Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

A new command I give you: Love another one

Hindi ko alam kung napansin mo agad ang mali sa title ng article ko. Pero kung ikaw yung tao na ang lagi na lang napapansin sa iba ay ang mga mali nila, then for sure you will notice it easily. Pero kung matalino ka raw, mapapansin mo agad yun. Based on my estimatistics, 3 out of 10 people will recognize what’s wrong with my blog title in just one reading. Isa ako doon sa tatlo. Kaya dalawa na lang ang natitirang slot. Be one of us. LOL!

This will just be a short blog unlike those blog series that I used to write. I just want to share one principle in love here. Isang prinsipyo na maaaring nabasa mo sa mga libro o narinig sa ibang mga tao.

“The right one in the wrong place/time is still the wrong one.”

Nahirapan akong ayusin ang wordings ko. Haha! Pero gets mo ba? Ganito kasi yan. Ang title ng blog ko ay hango sa bible verse na John 13:34 (A new command I give you: Love one another. As I have loved you, so you must love one another.) I made some tweak lang naman. Pinagbaligtad ko ang words na “one” at “another” kaya naging Love another one. Naging iba na tuloy ang meaning. Sa halip na mahalin ninyo ang bawat isa naging magmahal ka pa ng isa.

Ganyan ang ibang mga lalaki o babaeng two-timer. They love another one. Kaya mag-ingat ka sa kanila. Sabi sa survey, ang birth month nila ay from June to October. Yan ang mga season na tag-ulan. Kapag ipinanganak ka raw sa mga panahong iyan, madali kang manlalamig sa inyong relasyon. Of course joke lang yun! Gullible mo naman. Kaya ka madaling naloloko nung ex mo eh.

So ano nga ba ang point ko? Minsan akala mo siya na. Kung puro check siya sa listahan ng characteristics ng gusto mong maging boyfriend/girlfriend (at eventually ay mapapangasawa), hindi naman ibig sabihin na siya na talaga. He could be the right person but is it the right time? Parang ganito lang yan, okay naman ang gulay kasi super healthy. Pero try mong ipakain iyan sa 3 month-old na baby. Analogy lang naman.

It’s not about finding the one. It’s about preparing yourself to be the one. – Jefferson Bethke

Medyo bitin ang message ko ngayon pero I hope na nakuha mo ang gusto kong iparating. Happy Monday!

***

Advertisements

4 comments on “A new command I give you: Love another one

  1. fattykathyjourneys
    April 3, 2017

    Is it the right time?

    Iniisip ko yang idea na yan when I was taking the shower this morning Haha!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 3, 2017 by in Courtship & Dating and tagged , , , .
%d bloggers like this: