.

Samahan mo lang din siya dahil sabay kayong sisimulan ang lahat. Bilang simula ng bagong taon ng buhay mo, alalahanin mo ‘yong nakasulat sa Ecclesiastes 3. Ito na ‘yong perfect na oras. Sa loob ng isang taon, ayokong tamarin ka. Ayokong mawalan ka ulit ng gana. Gusto ko patuloy kang maging masaya. Mula unang buwan pagkatapos ng kaarawan mo hanggang sa susunod na taon, kung pwede lang naman, gawin mo ang mga ‘to:

May. Bilhan mo ang sarili mo ng paborito mong bulaklak. Ilagay mo sa vase at ipatong sa drawer mo.

June. Linisin mo ‘yong kwarto mo. Alisin mo na ‘yong hindi mahalaga. Itapon mo kung dapat itapon. Ipamigay mo kung dapat ipamigay. BASTA ALISIN MO.

July. Balik ka sa The Circle, Zambales. Sleep under the stars.

August. Paglutuan mo ng umagahan ang mga tao sa bahay.

September. Watch a cultural show with mama. Mahilig siya sa history.

October. Bilhan mo ng bucket meal ang mga pamangkin.

November. Donate to charity. Naaalala mo ‘yong girl from UNICEF? Call her.

December. Magbigay ka ng regalo sa mga bata sa Riverside.

January. 31 day make up challenge. Deserve mong maging maganda.

February. Maghintay ka lang.

March. Attend ka ng graduation ng iba.

April. Pasalamatan mo ang Panginoon.

Sa bandang ito, wala na ako. Dahil tulad ng sabi ko, ako ay malungkot para sa malungkot. Ngayon, huwag ka nang matakot na maging masaya. Masaya ka na para sa sarili mo, sa iba at sa pag-ibig.


About the author: Clarence is a melancholic blogger with a head full of dreams. She’s kinda scared in speaking up and sharing her thoughts in public. Being exposed gives her pressure so she just listen most of the time though you can find her noisy in game cafes. Her blog helps her share her thoughts and observation though she felt nervous when someone knows her found her blog.

Madami siyang gustong sabihin at mas madali niyang sabihin kung isusulat niya ito. Kaya siya nagblog para kung gusto mo ulit siyang pakinggan, dalawin mo lang siya sa kanyang blog – Wallflower Jayu.


Una kong natagpuan ang blog ni Clarence noong nagsulat ako ng tagalog version ng Sunday Currently at tinawag ko itong Linggo sa Kasalukuyan. I found out that she is a marketing graduate but end up in advertising field. She is a graphic designer too. I asked her to be part of my BLOgUEST 101 dahil birthday niya today. Kaya let’s greet her a happy birthday! Hindi ko malagyan ng comment (blockquote) ang kanyang entry dahil medyo seryoso. Ayokong sirain ang mood. Pero sa mga susunod na entry ng ibang guest bloggers, I’ll make sure na meron na akong mga side comments.

This is my greetings for you, Clarence! Happy birthday and may you always pursue the things that you love. May God bring you closer to that woman that He wants you to be. Always find strength in Him. Never lose hope in your dreams. Take heart of this verse from Jeremiah 29:11 – “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Para sa gustong maging guest blogger sa aking site, read this: How to be part of BLOgUEST 101.

***

Advertisements

One comment on “BLOgUEST 101: Liham Para sa Aking Sarili

  1. Pingback: My Birthday Time Capsule | What's up me?

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 13, 2017 by in Singlehood and tagged , , , , .
%d bloggers like this: