Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Semana Sinta

Leron, Leron, sinta
Buko ng papaya
Dala dala’y buslo
Sisidlan ng bunga

Pagdating sa dulo
Nabali ang sanga,
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.

Kaibigan ang galawan, sinta ang tawagan. Ayun, pagdating sa dulo #BestFriendZone. Saklap. Akala mo noong una ay sumasang-ayon ang kapalaran sa iyong kagustuhan. Hindi pala. Nag-assume ka lang pala. Hindi mo kasi nilinaw Bes!

Madalas ka niyang ka-chat sa Facebook. Sa umaga, pagkagising. Sa gabi, bago matulog. May mga in between na pangangamusta pa. Umasa ka naman na akala mo nililigawan ka na niya. Bakit di mo kasi tinanong kung bakit niya ginagawa ang mga iyon? Nahulog ka sa bitag/buslo niya. Anak ng papaya! Pinitas mo na hindi pa hinog. Ayan tuloy naging atsara. Anong pinagsasabi ko? Hindi ko rin alam. Maikonek lang ba sa kanta. Haha

Back to the story of a girl who fell for a guy… Hindi naman natin masisisi si girl dahil itong si guy ay masyadong nagpaka-sweet. Dude! Cool lang kasi. Kung wala kang balak ligawan, aba ay huwag maging sweet. Siyempre may defense mode si guy. Paano kung ganoon lang talaga siya sa mga tao? Sweet and caring talaga siya. Sasabihin niya rin ang famous quote na “Do not assume unless stated otherwise.” Sinabi ba niya na gusto ka niya? Sinabi ba niya na nililigawan ka niya? Sinabi ba niya na may pagtingin siya sa iyo? Haaay. Si girl naman ay may sagot din diyan, “Actions speak louder than words”. May point nga naman. Pero girl, alam mo kung bakit ginawa ang bibig? Hindi lang para kumain. Para magsalita rin. Kaya kung hindi sinasabi ni guy na gusto ka niya, mahirap mag-assume. At sa huli, laging babae ang talo. Sana ay maging aral ito sa lahat ng mga kababaihan. Next time, please be careful with your heart. Pero siyempre may mga ibang story pa rin naman na pwedeng mag-work. We cannot box a relationship in just one formula. Kung gusto mong magbahagi ng iyong istorya, bukas ang pintuan ng aking blogsite para sa iyong kwento. Click How to be part of BLOgUEST 101.

So kamusta naman ang magiging holy week mo? Mahal na araw pa ba? O baka Sawing araw na. Anyway, moving on takes a process kaya hayaan mo lang na pagdaanan mo. Pero daanan mo lang. Huwag mong tambayan. Baka ilang taon ka na kasing tumambay at andyan ka pa rin sa moving on. Graduate ka rin kapag may time. Moving On Ceremony ika nga. Baka sakaling makatulong ang ilang articles ko: Ang Pagbangon (A Poem of Moving On) at 7 Steps to Moving On. Click mo lang.

Siguro kaunting trivia lang ano. Alam ba ninyo na ang Semana Santa ay regular na ipinagdiriwang ng Espanya? Dahil ilang daang taon din tayong nasakop ng mga Kastila, kaya naman ito ay nasa kultura na nating mga Pilipino. The color purple plays a significant role during Semana Santa, it is related to suffering. (Source) Kaya pala may friend akong laging naka-purple? Baka suffering sa relationship? Matanong nga siya. Haha!

Semana Santa in Spain

Ang Semana Santa ay nagsisimula sa Linggo ng Palaspas at magtatapos sa Sabado de Glorya. Isinasagawa ang lahat ng ito upang alalahanin ang mga paghihirap at ang pagkamatay ni Hesus para sa sangkatauhan. Sobrang historical ng Sabado de Glorya para sa aming mga kalalakihan lalo sa probinsya. Ito kasi yung araw na magpapatuli ang mga kabataang lalaki. Haha! Oh I remember the blade and that “pukpok” na tinatawag.

Anyway, I think hindi naman need na sa tuwing Mahal na Araw mo lang inaalala ang paghihirap at pagkamatay ni Hesus. Everyday can be the day para alalahanin mo ito at magkaroon ng personal na relasyon sa kanya.

Para sa lahat ng mga nakarating na sa dulo at biglang nabali ang sanga dahil sa hindi natin maipaliwanag na kadahilanan (third party, nanlamig, hindi pa handa, it’s-not-you-it’s-me, i-need-space, nangibang bansa, nangibang bahay, nangibang mundo, atpb.), tandaan ninyo na hindi natatapos ang buhay kapag nabali ang sanga. Madaming sanga sa mundo. LOL! I’m not saying na humanap ng iba. Kung kasal kayo, ibang usapan iyon. Balikan ang inyong sinumpaan sa altar. Ang best na sandata mo talaga ay ang panalangin. Hindi ko na alam kung saan ba patungo ang sinasabi ko. Ang gusto ko lang naman ay tapusin na ang article na ito dahil kakain na ako! Haha!

So ayun nga. Tandaan natin na may parating na umaga sa bawat gabing puno ng luha at pasakit sa ating puso. If there’s always a rainbow after the rain, then there will always be a sunrise after the sunset. Waley. Sorry for the ending. Minsan hindi naman talaga natin masasabi na laging happy ang ending. What’s important is the journey of the story. #AnoRaw #Byers

Featured Photo (Source):

***

Advertisements

6 comments on “Semana Sinta

  1. fattykathyjourneys
    April 12, 2017

    Kaibigan ang galawan, sinta ang tawagan.

    Unang pangungusap pa lang, ayaw ko na ituloy HAHAHA

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 12, 2017

      May mga bagay na dapat ituloy. Mayroon din naman hindi dapat ituloy. hehe! We all need wisdom 🙂

      Liked by 1 person

  2. 18megapixel
    April 12, 2017

    Witty at the same time matinong payo for both parties.. 🙂 Nice one doc.. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 12, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , , .
%d bloggers like this: