Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

My Top 11 Most Commented Blog Articles

11. Lihim na Pagtingin: Ms. Anonymous and Mr. Sinonymous – 52 comments

Ito ay mga hugot mula sa mga movie lines. Sample:  “Akala mo lang wala.. pero meron!! meron!! meron!! Meron akong pagtingin sa’yo.” –Carlo Aquino, Bata, Bata…Paano Ka Ginawa (1998). More on tweaked na mga linya.

10. Girls Lang Ba ang May Ayaw sa ‘Uncertainties’? – 53 comments

Ang feature photo sa article na ito ay ang mga gwapo at magaganda kong batchmates sa student organization (church-based). Bigla ko tuloy silang namiss! FYI, isa pa lang ang may asawa doon sa nasa picture. Haha! Dinepesahan ko sa article na ito ang mga kalalakihan. Check niyo na lang!

9. They searched these on Google. Seriously???!!! – 55 comments

Yeah. Like seriously! May mga tao pala talaga na ang babaw lang ng tinatanong kay Google. Hindi naman sobrang babaw pero I mean basta! Natatawa ako sa ibang search terms nila.

8. May Boyfriend Ka Na? – 58 comments

Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pinakauna kong blog entry dito. Two and half years na pala ang ang blog site na ito! Anyway, girls basahin ninyo ang article na ito. Pinag-isipan kong mabuti ang mga taglines diyan. 🙂

7. Ang Crush Kong Blogger – 60 comments

Ito talaga ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng libro eh. Maraming salamat sa positive response and comments. Iyon talaga ang nag-inspire sa akin na dugsungan ang story nina Hannah and Pep.

6. 101 Things About Me – 62 comments

Ang hirap gumawa ng mga bagay na patungkol sa sarili. Lalo kung 101 things ba naman. Pero nakakatuwa kasi mas makikilala mo ang sarili mo. Saka kung gusto mong makilala ka rin ng ibang tao, edi ipabasa mo na lang yung article na ginawa mo. I think I will update it again by next month. Stay tune! 🙂

5. 7 Levels of Singleness – 70 comments

Ito ang isa sa paborito kong article. Natatawa kasi ako sa mga pinaglalagay ko doon na levels. Anong level na nga ba ako ngayon? Haha! Eh ikaw ba? Naka level 7 ka na! Check mo.

4. Ano ang masasabi nila sa libro kong LOVE IS BLOG? – 72 comments

Siyempre yung libro ko ang bida sa article na ito. Thank you sa lahat ng mga nagbigay ng review. I really appreciate it guys! Malapit na palang magdalawang taon ang libro ko sa May. Akalain mo yun! Happy 2nd anniversary. LOL

3. Definitely Single BUT Definitely Happy – 80 comments

Paano ba naman hindi dadami ang comments dito sa article ko na ito! Eh ginawang chatbox ng mga blogger friends ko! Haha! Shout out Rhea, Klawi, Mel, Lady, at Nurse A! Nawa’y happy kayo sa pagiging single ninyo. 😉

2. Ang Alamat ng Single – 86 comments

Malayo na rin ang narating ng alamat na ito! Masasabi kong buhay na alamat ito. Haha! Naging unang bahagi pa ito ng isang eBook na ginawa namin sa aming samahan. Kung gusto mong ma-download ang libro na iyon, click this link. Ang title pala noon ay The Book of Single. Madami kang kakapulutan na aral doon. Maraming hugot din. Maraming emosyon.

1. Who is Dr. Eamer – 165 comments

So ito pala ang pinakamarami kong comments. Madami siguro ang naguluhumihanan kung ano ba talaga nag ibig sabihin ng Dr. Eamer. Based on my estimatistics, only 7% of the reader’s population ang nakaintindi ng kahulugan noon sa unang encounter. Don’t worry mas madali naman daw maintindihan iyon kaysa sa babae. Shout out to all the girls out there. Totoo ba yun? Mahirap kayong maintindihan? Tapos sabi pa ng mga lalaki ay napakahirap ispelingin ng mga baeba. Mukhang hirap na hirap nga ako. Try ko ulit… b-e-a-b-a. Ay ayaw talaga. Kayo na nga lang mag-spelling noon. 😉

Anyway, kung gusto ninyong malaman ang most commented blog articles ninyo, punta lang kayo sa Stats Section then nasa lower right iyon. Minsan ang sarap din balikan ng mga comments thread. Kung gusto mong magpacomment sa iyong blog articles, comment ka lang sa baba. Then I’ll visit your site. Cheers!

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 6, 2017 by in Blogging and tagged , , , .
%d bloggers like this: